Mag-iisang Linggo na siyang feeling sawi. Kasalukuyan siyang nagmamaneho.
"Hmn, kaya ayaw kong dumadaan sa EDSA, naiinis ako sa pagmumukha ng isang ito!" Naisip niya. Nadadaanan kasi niya ang mga naglalakihang billboard sa EDSA at marami doon ay si Eliz, nakangiti ito at pakiramdam ni Rafi, ang mga ngiting iyon ay nagsasabi sa kanyang.... I have him back!
Naaasar niyang pinihit na lamang ang radyo ng kanyang sasakyan upang mawala doon ang focus niya. Ayaw muna niya sa AM station, baka magbalita na naman ito ng kaganapan sa modelo. Ipinihit niya ito sa FM station na paborito niya.
Oo nga pala
hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako
nangangarap na mapa-sayoHindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako?
Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo?
Aasa ba ko sayo?Agad niyang pinatay ang radyo. "Tsk! Pati ba naman ang radyo, hindi makikisama? Naiinis niyang sabi. Malapit na siya sa kanyang patutunguhan. May client visit siya ngayon at iyon ay sa opisina ni Mr. Navarro.
"Sana, wala siya doon, sana hindi kami magkita doon," naisip niya na may halong usal ng dasal.
Pagdating niya sa mismong gusali, ayaw niyang ilibot ang kanyang paningin sa paligid. Nag-pretend siyang busy sa kanyang direksiyon hanggang makarating siya sa opisinang pakay. Naging maayos naman ang kanyang transaksiyon hanggang sa makabalik na siya muli sa kanyang opisina.
Isang Linggo pa mahigit ang lumipas at walang Raffy na kumukulit sa kanya. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang binata kahit pa hindi niya maiwasang ma-update sa mga activities nito dahil narin sa media news.
Noong makalawa pa naibalitang nakabalik na ito ng bansa at sumaglit lamang itong bumalik dahil isa ang kumpanya nito na nag-sponsor ng special game season ng Philippine Basketball Association kaya't kinailangan niya itong suportahan, matapos ay sa Melbourne naman ang kanyang susunod na destinasyon upang makipagmeeting sa ilang foreign investors.
Napasulyap siya sa screen ng kanyang TV ng mapadaan siya. Nasa bahay niya si Nixon ng araw na iyon ng weekends at nanonood ng basketball game. Si Rafi ang nag-insist na magluto sa pagkakataong iyon na matagal pa nilang pinagdiskusyunan habang nagkukulitan. Katatapos lamang niyang mag-hain sa mesa matapos mailuto ang kanyang specialty na putahe at gumawi lamang siya sa sala upang tawagin na ang nobyo ng mapako ang mata niya sa screen ng television.
Makikitang nakunan ng kamera si Raffy habang naka-upo sa front level seat ng auditorium at masayang nanonood ng laro. Naka-stripes polo shirt itong kulay dark gray. Bumagay dito ang kanyang cup at mamahaling dark shades. Kitang-kita ang tigas ng katawan na humahapit sa kanyang semifit na polo shirt. Pati ang kaguwapuhan nito ay umaangat sa mga nakapaligid na game fans. Pakiramdam ni Rafi ay lumundag ang puso niya ng mai-close up ang kamera sa binata. Katabi nito si Jeff at panay ang viva sa malaking score ng kanilang team.
"There you go, the business tycoon has finally appeared live in the national TV. We should get a chance to have an ambush interview with him right away. This is seldom to happen, hopefully we can get a chance," excited na wika ng babaeng sports news reporter at kinuha ang pagkakataong makalapit sa kinaroroonan ng binata. Patapos na ang game bago pa ito nakalapit. Napatingin sa kamera si Raffy ng mapansin niya ang big screen sa auditorium na ang pagmumukha niya ang andoon. Naging alerto siya at tumayo matapos kalabitin si Jeff. Sinenyasan niya ito ng palihim. Inaasahan na niya ang isang ambush interview anytime. At hindi siya nagkamali, pati ang kanyang paglakad patungo sa exit way ay sinundan at kinukunan ng kamera, naka recess pansamantala ang games ng mga sandaling iyon. Kumaway na lamang si Raffy sa coach ng kanilang team upang magpaalam na.

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...