MAX'S P.O.V
We already made it. Tapos na ang lahat ng paghihirap. Naipakulong na namin si Mr. Lim at Mrs. Cruz. Nabawi din namin ang nawawalang pera ng kumpanya mula sa kanila.
Bumalik na ako sa pagiging Chairman ng ZMM Tower at si Jeron naman, nagstart na uli sa bago niyang work as the New Chairman of Hwang Corporation. Pinagsasabay niya ang work at pag-aaral niya. Konting tiis na lang at makakagraduate na din siya. I can't wait to see him on the stage while reading his speech.
After a month, nakilala na din namin ang fiancè ni Ate Zammy, na si Dr. Y, ang kapatid ni Mr. X. Hindi na rin ako makapag-antay na makita silang dalawa na ikinakasal.
Jeron and I also decided to have a church wedding here in the Philippines. It became private, walang local and international media. Gusto ko ng simple lang, gusto ko yung mga mahahalagang tao lang ang makakasama ko sa pinamahalagang araw ng buhay ko.
I still remember kung paano kami nagkakilalang dalawa. Para kaming aso't pusa na hindi magkasundo sa bawat bagay noong nasa Linden High University pa ako.
Hindi ako makapaniwala nangayon, makakasama ko na si Jeron habang buhay. "Till death do us part."
-------------------------------------
JERON'S P.O.V
Kay sarap niyang pagmasdan, kay sarap niyang pagmasdan habang naglalakad siya sa altar. Ang ganda niyang tingnan habang suot suot ang puting damit na matagal na din niyang ninanais na maisuot noon pa man.
Naging pribado ang lahat, pili lang ang bawat taong ninais namin na makasama sa mahalagang araw namin ngayon. I am very lucky to have this woman in my life. Kahit na minsan hindi kami magkaintindihan, pinili ko pa rin na unawain siya.
I am very thankful na sa kanya ako, ipinagkasundo.
"You may now kiss the bride..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I'm Officially Yours is now Signing Off.
Until to the next story. Thank you everyone.
Abangan ang THE SECRET KING.Again, Thank You.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...