Nagtuloy siya sa bahay ng kanyang Ate Mara matapos siyang magjogging ng Sabadong iyon.
"Two weeks na siyang nakaalis pero hindi pa siya tumatawag, Ate." Wika niya habang nasa sala sila ng kanyang Ate at nagmo-movie maratton. Naikuwento narin niya ng ang ilang detalye ng tungkol sa issue nila ni Raffy, subalit alam niyang hindi isang daang porsiyentong naniniwala sa kanya ang kanyang Ate.
"Ano pa bang aasahan mo eh napakabig time ng kanyang karibal," ingos ng kanyang Ate.
"Pero hindi naman totoo ang kanyang nabasa!" Binato siya ng kanyang Ate ng hawak na throw pillow.
"Luka-luka! Ikaw ba naman ang makita mo ang girlfriend mong nakapasan sa isang lalaki at ang mga ngiti nila ay hindi mabibili, sa palagay mo anong mararamdaman niya?"
"Psh!" Naiinis na ibinato sa upuan ang throw pillow na ibinato sa kanya kanina. "Anong gagawin ko ba, Ate?"
"Mahal mo na ba talaga si Nixon? Or napilitan kalang dahil sa ginawa ko?"
Napatingin siya sa kanyang Ate at napaisip. "Ewan ko, pero ayaw kong magalit siya sa akin and mostly, I don't want him to wrong me. Isa pa napakabait ni Nixon."
"Kung talagang mahal mo siya sundan mo siya sa Sydney upang makapag-usap kayo. Pero pasasaan ba at ko-contact din iyon kapag humupa na ang galit, ang kaso, paano huhupa ang hinanakit niya kung kagaya niyan, may headline nanaman kayong dalawa ni Raphael Sandoval."
Napabuga na lamang sa hangin si Rafi, gulong-gulo na ang isip niya dahil nag-aalala siya ng husto sa pananahimik ni Nixon.
"Ang mabuti pa, para tigilan mo ang pag-aalala sa mga bagay na wala ka namang magagawa, samahan mo na lang akong mag-grocery," wika ni Mara saka ito tumayo.
Tinapunan lamang siya ng tingin ni Rafi saka muling ibinalik ang mga mata sa pinapanood. "Tinatamad ako, dito na lamang ako sa bahay, baka may makakita pa sa aking reporter guluhin nanaman ako," walang gana niyang sabi.
Muli siyang binato ng throw pillow ng kanyang Ate. "Feeling mo naman celebrity ka na din! Nadikit ka lang kay Raphael Sandoval nagpi-feeling ka na! Tara na para may kasama akong magbubuhat ng mga groceries," naiiling na wika ni Mara saka hinatak patayo ang kapatid. Matapos bilinan ang kanilang katulong pati na ang mga anak ay sumakay na sila ng sasakyan.
"Anong gusto mong bilhin? Magbe-bake ako at igagawa kita nang masarap na cupcakes," magiliw na wika ni Mara sa kanyang kapatid habang naka-abrisyete pa siya dito.
"Gusto ko cake talaga, hindi ba marunong kang gumawa ng braso de mercedes? Come on, let's buy some eggs para sa gagawin mo," nakangiting wika ni Rafi saka itinangay ang kapatid kung saan nakalagay ang mga itlog subalit hindi pa sila nakakarating doon ay may dalawang babae silang nakasalubong.
"Wow! Look who's here?" Sarkastikong wika ni Camille. Nakaismid namang nanunuyang nakatingin sa kanila ang kasama nitong babae.
Napakunot noo si Mara at medyo nag-alala naman si Rafi.
"Kakilala mo ba sila?" Mahinang tanong ni Mara sa kapatid habang ang tingin ay nasa gawi ng mga nakasalubong.
"Of course! Kilalang-kilala niya ako!"Nanunuyang sabat ni Camille.
"Ate, tara na at bayaran na lamang natin sa cashier ang mga napamili na natin, saka na lamang tayo mag-bake ng cake," wika ni Rafi saka hinatak ang kanyang Ate.
"Are you not really going to introduce me to your Sister?" Habol na tanong ni Camille.
"I don't think she needs to meet you anyway," inis na wika ni Rafi dito. Kung wala lang ang Ate niya tiyak kanina pa niya pinatulan ang babae.
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...