JERON'S P.O.V
Two hours and thirty minutes ang itinagal ng flight namin from Manila going to Taipei, Taiwan. Si Secretary Maine ang sumundo sa amin from the airport. Ang totoo niyang naka-leave siya ngayon para lang palihim kaming sunduin sa airport. Dumeretso agad kami sa ZMM Tower Taiwan.
Pagbaba ng sasakyan, bigla na lang akong naamaze sa tatlong building na pagmamay-ari ng ZMM Tower Taiwan. Mas mayaman nga talaga sila kesa sa amin. Maituturing nga talagang prinsesa si Max.
"Ano pang inaantay niyo diyan? Tara na!" Sabi ni Max na tila ba sobrang excited na pumasok at makita ang Mom niya. Bigla na lang din niya akong hinila papasok sa loob ng company nila. "Ito ang pinakamalaking ZMM Tower, compare sa Philippines, Singapore at Hong Kong." pagpapaliwanag niya sa amin. Sa bawat taong nakakasalubong namin, lahat sila nagba-bow o kaya naman ay bumabati. "Tapos yung isang building na yon..." sabay turo niya sa right side niya kung saan makikita ang isang malaking letter W, "...pagmamay-ari naman yon ng pinsan ni Mr. Z. Isa din sila sa mga kilala dito sa Taiwan since dito tumugil yun pinsan ni Mr. Z." dagdag pa niya. "Secretary Maine, saan nga ba kasali ang pamilya ni Mr. Z?"
"They are part of the World's Billionaire, they rank in top 20. While in the Asia's Billionaire they are rank in Top 2." sabi ni Secretary Maine. "Every grandchildren of Mr. Kim owned a company, like the recordig company, semiconductor company, airline company, cruise ship and line company, telecom company, car dealer and hospital..." Wow, ganon kayaman ang magiging fiancè ni Ate Zammy? "That is why they called as aMonster of Asia."
"While the ZMM Tower is only in the Top 6 in the Asia's Billionaire and the Hwang Corporation is in the..." hindi pa man siya tapos, pinangunahan ko na agad.
"Top 10." I said, sabay ngiti ko sa kanya.
Pagdating sa office ni Tita Maggie, unang pumasok si Max, bago kami. "Hi Mom!" she said, halatang halata sa mukha ni Max ang sobrang saya. Saya na makita niya ang Mom niya na minsan niya lamang makasama.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...