4

2.7K 34 0
                                    

JERON'S P.O.V

"Seat down!" My sister says.

"Anong meron Paps?" Para ata akong hahatulan na. Lahat sila seryoso.

"Tomorrow you will meet your fiancè. I want you to be professional." Sabi ng Paps ko.

"What? My fiancè? Teka teka. Kailan pa to? At sinong fiancee?"

"You listen very carefully..." sabi ng Mams ko. "...our business will be bankrupt soon. Kaya nakipagdeal ang Paps mo sa kaibigan namin na sila Mr. and Mrs. Zandro Madrigal. At dahil ikaw ang susunod na taga pagmana ng Hwang Corporation, kaya kailangan mong pakasalan ang nag-iisang anak nilang babae."

Napakunot na lang ang noo ko ng marinig ko yon. "Aaaaah! Bakit ako pa? Pwede naman tong si Zammy na lang ang ipakasal niyo sa anak non."

Dahil sa sinabi ko nabatukan lang naman ako ng kapatid kong babae. "Gaga ka ba? Babae yon no? Tapos sasabihin mo na ako na lang ipakasal don? Sundin mo na lang sila Mama at Papa, kung gusto mo pa pagharian yung Linden na yon."

"Eh ayoko nga. Bat ba ang kukulit niyo."

"Enough Zhaun! Katulad ng sinabi ko sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong sumama sa akin bukas. We will go to ZMM Tower tomorrow." My Paps says.

------------------------------------------------

MAX'S P.O.V

Hay nako. Nakakatamad pumasok ngayon. Habang papasok ako sa mismong Campus, dahan dahan akong naglakad. Mahirap na no baka may bigla na naman bumuhos sa akin na harina. At habang dahan dahan akong naglalakad, may bigla na lang bumunggo sa akin. "Aray! Magdahan dahan ka naman. Ang laki laki ng daanan eh"

Hindi man lang ako pinansin at hindi man lang din humingi ng sorry. "So, wala ka man lang balak na mag-sorry ha??" Tsaka ko lang narealize na si Jeron pala yon.

"Wala akong panahon na makipag-away sayo." At patuloy lang siya naglakad habang ang kamay niya ay nasa loob ng bulsa.

"Unggoy!" Pang-aasar ko sa kanya. "Unggoy! Unggoy! Unggoy!" Sinasabi ko yun habang natatawa ako.

Huminto siya mula sa paglalakad niya. At humarap sa akin. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko Unggoy ka?"

Naging matalim ang pagtingin niya sa akin at isinandal niya ako sa pader, ikinulong niya ako sa mga braso niya. "Isa pang sabi mo sa akin ng Unggoy, hahalikan na kita!" Inilapit pa niyang maigi sa akin ang mga mukha niya at tila umiwas ako sa mga tingin niya.

"Sige ilapit mo pa yang mukha mo sisigaw ako ng rape, ng manyak ka!"

"Then go." Ngunit para akong na-pipe. Walang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko man sumigaw ngunit parang nawalan ako ng boses. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya inapakan ko na lang siya sa paa niya. "Hindi pa tayo tapos."

"May pa then go then go ka pa nalalaman. Manyak kang Unggoy ka!" Sabay hampas ko sa kanya ng bag ko.

"Hindi pa tayo tapos Madrigal."

Abnormal Psychology, Filipino Psychology, at Theories of Personality, just in one day. Nakakatuyo ng utak. Tapos sasabay pa yung sinabi ni Dad kagabi. "Ay Maaaax!"

"Hoy Baks ok ka lang ba? Gusto mo iassess ka namin?" Pang-aasar sa akin ni Chachi.

Tinitigan ko lang siya bago nagsink in sa akin yung tanong niya. "Ha? Ah. Eh. Oo naman ok lang ako. May gumugulo lang sa isipan ko."

"Sige mauuna na muna ko guys. May kailangan pa kasi akong puntahan. See you on Monday. Ingat na lang sa pag-uwi."

While on my way home, I received a message from my Shoti.

From: Zander
    Magpadrop by ka kay Manong Carlos sa ZMM Tower para makapagprepare ka na para mamaya. Wear your beautiful smile our princess. No matter what, your Shoti is always here for you. AJA! We love you.

At dahil sa sinabi ni Ahia, pumunta na agad kami sa ZMM Tower. Pagkadating don, bumungad agad sakin ang Secretary ni Mami, si Ms. Maine and ultimate crush ni Dihia Zach. "Madam this way please."

"Max na lang po. Huwag ng Madam please." Hindi ako komporatble na tawagin ganon. Mas gugustuhin ko pang Max. Haaay nako mga tao nga naman dito.

"Ok po Ms. Max..."sabay kaming sumakay sa elevator, going to the second floor kung saan makikita mo ang taylor shop ng ZMM at ang beauty salon and spa. "...ipinahanda na po ng Mrs. Madrigal ang susuotin niyo. Around 6:30pm po ang schedule niyo with Mr. Hwang. "

Hindi ako sanay na magsuot ng ganto, hindi ako sanay na magpakababae. Ayoko sa lahat nagsusuot ng dress at magsuot ng stiletto shoes.



__________________


Please do read my new work of imagination, Complete Opposite, still on-going.

Please do read my new work of imagination, Complete Opposite, still on-going

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon