12

2.3K 54 1
                                    

MAX'S P.O.V

"Hello to my three handsome brother." I give them a big smile.

"Why are you here?" Tanong ni Dihia sa akin.

"At sinong naghatid sayo dito?" Tanong naman sa akin ni Ahia.

"Nag-away ba kayo ng fiancee mo ha?" Tanong naman ni Shoti.

Wait nga lang, nasa hot seat ba ako ha? Kailangan sunod sunod ang tanong? Ganito ba talaga kapag nag-iisang babae sa magkakapatid. Haaay bakiiiiit?

"Una bakit ako nandito? Bakit wala na ba akong karapatan na pumunta dito at bisitahin kayo?..." sinasabi ko ito habang naglalakd sa harapan nila, "...hindi ba pwedeng na-miss ko kayong tatlo kaya ako pumunta dito sa Villa. Pangalawa, sino ang naghatid sa akin dito? Hmmm...wala, tumakas ako sa driver kanina, because I want my life to be normal, na walang bodyguards na nakapalibot sa akin, na walang driver na naghahatid sa akin. And third, kung nag-away ba kami ng fiancee ko? Of course not. Hinding hindi mangyayari yun..." kung alam niyo lang, "...my fiancè and I are very ok. Tsaka Ahia, Dihia, and Shoti, wala kasi akong pasok bukas kaya gusto ko makasama muna kayo for a while." Then I smiled at them.

I went to the kitchen area of the Villa, buti na lang at may mga baking ingredients pang natitira dito. I started to bake chocolate cake that I bake last time at the Sky House. After an hour of preparation, natapos din. "Hey Ahia, Dihia, and Shoti, let's try my new recipe." Hindi naman ako nabigo sa tatlong kapatid kong lalaki. They tried it, and naging successful naman ang kinalabasan nito.

"What will be the name of this cake?" My Ahia questioned.

"Ahmmm...ZMM chocolate cake...to brighten up your day." Sabay ngiti ko kay Ahia. "I'm going to sell this tomorrow that's why I bake two chocolate cake." Ewan ko ba kung bakit sobrang saya ko kanina habang nagbe-bake ako ng cake.

"Wala na bang ihahaba yung name ng cake mo Shobe? Talagang ZMM Chocolate cake to brighten up your day? Baka gusto mo pang dagdagan." Pang-aasar sa akin si Shoti. At habang sinasabi niya yun sa akin, natatawa na lang siya.

"Wala na hanggang doon lang yun. Wag kang assuming ok?" Pagmamataray ko kay Shoti.

-----------------------------------------

JERON'S P.O.V

"Dumating na ba si Madrigal?" Tanong ko kay Ms. Shine, habang nilalapag ko ang gamit ko.

"Hindi pa po Young Master. Pero kanina po tumawag siya sa akin, pinakukuha niya po yung motorcycle bike sa school niyo."

Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya, "So ang ibig sabihin hindi pa talaga siya nauwi hanggang ngayon?"

"Yes Young Master."

Nasaan na kaya siya? Masyado ko ba siyang nasaktan kanina? "Oh, sh*t Jeron!" Hindi ako mapakinali dahil wala pa din siya hanggang ngayon. Nasa labas ako ngayon ng Sky House at inaantay siya, almost 9:30pm na pero wala pa din siya. Nakailang missed calls na ko sa kanya pero hindi niya sinasagot. Nakailang text na din ako sa kanya pero walang reply. "Come on Madrigal, answer the phone." I said to myself.

----------------------------------

MAX'S P.O.V

KINABUKASAN...

I checked my phone, and I got a 89 missed calls from my one and only enemy "Unggoy", also I got 30 messages from him. Pumunta ko ngayon sa school kahit wala akong pasok, just to hunt Mr. Ocampo.

"Good morning Mr. Ocampo." Isang pagbati mula sa isang butihing mag-aaral ng kursong Sikolohiya. Chariiiing.

"Do I know you hija?" Tanong niya sa akin.

I offer my right hand for a shakehand and I introduced myself. "I m Zeinelle Maxine Madrigal of ZMM Tower Corporation, and also from the Psychology Department..." hindi pa man ako tapos sa pagpapakilala nagsalita na agad. Naturingang Professor hindi man lang marunong gumalang sa nagpapakilala.

"So what do you want? Bigyan ko ng special practical exam ang fiancee mo na si Mr. Hwang?" Tanong niyang muli sa akin.

Eh alam mo naman pala nagtatanong ka pa. "Sorry to say, but it will not happen Ms. Madrigal. Kahapon pa ang exam nila, at sa lahat ng mga hindi nag-take pasensyahan na lang sa grade nilang 60 for this midterm. " he says. "Kung ayon lang ang kailangan mo, I have to go to my next class."

60 for midterm? Hindi man lang ginawang 75! No! No! No! "Ok, Mr. Joselito Ocampo, madali naman po akong kausap e. I will just call my secretary to give this photo to your wife." Ipinakita ko sa kanya yung picture niya together with his mistress last night at one of the motel in Parañaque.

"You cannot do that to me hija."

"I can do that Mr. Ocampo, if you will not give my request." I dialed my phone, and turn on the loudspeaker mode. Finally, Secretary Jerwin answered the phone. "Good morning Secretary. Are you already at the house of Mr. Joselito Ocampo? And what is the exact address again? So that I can go there."

"Lt. 7 Blk. 4, Urdaneta Village, Makati City, that is the exact address, Ms. Max. Should I give the photo na po ba?" Secretary Jerwin says.

"Let's just wait the answer of Mr. Ocampo." Sabay tingin ko sa Professor na panot na to na nagawa pang mambabae.

"We-wait, I'm going to give Mr. Hwang an exam. Basta walang makakaalam nito."

"Like what I said Mr. Ocampo, madali po akong kausap, basta susunod po kayo sa kasunduan natin." Then I turned off the phone call. "If you need a help you can contact me on this number..." I give my calling card on him. "...Thank you Mr. Ocampo."

-------------------------------

JERON'S P.O.V

Hindi ko alam kung ano nakain ng panot kong professor, pero bigla niya akong binigyan ng special practical exam. After ng exam ko pumunta kami ng BLAZER sa ZMM Cafe.

Nandito kaya si Madrigal? Napatingin na lang ako sa phone ko. Maski isang reply or tawag wala man lang akong nareceive mula sa kanya. Nasaan kaya siya ngayon?  Pumunta ako sa pastry area to have some cake. There was a cake who caught my attention, "ZMM Chocolate Cake, to brighten up your day". Mukhang familiar yung line na yun ah. Napangiti na lang akong bigla.

----------------------------------------


A/N: Eto naman ang oras para magpasalamat ako sa lahat ng nagbabasa at nag-add sa reading list nila ng "I'm Officially Yours". Alam ko minsan walang kwenta yung Chapter, pero nagtiya-tiyaga pa din kayo :) THANK YOU SO MUCH! (hindi po ako galit, nagcapslock lang ako para damang dama niyo)

Any comments and suggestions, ay lubos ko pong tinatanggap (wow tagalog na tagalog hahahahaha). Sorry po sa mga maling grammar at typographical error.

Muli maraming maraming salamat po.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon