Muli siyang bumalik sa regular routine niya tuwing araw ng Sabado, ngayon ay wala na siyang dapat pagtaguan at iwasan. Umaasa siyang makikita si Raffy dito sa jogging site.
"Ayan kana naman, Rafina, sinasabi ko na sa iyo, huwag kang aasa sa mga bagay na walang patutunguhan. Andiyan na si Nixon, hindi kapa rin ba kuntento?" Pinagalitan niya ang sarili.
"Busy siya ngayon wala siyang oras magjogging, isa pa, araw ng Linggo ang sked niya," muling naisip niya saka nailing sa sarili. "Kung ano-ano ang laman ng isip ko, tsk. Si Nixon lamang ang dapat kong iniisip simula ngayon," muli niyang kontra sa kanyang sarili. Hinihingal siyang huminto sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad pabalik ng kanyang sasakyan. Natapos na ang kanyang nakakapagod na panglimang ikot. Pagkatapos niyang magpahinga saglit habang limilinga-linga sa palingid kasabay ng paglagok niya ng kanyang dalang tubig, sumakay na siya sa sasakyan at umuwi na ng bahay, nagtataka siya at hindi man lamang nagte-text ang kanyang Ate upang kulitin siya.
Pagdating niya sa bahay, nadatnan niyang nagdidilig ng ilang mga halaman sa hardin si Mila, na agad tumakbong nagbukas ng gate ng makita siyang paparating. Nang naipasok na sa garahe ang sasakyan ay binalingan si Mila na nagsasara ng gate.
"Bakit hindi kapa naghahanda ng tanghalian natin?" Tanong niya dito.
"Eh Ate, may cook sa kusina ninyo kaya hindi nako nag-abalang gumawa pa doon kaya nagdilig na lang ako ng halaman habang nakasalang sa washing machine ang mga nilalabhan ko," paliwanag ni Mila. "Ang aga niyang dumating bitbit ang mga lulutuin niya," habol pang paliwanag.
"Si Ate ang nagluluto? Himala, di ko naririnig nag-iingay ang mga pamangkin ko," napapataas ang kilay niyang wika.
"Hindi si Ate Mara, si Sir Nixon."
"Ah? Bakit hindi mo ako tinext? Sana agad akong umuwi?"
"Gusto daw niyang i-surprise kayo," nakangiting wika ni Mila.
Walang reaksiyong pumasok sa loob si Rafi at tumuloy sa kusina, nanatili siyang nakatayo lamang sa bungad ng kusina nang makitang abala sa pagluluto si Nixon na gamit pa ang pink na apron. Napangiti ang dalaga, minasdan lamang ang bawat kilos nito na sumisipol pa na may himig ng isang masayang love song.
"Lalong naging matikas ang kanyang katawan, at nakatalikod palang ay guwapo na siyang masdan, saan kapa? Choosy ka pa ba Rafi?" Naisip niya habang nahahalinang sinisinghot ang mabangong amoy nang niluluto ng binata.
"Stop staring, come near and watch me doing this," nakangiting wika ni Nixon nang mapansin siya at bahagya niya itong nilingon.
Napangiting lumapit si Rafi dito pero pinanatili ang kaunting distansya sa kanilang dalawa, nanood siya nang paghihiwa ni Nixon ng mga gulay habang may isang putahe ng nakasalang sa lutuan.
"Bakit hindi ka nagsabing pupunta dito? Para agad akong nakabalik," tanong ni Rafi.
Bahagyang itinigil ni Nixon ang ginagawa at lumapit sa kanya upang bigyan siya ng yakap subalit mabilis na umiwas si Rafi. "Teka, may pawis ako, nagjogging kya ako," wika niya. Hindi siya pinakinggan ni Nixon at itinuloy parin ang pagyakap sa kanya.
"I don't care, I will hug you if I want to," mahigpit niya itong niyakap. Bahagyang gumanti rin si Rafi.
"Masusunog ang niluluto mo," wika ng dalaga at agad kumawala dito. Naiiling namang ni-check ni Nixon ang niluluto. "Bagay sa iyo ang pink na apron ko," Puna ni Rafi saka nangiti.
"Lakas makalalaki ba?" Sakay na biro ng binata. Habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"Maliligo muna ako and I'll be back," wika ni Rafi matapos matawa.

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...