"I now pronounce you, husband and wife, you may kiss the bride," wika ng pari habang nakangiti sa mga bagong kasal. Nagpalakpakan ang mga naroon sa loob ng simbahan lalo't ang bride na may kalakihan na ang tiyan ang nagkusang humalik sa kanyang groom.
Naiyak si Rafi na sinaksihan ang pagtatapos ng kasal. "Hindi naman ako masokista, gusto ko lang tiyaking masaya ka sa buhay na tinahak mo," Naisip ng dalaga saka muling nagpunas ng mga luha sa mata at tumayo na sa kinauupuan, dumaan siya sa gilid ng exit ng simbahan. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng simbahan nang bahagya siyang napatigil dahil narinig niya ang tawag sa kanya nang pamilyar na boses.
"Rafi!"
Bahagya niyang nilingon ito, nakita niyang pinigilan ng bride ang kamay ng groom upang hindi makalapit sa kanya. Kita niya ang lungkot sa mga mata ng groom. Umiling si Rafi, senyas na huwag na siyang lapitan. Napapalingon narin ang ibang mga taong naroroon sa kanyang gawi.
"Goodbye Vince," wika nito kahit alam niyang hindi naman siya narinig ng groom. Nagmadali na siyang lumabas ng simbahan kahit dinig pa niya ang walang tigil na tawag sa kanya ni Vince.
![](https://img.wattpad.com/cover/146615113-288-k889181.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...