JERON'S P.O.V
"Ang sakit ng ulo ko!" Hindi ako makabangon sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang tanging naalala ko lang ay nasa bahay ako nila Blaster kahapon, at nag-iinom kami.
Pagbangon ko mula sa kinahihigaan ko, napansin ko na lang na para bang iba na yung damit na suot ko ngayon. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at hinanap si Ms. Shine. "Ms. Shine kayo po ba ang nagpalit ng damit ko?"
Natigilan si Ms. Shine sa pag-aayos ng gamit sa bahay, "Si Ms. Max po, Young Master."
Siya??? Ibig sabihin nakita na niyang lahat sa akin? "Nasaan po siya?" tanong ko sa kanya.
"Maaga pong umalis, may graduation practice daw po sila ngayon. Tapos dretso na din po siya ng ZMM Tower."
Habang nakain ako ng breakfast napapakamot na lang ako sa ulo ko. Yung tipong..."Waaah!" Hindi ko alam, hindi ko alam ang gagawin ko. Matapos kong kumain, naligo na agad ako at nagdecide na akong pumunta ng ZMM Tower.
Tatlong oras akong nag-antay sa lobby. At sa tatlong oras na yon, dumating na din siya. "Hey!" Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Totoo bang, ikaw ang nagpalit ng damit ko kagabi? Ibig sabihin nakita mong lahat?"
Napatigil na lang siya mula sa kanyang paglalakad at tumingin. "Oo ako ang nagpalit ng damit mo kagabi at nakita kong lahat." sabay ngiti niya sa akin.
Ibig sabihin talagang nakita niyang lahat sa akin. Aaay, Jeron ano ba kasing ginawa mo kagabi. "Ibig sabihin hindi na ako virgin kasi nakita mo ng lahat!" Hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko, kaya napatingin ang lahat ng tao na nasa lobby ng ZMM Tower.
Natatawa siya ng marinig niya yung sinabi ko. "Pwede bang pakihinaan yang boses mo? Talaga bang kailangan lakasan yung virgin?? Baka isipin nila may nangyari sa atin kahit wala." mahina niyang sabi sa akin. "Sa susunod kasi wag kang iinom ng hindi mo kaya, nang hindi ka rin bigla biglang nagkakalat."
Hanggang sa makarating kami sa office niya, hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niyang nakita niyang lahat. Kaming dalawa lang ngayon sa office dahil may pinagagawa ngayon si Max kay Secretary Jerwin.
"Uy Max!" pangungulit ko sa kanya habang may ginagawa siya.
"What?!" matipid niyang sagot sa akin.
"Talaga bang..." hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko, sumagot na agad siya.
"Wala akong nakita. Binibiro lang kita. Damit mo lang yung pinalitan ko, kaya wala ka dapat ipag-alala."
"Talaga???" She nodded at me. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Habang tahimik ko siyang pinagmamasdan, biglang pumasok ang Ahia niya at si Secretary Jerwin. "Ms. Max pasensya na po nagpumilit po kasi si Sir Zorren."
"Ok lang." seryosong sabi ni Max.
Napatayo na lang ako mula sa kinauupuan ko bilang paggalang na lang din sa Ahia niya. Kung pagmamasadan ko ang mata ng Ahia niya, kitang kita ang inis at galit nito.
"After you bought the VM Jewelry Line, ngayon naman nagawa mong paalisin ako as a President of ZMM Tower Singapore. How dare you Max?!" Sinubukan niyang idampi ang palad niya sa pisngi ni Max ngunit pinigilan ko ito.
Hindi pwede to, hindi pwedeng nakikita ko siyang nasasaktan o sinasaktan, "Hindi naman po ata tama na si Max ang sisihin niyo dahil lang napaalis lang kayo bilang President ng ZMM Tower Singapore."
"Pwede ba huwag kang makialam, tandaan mo hindi ka pa parte ng pamilyang to!" sabi ng Ahia niya.
"Alam ko naman yon. Pero hindi sa lahat ng oras dapat isisi mo sa iba ang kasalan mo. Ikaw ang nagpabaya sa pwesto mo dahil lang sa isang taong gustong gusto mo." seryoso kong sabi sa Ahia ni Max.
"Sino ka para sabihin yun sa akin at ano bang alam mo ha???" tanong niya sa akin.
"Marami kang hindi alam tungkol sa taong pinagtatanggol mo sa araw araw na nagkikita kayo ni Max. Si Vhia Montes na minamahal mo ngayon, ay ang taong kababata ko! Oo mabait si Vhia, aminado ako don. Pero gagawin niya ang lahat para sa Papa niya, si Mr. Lazaro Montes. Si Vhia lang naman ang taong nanlandi sa akin habang nasa Singapore ang boyfriend niya. Siya lang naman ang taong gumawa ng paraan para magkahiwalay kaming dalawa ng kapatid mo. Siya lang naman ang taong nagnanais makuha ang kayamanan namin once na naging kami, para lang muling maiahon ang business nila mula sa pagkakalugi!" sabay ngiti ko sa kanya na para bang nang-aasar. "Who knows, na yung winithdraw mong half a million dollars ay gamitin niya para lang makuha ang mga gusto niya. Hindi mo alam, pinaglalaruan ka na pala ng taong mahal mo!" Sinubukan akong saktan ni Zorren pero namagitna sa amin si Max.
"Subukan mong saktan ang fiancè ko, ako mismo na kapatid mo ang magpapakaladkad sayo palabas ng kumpanya ko!" matapang niyang sabi sa Ahia niya. "If gusto mong makuha uli ang ZMM Tower Singapore, huwag mong hayaan na mabulag ka dahil sa isang tao. Sayang Ahia, ikaw pa naman ang hinahangaan ko sa tatlong lalaking kapatid ko, pero parang pinagsisisihan ko na ikaw ang inidolo ko sa inyong tatlo nila Dihia at Shoti. Kung tapos na ng concern mo pwede ka ng umalis. Marami pa kasi kong kailngan gawin. Bumalik ka na lang pag nakita mo ng lahat ang mga bagay na hindi mo nakikita noon."
Maayos at tahimik na umalis ang Ahia niya. Halatang nasstress si Max dahil sa nangyaring yon. Umalis na muna ko ng office at naghanap ako ng malapit na supermarket para bumili ng ice cream.
Pagbalik ko ng ZMM Tower, sobrang busy pa din niya kaya ang ginawa ko inimis ko na muna un gamit niya at kinuha ko na muna yung ginagawa niya.
"Hey! What are you doing?" nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin
"Kumain na muna tayo." sabay ngiti ko sa kanya at kinuha ko na din yung ice cream mula sa ecobag. "Which do you want, double dutch or cheese?"
Tumingin muna siya sa akin tsaka ngumiti, "Double dutch na lang. Teka nga parang parehas kong favorite yung flavor ng dalawang ice cream ah."
"I know. Bago kasi ko kasi binili yan nagconsult muna kasi ko sa taong malapit sayo. Nagmessage ako kay Shoti mo. He says na either Double Dutch or Cheese flavor ng ice cream ang gusto mo." sabay kindat ko sa kanya. "Kung gusto mo din ng cheese, magshare na lang din tayo dito."
Habang kumakain kami, napagkwentuhan na din namin ang nalalapit niyang graduation day. Konting araw na lang isa na siyang degree holder. Masasabi ko na rin na parang date na din naming dalawa ito. Masaya ko na nakikita at nakakasama ko siya ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...