CHAPTER 24 - Fixing the mess

111 3 0
                                    

Tatlong Linggo na ring laman ng mga news headlines ang rebelasyong ginawa ni Eliz sa telebisyon. At isang Linggo narin mula ng bumalik sa bansa si Raffy na pinagkaguluhan at talagang inabangan ng mga reporters sa Airport pa lang upang makunan ito ng pahayag tungkol sa issue. Subalit mahigpit ang mga bantay ng binata at agad nilang nailayo ito sa mga nagkakagulong reporters. Napanood lahat ito ni Rafi sa pamamagitan ng telebisyon. Kahit ayaw niya sana subalit hindi niya matiis na makibalita ng lihim.

"Hanggang sa mga sandaling ito ay patuloy na tahimik ang kampo ni Mr. Raphael Sandoval tungkol sa kamakailang paglalahad sa national TV ng kanyang dating fiancée na si Eliz Vizcara. Patuloy lamang kaming nakaantabay at bukas ang komunikasyon para sa inaasahang pahayag ng business tycoon hingil sa issue," pahayag ng isang reporter na kasalukuyang nagbabalita ng live sa harap ng pribadong building ng main office ni Raffy. "Napapabalita naring may ilang mga business sharesholders sa kaniyang holdings company ang nagpaplano ng mag-take back na ng shares nila sa ilang mga kumpaniya ni Mr. Sandoval dahil nangangamba ang ilan sa hindi firm na commitment ng binatang negosyante. Dahil dito, posibleng maapektuhan ng malaki ang kanyang mga negosyo," dugtong pa ng reporter.

Napabuntong hininga si Rafi habang patuloy na nakatutok sa telebisyon ang mga mata kahit commercial na ang palabas.

"Sira ka talaga, Raffy, ano pa bang hahanapin mo kay Eliz? Anong nasa isip mo at bigla kang umayaw? Bakit hindi mo inisip ang consequences ng lahat?" Nababahala niyang nasabi sa sarili. Simula noong huli silang magkita't magkausap at pumutok ang issue ay wala parin silang naging komunikasyon ng binata.

"Hmn, why bother for him on the first place?" Naisip niyang muli saka inabala ang sarili sa nakagawiang routine, ang pagpuyatan ang mga accounts ng kanyang mga kliyente.

Nagpatuloy lang ang buhay niya, iniwasan na rin niyang manood pa ng telebisyon lalo na ang mga balita, ayaw niyang maapektuhan sa hinaharap na problema ni Raffy.

"Friend, noong isang Linggong um-attend tayo ng kasal ni Yazi, nakita ka ni Jake, yung pinsan ni Yazi na laging nakatitig sa iyo kapag pinapasyalan natin si Yazi sa bahay nila?" Wika ni Odette na may panaka-nakang mahihinang hampas pa sa braso ng dalaga habang nagkukuwento.

Kuno't noong nakatingin lamang si Rafi sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa isang fastfood sa East Avenue ng mga sandaling iyon, nasa honeymoon pa ang bagong kasal na si Yazi kaya't sila lamang dalawa ang magkasama ngayon.

"Hindi mo na ba natatandaan si Jake?" Kuno't noong tanong ni Odette ng makita ang expression ng dalaga.

"Parang oo, parang hindi, anyway, what something about him?"

"Ayun nga, dahil wala si Yazi, ako ang kinukulit niya ngayon na i-set ko daw siya ng date sa iyo. Hindi siya makapaniwalang muli ka niya daw makikita at napakaganda mo daw lalo ngayon."

"Si Jake na matangkad at payatot? Iyong laging nahihiya at nagbablush kapag nahuli kong nakatingin sa akin?" Pagkukumpirma ni Rafi.

"Correct ka, friend. But take note, firm na ang katawan niya ngayon, at papable narin, at Dentist na siya ngayon."

"O ano naman ngayon?" Walang interest na tanong ni Rafi.

"Iyon nga, since loveless ka naman, kahit na free narin si Raphael Sandoval, at sabi mo nga ay wala na kayong communication ng jowa mo na ni hindi pa namin nakikita, baka naman gusto mong maglibang muna at i-focus ang atensyon mo sa iba, baka naman gusto mong humanap ng panibagong love of your life, malay mo naman okay na ang isang ito."

"So, you are playing cupid? Hindi bagay sa iyo," inirapan siya ni Rafi.

"Please lang, i-date mo na kasi, kahit minsan lang, subukan mo lang,"

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon