ZORREN'S P.O.V
Pagdating ko sa ZMM Villa, isang invitation ang bumungad sa akin. Malapit na ang graduation day ni Shobe.
"...sayang Ahia, ikaw pa naman ang hinahangaan ko sa tatlong lalaking kapatid ko, pero parang pinagsisisihan ko na ikaw ang inidolo ko sa inyong tatlo nila Dihia at Shoti. Kung tapos na ng concern mo pwede ka ng umalis. Marami pa kasi kong kailngan gawin. Bumalik ka na lang pag nakita mo ng lahat ang mga bagay na hindi mo nakikita noon." Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Shobe. Tahimik na ginugulo ng bawat salitang sinabi ng kapatid ko.
Totoo kaya ang sinabi ng fiancè ng kapatid ko tungkol kay Vhia. Pinaglalaruan lang ba talaga niya ako? Ginagamit lang ba talaga ako ng babaeng minamahal ko ngayon.
"Sir, may nagpapabigay po sa inyo nito." my secretary says.
Kinuha ko agad ang envelope na ibinigay sa akin ng secretary ko. Pagkakuha ko ng envelope bumungad agad sa akin ang picture ni Vhia na kasama si Shobe at si Jeron, may picture din na sinusundan ni Vhia si Jeron papuntang Sky House. So ibig sabihin totoo nga. Totoo ngang nakipaglandian siya kay Jeron noong mga panahong bumalik ako ng Singapore.
I got a message from my Dad, "I hope you like the gift that I gave to you."
Hindi matahimik ang isipan ko sa bawat nangyayari. "Secretary Andy! Gusto kong imbestigahan mo si Vhia Montes. Gusto kong pumunta ka ng The Pantry ZMM Tower kausapin mo si Mr. Chua. Alamin mo ang nangyari noong mga panahon nandon si Max, si Jeron at si Vhia." Umalis din agad ang secretary ko para pumunta sa ZMM Tower
"Sir Zorren, may bisita po kayo. Si Sir Calvin at Sir Lucas daw po." sabi ng isang maid namin.
"Sige iwanan mo na kami." I said. "Mga kaibigan kayo ng fiancè ng kapati ko di ba? Anong kailangan niyo?"
"Pinabibigay ni Mr. Madrigal." sabay abot ni Lucas ng USB.
"Ano to? Bagong pakulo na naman ng Dad ko?" napabuntong hininga na lang ng oras na yon.
"Diyan mo malalaman lahat ng kasinungalingan ng taong minamahal mo. Diyan mo malalaman kung totoo ba o hindi ang mga sinasabi nila Max. Enjoy watching." After those words from Calvin, umalis na din agad sila.
I inserted the USB on my laptop. Pinanood ko agad ang video. Nakita ko ang eksena nila Max at Vhia sa wash room ng The Pantry.
"Ano, kinakampihan mo pa yang Vhia na yan? Sabagay, pinagkasundo nga lang pala tayo ng mga magulang natin, kaya ano lang nga ba ako sayo? Bago ko pala makalimutan Vhia, bakit nga ba kating kati ka na magkahiwalay kami ni Jeron? Dahil ba sa tingin ng Dad mo na si Jeron ang pwedeng makatulong sa business nyong bankrupt na? Kaya ba pinagpipilitan mo yang sarili mo? E kung sabibin ko sayo na, sa akin ngayon nakasalalay ang Hwang Corporation, kaya nakipagsundo ang mga Hwang sa Madrigal? Ano kayang gagawin mo?" sabi ni Shobe
Nakita kong unang lumabas si Shobe na umiiyak kasama si Calvin. Sumunod si Vhia na may kausap sa phone.
"Dad enough na...they already know our plan. Masyadong madaming alam ang fiancèe ni Jeron. Buti na nga lang napaniwala ko siya hindi totoo un sinasabi ng Max na yon...konti na lang talaga malalaman na niya yung sikreto natin. Dad ayoko na talaga. Ayokong masira yung friendship namin dalawa at ayoko din makasira ng relasyon ng iba.." Vhia says.
Kailan pa niya ako niloloko??? Kailan pa niya ko pinaglalaruan??? Habang malalim akong nag-iisip, biglang dumating si Vhia.
"Hi Babe." sabay halik niya sa pisngi at bigla ko naman inayos ang Laptop ko para lang hindi niya mapansin. "May problema ba?" she asked.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...