MAX'S P.O.V
8:30am na ako bumangon, wala naman kasi akong pasok ngayon, kaya ayon nilubos lubos ko na yung oras na kasama ko yung kama ko. Naghilamos at toothbrush na din ako. Nag-ayos ayos din ako ng mukha bago ako lumabas ng kwarto. Medyo nagugutom na din ako kaya naman dumeretso na ko sa dining area to check kung may pagkain na ba o wala pa. Isang masarap na pasta aglio olio, chicken cordon bleu with white sauce and spicy chicken adobo.
"Wow Ms. Shine, niluto mo po ba tong lahat? Mukhang ang sarap nitong lahat." Sobrang natatakam ako habang tinitingnan yung mga pagkain. Nakakagutom lalo.
"Nako Ms. Max, hindi po ako ang nagluto ng mga yan. Si Young Master po ang gumawa niyan. Maaga po siyang gumising para magluto. Ngayon ko nga lang po siya ulit nakitang masaya, ang huling kita ko sa kanya na masaya siya ay noong nandito pa si Ms. Vhia sa Pilipinas."
"Vhia? Sino po yon?" Naging mausisa ako kay Ms. Shine ng oras na yon. Hindi kasi familiar sa akin ang pangalan niya.
Habang ipinaghahain ako ni Ms. Shine nakwento niya sa akin ang tungkol kay Vhia. "Si Ms. Vhia po ang kababata ni Young Master. Ang first crush din po ni Young Master noong elementary palang siya."
Wow maaga pala lumandi yung Unggoy na yon. "E nasaan na po siya ngayon?"
"Ang pagkakaalam ko Ms. Max nasa London siya ngayon. Nagkahiwalay sila noong 2nd year high school sila ni Young Master. Simula noong umalis si Ms. Vhia wala na po kami narinig tungkol sa kanya. Noong araw ding yon nakipagrelasyon naman si Young Master kay Ms. Shai, ang isa sa mga anak ng may share sa Linden High."
"Ah. Yung Shai po na sinasabi niyo na-meet ko na po siya kahapon. Pero sana ma-meet ko din po si Vhia soon."
"Nako Ms. Max panigurado kapag nakilala mo si Ms. Vhia magkakasundo kayo non. Hindi tulad nun Shai. Sa tagal ng pag-aalaga ko kay Young Master, hindi ko maintindihan bakit niya yun pinatulan." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Ms. Shine regarding sa ex ng Unggoy na yon. "Pero alam mo ba sa tagal ng panahon na nagkasama kami niyan, ngayon lang yan nagluto. Maski ang ate Zammantha niya hindi niya naipagluluto ng ganyan. Ay oo nga pala ipinagtabi na kita ng pagkain para mabaon mo kung ikaw ay may pasok." Sabay abot niya ng pagkain na nasa tupperware.
So ang ibig sabihin ako pa lang ang naipagluluto niya ng pagkain? Oh my, teka nga Max huwag kang assuming masyado ok??? "Maraming salamat po Ms. Shine. Teka nga po pala nasan si Zhaun?"
"Nako Ms. Max, maaga pong umalis si Young Master papunta pong school ninyo. Alam niyo po ba na yang si Young Master ay ayaw na tinatawag na Zhaun. Ang gusto po niyan lagi ay Jeron. Ako nga po'y hanga sa inyo at natatawag niyo siyang Zhaun." kwento nito.
"Ay ganon po ba." napangiti na lamang din ako sa sinabi niya. "Kung sakali po pala na hanapin ako mamaya ni Zhaun, pasabi na lang po na nasa ZMM tower po ako. Susunduin po ako ng driver po namin dito mamaya."
Exactly 2pm ako nakarating sa ZMM Tower. Dumaan pa kasi kami ni Chachi sa market to buy fresh lobsters, prawns and crabs, also I buy some ingredients for mushroom soup. Kanina pa kasi ko nagkecrave sa seafood kaya ayan natripan kong magluto. Habang nagluluto napagkwentuhan din namin yung nga weird moments ko with Unggoy. Nakakaloka kasi yung mga nangyayari sa amin.
"Ay nako Baks! Baka naman gusto ka na ni Papa Jeron kaya ganon siya." Sinasabi niya yon habang nilalantakan niya yung pasta na dala dala ko. "Baks, infairness ha, masarap tong niluto mong pasta aglio olio."
"Halata naman na sarap na sarap ka jan sa niluto ng Unggoy na yon mauubos mo na nga oh."
"Wait nga si Papa Jeron ang nagluto nito??? Oh my gosh ang sarap na nga niya ang sarap pa niyang magluto. Nako Bakla buhay na buhay ka na dito. Pak na pak."
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...