JERON'S P.O.V
We are both ready to go to school for the Recognition day. Kahit na minsan aanga anga ako sa buhay ko, hindi ko naman pinababayaan yung mga acads ko. I am one of the Dean's Lister, actually Blaster, Calvin, and I have the highest grades in Architecture Department, while Lucas, Adrianne, and Eithan have the highest grades in Engineering Department.
Katulad nga ng napag-usapan, sabay kaming pupunta ni Madrigal sa school ngayon. We are now both in the car ng biglang bumaba si Madrigal ng kotse para lang mag-CR. "Wait I feel something fishy e."
Kung kailan handa na kong mag-drive para sa kanya, teka ano nga ulit yung sinabi ko??? Pasensya na lutang lang ako ngayong araw. Masaya lang ganon. Kasi may mangyayaring kakaiba mamaya. Halos mag one hour na ata siyang hindi nabalik, that's why I decided na sundan na siya sa loob.
I knocked on the door and say, "Matagal ka pa ba jan? One hour ka na sa CR, huy!"
"We-wait lang I have spot. Haaay nakakahiya..." those are the words I hear from her, inside the CR. "..huy Zhaun! Ahmmm...pwede bang ano...pakuha nung napkin nasa drawer ng kwarto ko. Malapit sa kama ko." For the first time he called me thru my name, masaklap nga lang Zhaun pa yung ginamit niya.
Anyway, katulad ng sinabi niya, pumunta agad ako sa room niya to get that napkin. So ibig sabihin may dalaw siya ngayong araw? Kaya pala matamlay siya kanina. Teka nga bakit ba yun yung iniisip ko. Nakita ko din agad yung napkin na sinasabi niya. I went immediately to the CR just to give her needs. I knocked on the door, "Already here." Binuksan niya agad yung pinto at kinuha yon. "Bilisan mo aantayin kita sa labas male-late na tayo."
Pumunta na ko sa labas at doon na lang nag-antay. Maaga pa naman sa totoo lang. Gusto ko lang talagang maaga makarating sa school to spread the news to BLAZER. After 10 minutes of waiting, nandito na din siya sa kotse ko. "Are you ready for the party later?"
"Huh? Anong party?" Teka nga ako lang ba ang excited kaya ko yun nasabi o sadyang hindi siya marunong magbasa ng messages sa phone niya. Haaay ang epic failed mo na naman Jeron!
"The engagement party!" Dineretso ko na siya. "Siguro naman you received the messages yesterday evening from Secretary Maine and Secretary Lou." Then I waved my phone to her.
Wala man lang siyang kasigla sigla habang kinukuha yung phone niya sa bag niya. Habang nagdadrive ako, binabasa niya yung mga text sa kanya.
"From Secretary Maine, good evening Ms. Max, I would like to inform you that you need to be in ZMM Tower tomorrow at 5 o'clock in the evening for dress preparation for your engagement party. From Secretary Lou, hi Ms. Max you need to be in Sofitel at exactly 7:30 in the evening for the Hwang Madrigal Engagement Party..." Then he kept her phone. "...ooowkeeey! Eh ikaw ba handa ka na ba sa engagement party natin?"
Nagulat ako sa tanong niya, ibinalik niya lang sa akin yung tinanong ko sa kanya kanina. "If you will be ready, then I will be ready too."
Natawa na lang siya sa sagot ko. "Bakit ba kasi nabankrupt yung business niyo?" She asked.
"Hindi naman kasi talaga nabankrupt yon. Nagkataon lang na hindi enough yung budget namin for the next project, that is why we need a help from your family. Since your Dad and my Paps are bestfriend evrer since, siya yung naisip na pwedeng tumulong sa amin although ayaw talaga ni Paps gawin yon, pinilit lang siya ni Mams. At kung sinipot ko lang yung business meeting sa Korea, hindi naman mangyayari to eh, hindi natin siguro to dapat ginagawa kung inayos ko lang ang trabaho ko." Sa sobrang daldal ko hindi ko na napansin na nakaidlip na pala siya.
Exactly 10 am ng makarating kami sa Linden High University. 10:30 will be the start of Recognition. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko namamalayan ang sarili ko na unti unti na pala akong nahuhulog sa taong kinaaayawan ko noon.
"Huwag mo kong titigan ng ganyan! Baka malusaw ako mahirap na no." Nabigla ako ng sabihin niya yon.
"Hindi kita tinititigan no. May dumi ka kasi sa mukha. Nag-iisip lang naman ako kung sasabihin ko ba sayo o hindi."
"Huwag ng maraming paliwanag let's go!"
-------------------------------
We are now at the Auditorium of the University. The Recognition was already started. Katulad din ng napag-usapan, si Madrigal ang nakasama ko sa pag-akyat ng stage, at ganon din naman ako sa kanya. I did not expect that she is also good in academics. She got the highest grades among the Psychology Students here in Linden.
After Recognition we decided to have a lunch out. Habang naglalakad kami palabas ng Campus, I noticed something on the pants of Madrigal. Oh wag marumi ang iniisip ha, hindi ko naman sinasadya na mapatingin don. Tsaka nasa unahan namin sila.
Kinuha ko agad yung University Jacket ko at niyakap siya para mabilis kong maitali sa waist niya yung jacket. "Ano bang ginagawa mo?" Sinungitan niya ko dahil sa ginawa.
"Wow bro marunong ka na pala magninja moves sa mga girls" pang-aasar ni Blaster.
"Old na ang ninja moves. It's Hokage Style." Pang-aasar naman sa akin ni Eithan.
Every one was laughing because of what Eithan says. Bumulong na lang ako kay Madrigal ng oras na yon para na din hindi siya mapahiya. "You have a spot on your pants." sabay akbay ko sa balikat niya. "Hey, I just want to express my love to my fiance. Bawal ba yon? By the way, later will be our engagement party at Sofitel, so walang mawawala mamaya ha, Chachi and Ashley bawal din kayong mawala sa special day namin. Dapat before 7:30 nandon na kayo."
Matapos ang asaran, pumunta na lang kami sa ZMM Cafe to have some lunch. Hindi na ko nagpumilit pang pumunta ng Nuvali dahil alam kong pwede kaming ma-late sa call time namin sa ZMM Tower at sa Sofitel.
------------------------------
#IOL #I'mOfficiallyYours
Kindly follow me on Wattpad. Comment. Suggest. Vote. Thank you.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...