Suot ang isang simple subalit eleganteng kulay black na bestida na above the knee at tinernuhan ng isang white gold the kuwintas na may malaking letter R pendant at light brown wedge, isinukbit ni Rafi ang kanyang sling bag saka bumaba ng kanyang sasakyan. Gusto sana ni Nixon na sunduin siya subalit nagdahilan na lang siya kya hindi na nagpumilit pa ang ka-date.
Pagpasok sa restaurant ay nagstop muna siya sa may pinto at pinasadahan nang tingin ang buong restaurant, alam niyang mamahaling restaurant ang lugar na ito.
Nakangiti siyang kinawayan ni Nixon at tangkang lalapit na sana ito sa kanya nang humakbang siya kaya't halos mag-meet sila malapit sa occupied table ng binata.
"Thanks for coming," nakangiting bati ng binata saka inalalayan sa pag-upo.
Ngumiti lamang si Rafi saka prenteng naupo at inilagay sa gilid ng mesa ang kanyang sling bag. Saka kinuha ang iniabot na menu book ng waiter sa kanila. Matapos ang ilang sandali ay umorder na sila.
"I will only stay here for two months," panimula ni Nixon.
Tumango-tango lamang si Rafi.
"I want to spend my vacation with you," muling wika ni Nixon.
Kumunot ang noo ni Rafi sa sinabi nito.
"You know the getting to know stage," sagot ng binata sa reaction ni Rafi.
Tumango-tangong muli ang dalaga. Maya-maya lang ay dumating na ang kanilang inorder.
"I and Boyet are planning to have an out of town vacation at the beach for at least three days," muling pagbubukas nang usapan ni Nixon nang magsimula na silang kumain.
"That's good," tipid na ngiti ng dalaga.
"I hope you can come with us."
"As much as I am willing but I doubt it if I can go with you."
"Why not?"
"Three days is very long for me. I have a lot of paper works to do in the office."
"We can set it during weekdays so that you can only have your leave at the office for one day and that is Friday."
"I am sorry, but I have a client visit during Sunday."
Malungkot na bumuntong hininga si Nixon. "Can you hold off your visit until to other next Sunday so that you can join with this trip?"
"I cannot make a promise. It depends on the situation. I'll see tomorrow, during my visit, and I'll try to finish the pending works."
Nakita niyang sumaya ang mukha nang kaharap.
"I am looking to that," anito.
"Excuse me, I'll just go to the comfort room," paalam ni Rafi na tinanguan naman ng binata.
Dala ang sling bag, dumiretso ito sa ladies room. Inayos nito ang buhok at nagretouch nang kaunti matapos magbanyo.
"Nakakainis siya ah, akala mo girlfriend na niya ako kung makapag-request," inis na nasabi sa sarili habang nag-aayos. Lumabas na ng toilet matapos magsanitized ng kamay.
"Hi," bati nang lalaking muntik na niyang nakabanggaan sa labas ng toilet hallway.
"Hi! You are also here!" Gulat na sabi ni Rafi nang mapagsino ang lalaking bumati sa kanya.
"Yeah, kanina pa kita nakita, busy ka sa pakikipag-usap sa date mo kaya hindi mo ako napansing dumaan sa harap mo," nakangiting sabi ni Raffy.
"Ganun ba?"
"So, natuloy din pala ang date na ayaw mo," may himig panunukso.
"Yeah, I just follow what you advised, to give it a try," saka ngumiti.
"Okay, sige na, go back to him baka akalain tinakasan mo na siya," saka pa tumawa.
Ngumiti lamang si Rafi at saka sumenyas nang tumalikod pabalik sa kanilang table.
"The food here is great," wika ni Nixon nang naupo na muli si Rafi sa upuan niya.
"Yeah, kilalang restaurant ito and they serve flavorsome foods."
Nagkuwento si Nixon tungkol sa mga restaurant na kahalingtulad nito sa Sydney. Habang nakikinig si Rafi ay iniikot ang paningin sa restaurant upang hanapin ng kanyang mga mata kung saan gawi ang mesa ni Raffy. Hindi naman ito nabigo dahil nakita niyang masayang nagkukuwentuhan sila ng babaeng kasama nito. Lihim niyang pinag-aralan ang mukha nang kasama ni Raffy. Maganda ito, ang kutis at ang hubog ng katawan ay angat sa iba, matangkad parang modelo, at sopistikada. Napabaling ang tingin ni Raffy sa kanyang kinaroroonan, hindi na niya nagawang iwasan ang ngiti at tango nito nang mahuli siyang nakatingin sa gawi nila. Ginantihan na lang niya nang ngiti at tango din ang binata. Napalingon naman ang kasama niyang babae sa gawi nila. At sa kilos nito ay halatang nagtanong kung sino ang nginitian ni Raffy.
"Somebody you knew?" Tanong naman ni Nixon sa kanya nang mapansin din siyang nakipagngitian at tanguan sa hindi kalayuan mula sa kanilang inookupahan.
"Yeah!" Sagot ni Rafi na ikinabalik nang atensiyon niya kay Nixon.
"A friend?"
"A nephew of my client."
"What a co-incident, he also here for a date?"
"I guess," saka nito pinunasan ng table napkin ang gilid ng kanyang labi matapos inumin ang mango juice.
"Nabusog kaba?" Tanong ni Nixon.
"Yeah, thank you for the sumptuous dinner," saka siya ngumiti.
"My pleasure."
"But I think it's already late, I still have an appointment tomorrow morning, so shall we?"
"Okay," saka kumaway ng waiter ang binata. "Can we attend mass together tomorrow? After your appointment," hirit nito.
"Sure."
"I'll fetch you home."
"Okay."
"Thanks," nakangiting wika ni Nixon saka na sila tumayo at inalalayan niya ang dalaga.
Nakita ni Rafi sa kanyang peripheral vision si Raffy na tumanaw sa kanila nang paalis na sila. Hindi na niya ginawang tanawin ito dahil baka makaistorbo pa siya sa ka-date nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...