Araw ng Sabado, nagjogging si Rafi as regular scheduled. At ng araw nang Linggo ay maaga siyang pumunta sa bahay ng kanyang kliyente.
"Kailan po ba kayo magkakaroon nang trial Attorney?" Tanong ni Rafi sa abogadong kaharap nila, matapos niyang maipresenta at maipaliwanag sa attorney at kay Mrs. Pecson ang mga financial statements na dala niya.
"Probably, I'll just present these to BIR and then if these details didn't work, let see if they will pursue the case in trial court or just settle the penalty." Sagot ng attorney na nasa tanchang 50 anyos na ang edad.
"Aba sana naman hindi na umabot pa sa korte ang mga bagay na iyan. Kasiraan sa negosyo iyan baka mawalan tayo ng kliyente," kunot noong wika ni Mrs. Pecson sabay na pinagsalikop ang dalawang palad parang nagdarasal. "Buti nalang at agad mong nakita ang discrepancy kung hindi baka mas lalong lumala ang problema at lumaki pa ang penalty," wika ni Mrs. Pecson kay Rafi.
"Hi, Auntie!" Bungad na bati nang bagong dating na lalaki, na umagaw nang atensiyon nila, saka humalik sa pisngi ni Mrs. Pecson.
"O Raphael iho," magiliw na tinanggap ni Mrs. Pecson ang halik ng pamangkin.
Medyo lumapit naman sa abogado ang lalaki at nakipagkamay. "Attorney, kamusta?" Nakangiting bati.
"Ayos lang naman, so how's your business?" Magiliw na tanong ng abogado, halatang matagal nang magkakilala.
"It's perfectly fine," pagmamalaking sagot nito.
"Anyway, I am glad that you're here iho, madalang kana lang bumisita sa akin. Dito kana kumain ng tanghalian ah," si Mrs. Pecson.
"I just done my jogging, naisip kong dumaan dito. I heard may problema ka sa BIR," wika nito.
"Heto nga at pinag-uusapan namin," sagot naman ni Mrs. Pecson.
"Gosh, he's the same guy from jogging site," sa isip ni Rafi nang makita ang bagong dating na lalaki. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, "He is really stunning lalo sa malapitan," muli niyang napasaloob. Napakurap siya nang mapagawi sa kanya ang tingin ng lalaki.
"By the way, she is my accountant, Miss Israel," pakilala ni Mrs. Pecson. "This is my nephew, Raphael Sandoval," dugtong pa ni Mrs. Pecson.
"Hi, just Raffy," nakangiting wika ni Raffy saka kumaway lang sa dalaga at kaunting ngiti.
Tango at matipid na ngiti lang ang sagot ni Rafi. Ayaw niyang magsalita baka ma-stummer siya at hindi mapigilan ang mag-beautiful eyes sa harap ng lalaki. "Grabe, pareho pa kami ng nickname," naisip niya.
"By the way, where's Sam and Gigo?" Baling ni Raffy sa kanyang auntie, ang tinutukoy ay ang nag-iisang anak ni Mrs. Pecson na si Samantha at ang asawa nito. Close siya sa pinsan dahil tulad nito, mag-isa lang din siyang anak. Matanda sa kanya ng tatlong taon si Samantha.
"Ayun at may date daw silang mag-asawa," sagot ni Mrs. Pecson.
Natanawan ni Raffy ang nagvi-video game na pamangkin. Anak nang mag-asawang Sam at Gigo. "I'll just go to Nico then," paalam niya sa mga kaharap at lumapit na sa pamangkin. Muli namang itinuloy ng tatlo ang kanilang meeting.
"Hey buddy, how are you?" Bati ni Raffy sa pitong taong gulang na pamangkin saka ginulo ang buhok.
"It's fine uncle, I'm glad you're here so that I have somebody to play with this game race," nakangiting sagot naman nito at umusog nang kaunti upang makaupo ang kanyang tito sa tabi nya at inabot ang isa pang game controller. Nagsimula silang nag-car race na konektado sa malaking flat TV screen sa may sala malapit sa kinaroroonan ng mga nagmi-meeting.
Mula sa kanilang kinaroroon, kitang-kita ni Rafi sa gilid ng kanyang mga mata ang pakikipagkulitan ni Raffy sa kanyang pamangkin, and that's make him more cute.
Maya-maya lang ay sabay-sabay na silang dumulog sa mahabang dining table at naglunch na.
"After the settlement of the penalty, probably everything will be okay," wika ni Attorney matapos manguya ang pagkain sa bibig.
"I'm sure, you will now be closely monitored by the BIR after this case happened," wika ni Raffy sa kanyang Auntie.
"That's for sure." Sang-ayon ni Mrs. Pecson. "Kaya ikaw Raphael, i-check mo ang mga libro ninyo baka hindi mo alam may discrepancy din," paalala ng Auntie nya.
"Andiyan naman si Attorney para ayusin iyon," saka tumawa nang mahina. Tumawa rin naman ang attorney.
"Malaking pera iyan pag-nagkataon so beware," muling paalala ng ginang.
Nanatiling hindi kumibo at nakinig lang sa conversation nila si Rafi, natatameme kasi siya sa presence ni Raffy. Pakiramdam niya hindi siya komportable.
"Raphael, bakit hindi mo na isinasama dito si Eliz? At kailan kaba magpopropose sa kanya?" Pag-iibang paksang tanong ni Mrs. Pecson sa kanyang pamangkin.
"Darating din tayo dyan, Auntie, malapit na. Busy lang ako sa ngayon, There are some investors that I need to deal with, but after this, I'm gonna propose to her," pagmamalaking balita nito.
"Aba maganda iyan, gusto ko ako agad ang balitaan mo ah," natutuwang wika ng kanyang tita.
"Ouch! Hindi na pala siya free," panghihinayang sa isip ni Rafi.
Matapos silang kumain ay nauna nang umalis si Attorney at sumabay na rin si Raffy dito. Naiwan si Rafi na tinatapos pa ang mga details ng financial statement.

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...