3

2.8K 31 0
                                    

MAX'S P.O.V

One month na pala ko dito sa Linden High University, at one month na din ako pinagtitripan ng Jeron na yon. Papasok na ko ng campus ng may biglang ay nahulog sa akin, isang baldeng harina lang naman ang pinanligo nila sakin. "The f!"

"Oh look, anong meron? Di mo naman sinabi sakin na mahilig ka pala sa espasol." Nakatayo siya sa harapan ko habang sinasabi niya yun sa akin.

Max, utang na loob huminahon ka. Wag kang gagawa ng di maganda please.

"Oh bat di ka makapagsalita ngayon?? Ha?"

Aba, hinahamon talaga ko nitong tukmol na to. Tumingin tingin muna ko sa paligid ko, nang makita ko yung balde na may harina kinuha ko yun agad at ibinuhos din sa Unggoy na to. "Don't dare me Unggoy. Ngayon kwits na tayo. Sino ngayon ang nagmukhang espasol satin dalawa." Sabay alis ko sa harapan niya ng bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Tandaan mo, hindi pa tayo tapos!"

-----------------------

"Baks, anyare sayo?" Tanong sa akin ni Chachi. "Ok ka lang ba ha?"

"Ok lang ako. Mag-aayos lang ako para sa next class natin."

Hindi ko alam kung ano bang problema sakin ng Unggoy na yon. Simula ng matapunan ko siya, hindi na niya ko tinigilan. Nakakabwisit. Pagkatapos ng klase pumunta agad ako ng locker area, pagbukas ko na naman ng locker nakakita naman ako ngayon ng kakaiba. "Guys mukhang hihimatayin ata ako..."

"Huh?? Bakit te?" Tanong ni Ashley.

"Yu-yung locker ko may pa-palakaaa!..."

"O M G!!!!!!"

Hindi ko alam ang gagawin ko pero, iba yung tingin ng palaka sa akin, para bang gusto niyang tumalon sa akin. Humanda ka Jeron, malilintikan ka sa akin.

-------------------------------

JERON'S P.O.V

"For sure nagtatatalon na yun sa takot, gawa ng palaka na pinalagay ko sa locker niya." Tawa ko ng tawa dahil naiimagine ko yung itsura niya.

"Bro, parang sobra na ata yung pagpapahirap natin sa kanya." Sabi ni Eithan.

"Ano ka ba Bro, kulang pa nga yun no." Sabay akbay ko sa kanya, bigla naman may nagtext sa akin.

From: Ate kong Dragon
Go home early. Mom and Dad wants to talk to you.

"Oh, pano ba yan mga bro need ko na mauna. May kailangan kasing pag-usapan sa bahay."

----------------------------------

MAX'S P.O.V

Shoti is calling.

"Yes Shoti?"

"Where are you?"

"On my way home Shoti. Why?"

"Mom and Dad is waiting for you."

"Malapit na ako Shoti. Just wait for me."

-----------------------------

Pagdating ko sa bahay, lahat sila nakatingin sa akin. Anong meron? May nagawa ba akong mali?? May nagsumbong ba sa kanila regarding sa kalokohan ko sa school??

"Is there any problem?"

"Tomorrow you will be with us, together with the son of Mr. and Mrs. Hwang." my Dad says.

"Huh? Pero bakit po?"

"Mr. Hwang and I, already discuss your upcoming engagement party together with their son Zhaun Hwang."

"Dad it is not a good joke." Totoo ba tong naririnig ko? Engagement party. At kanino kay Zhaun Hwang sino naman yun???

"Your Dad is not joking, Shobe." My Mom says. "Mr. Hwang needs our help, at bilang kapalit ng pagtulong natin sa kanila, they offer their son, to be your fiance."

"For the sake of business kailangan ako ang maging trade? Why not my three brothers? Why not Ahia Zorren? Dihia Zach? Shoti Zander?" Ok mga Ahia ko, damay damay na to.

"Mr. Park and I, will be meet next week for your Ahia Zorren's engagement. And please Shobe I want you to be presentable tomorrow. Kaya mag-ayos ka."

Nanlumo ako ng marinig ko yon. Ahia Zorren and I, are going to be a trade for the sake of our family business.

"Shobe are you ok?" Ahia Zorren questioned. "Hindi na kami nagtataka na darating ang araw na mangyayari to. We already expect this."

"Ibig sabihin alam nyo na mangyayari talaga to?"

Lumapit sa akin si Dihia Zach at sinabi na, "Matagal na namin tong alam, na mangyayari to. Bago ka pa man umuwi ng Pilipinas, narinig na namin si Dad at si Mr. Park na nag-uusap regarding sa engagement ni Ahia, at ni Aalyonah Park."

"Ang hindi lang namin matanggap, pati ikaw kailangan ipagkasundo sa iba. But anyway Shobe, kapag sinaktan ka ng Zhaun Hwang na yon sabihin mo lang. Kaming tatlo ang bahala." Sabi ni Shoti Zander.

"Familiar yung name na Zhaun Hwang..."

-----------------------------------

Please do read my new work of imagination, Complete Opposite, still on-going.

-----------------------------------Please do read my new work of imagination, Complete Opposite, still on-going

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon