CHAPTER 22 - Letting go

115 2 0
                                        

Maaga siyang nakagayak ng araw na iyon upang magpunta sa bahay ni Mrs. Pecson. Pinaalalahanan kasi siya ni Carol tungkol sa pagtawag ni Sam sa opisina nila upang banggitin sa kanya na kailangan niyang magpunta ngayon sa kanilang bahay. Kahit alam niyang katatapos lamang ng gawain niya sa mga accounts ng ginang, nagpaunlak parin siya dahil gusto rin naman niyang occupied siya lagi.

"Hi, you're already here," bati ni Sam nang mabungaran niya sa may kitchen at abala itong nagbe-bake ng kanyang cupcakes. Ito kasi ang negosyong pinagkakaabalahan nito ang gumawa ng iba't ibang desenyo at flavor ng cupcakes saka idinideliver sa mga cake house or coffee shops na client niya.

"Yeah, pasensiya na at napaaga ako, maaga kasi akong nagsimba at dumiretso na ako dito."

"Sensya na at messy ang kitchen," nakangiting wika ni Sam saka ito nagpunas pa ng kamay sa kanyang suot na apron. "Maluluto na ang unang batch ng salang ko at papatikman kita, may bago rin akong coffee maker at ipapatikim ko sayo ang masarap kong brewed coffee," dugtong nito.

"Wow, gusto ko iyan. Gusto mo bang tulungan kita?" Nakangiting tanong ni Rafi.

"Gusto ko kaso, baka madumihan ka, ang mabuti pa ay doon ka nalang sa sala at ihahapag ko sa iyo doon ang brewed coffee mo pati cupcake."

"Sure, no sugar but with three spoonfuls of creamier," bilin nito.

"Wow, hindi nga nag-sugar pero ang creamier wagas," napapalatak na komento ni Sam.

Naupo sa may malapad na sofa si Rafi nang magawi ito sa sala. Napagtuunan niya ng pansin ang mga business at showbiz magazine na nasa ilalim ng center table. Kinuha niya ang isa at binuklat, tanging mga pictures lamang ang tinitingnan niya.

"Mukha atang tinanghali ng gising si Mrs. Pecson at hindi pa siya lumalabas ng kuwarto niya?" Naisip niya matapos bahagyang nag-angat ng tingin patungo sa hagdanan.

"Ma'am, luma na po ang mga magazine diyan, may bago pong issue at kakadeliver lang din ng diyaryong ito," wika ng isang katulong na palapit sa kanya at hawak ang isang showbiz magazine at isang dyaryo saka inilapag sa harapan ng dalaga.

"Thanks," wika niya dito at kinuha ang diyaryo saka binuklat-buklat. Hindi naman nya hilig magbasa-basa. Mas naaaliw siyang mga numero ang kaharap niya kaysa sa mga letra. Ilang minuto ay natapos niyang buklatin ang diyaryo na tila naiinip na ibinalik sa pagkakatupi. Kinuha niya ang magazine at ito naman ang binuklat. Sa ikalawang pahina nakita niya ang mga larawan ng ibat-ibang hot-air balloons.

"Naku, natapos na pala ang hot-air balloon festival, hindi ko napaunlakan ang mga kaibigan kong nag-aayang puntahan namin," nanghihinayang na naisip nito saka inisa-isang tingnan ang bawat celebrity na nandoon sa final day ng festival.

Superstar Model, Eliz Vizcara and her confirmed Business Tycoon Fiance, Raphael Sandoval, joined celeb couple on the biggest hot-air balloon festival in Pampanga and took delightfully ride in one of the hot-air balloons.

Nasa isa sa mga columns na nabasa niya ang nakasulat at nakalarawan pa ang sweet na posing nina Raffy at Eliz. Nakadark sunglasses ang binata at naka cup naman na kulay lavender si Eliz habang naka peace sign sa ere at nakakapit sa tagiliran ng nobyo na nakaakbay naman sa kanyang balikat habang nasa loob ng malaking basket ng balloon, nahagip din ng posing si Jeff na nasa likuran nila na ngumiti pang sumingit sa camera.

Nagulat si Rafi ng may umagaw ng hawak niyang magazine.

"Hindi mo na dapat pinasasama ang loob mo sa mga bagay na hindi nakakatulong sa iyo," si Sam na nakalapit na pala sa kanya at nailapag na sa harap niya ang umuusok na kape at bagong bake na cupcake.

Agad binago ni Rafi ang facial expression, mula sa disappointment, pinasaya niya ang kanyang ngiti. "Coffee would be a delight," wika niya saka agad kinuha ang tasa ng mabangong kape at iinumin na sana.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon