MAX'S P.O.V
Sunny Monday, 10am ang pasok ko ngayon sa Linden High University. Nakakatamad pumasok sa totoo lang, nakakabitin ang pahinga sa bahay. 9am pa lang nakabihis na agad ako. Pagdating ko sa labas ng Sky House, nakaabang na agad ang driver na maghahatid sa akin sa Univeristy. Nang nakasakay na ko sa kotse tsaka ko lang napansin ang isang motorcycle bike na nasa harapan ng sasakyan. "Ah...Kuya, kanino pong Motorcyle Bike yan?" tanong ko sa driver.
"Kay Young Master po mam, yan po ang madalas niyang gamitin tuwing Monday kasi po lagi siyang nale-late gawa po ng trapik."
Kay Young Master pala ha. Nako may kalokohan na naman akong naiisip. Agang aga at Lunes na Lunes pa naman. "Ah. Na kay Ms. Shine po ba ang susi niyan?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Ay mam wala po, ang susi po niyan ay nasa vase lang po malapit po sa kwarto ni Young Master, malapit po dun sa naka-display pong helmet."
"Ah ganon po ba. Sige po thank you." sabay baba ko sa kotse.
Pumasok ulit ako sa loob ng Sky House para lang hanapin yung vase na yon at helmet. "Ayun." pabulong kong sabi sa sarili ko. Kinuha ko agad ang susi at helmet na nakalagay sa taas ng cabinet. Namiss ko lang naman magdrive ng motorcycle bike kaya hihiramin ko na muna to. Natatawa na lang ako sa naiimagine ko na pwedeng mangyari mamaya.
"Ms. Max, bakit niyo po hawak hawak ang gamit ni Young Master?" tanong sa akin ni Ms. Shine. Patay nahuli ako. Ano ang pwede kong isagot sa kanya. Isip Max, mag-isip ka.
"Ah...eh...nagkausap po kasi kami ni Zhaun kagabi, and he says na ako na lang daw po muna ang gumamit ng motorcycle bike niya, since mamaya pa naman po ang pasok niya..." then I smiled to her, "...I'll go ahead Ms. Shine. Bye."
Paglabas ko ng Sky House dumeretso na agad ako sa motorcycle bike ng Unggoy na yon. "Kuya..." tawag ko sa driver, "...eto na lang po ang gagamitin ko nagpaalam naman po ako kay Zhaun." Umalis na agad ako, papunta ng University. No hassle kahit traffic, kaya maaga palang nakarating na agad ako sa school.
Exactly 9:40am, nasa school na ako, at nakaabang na agad sa akin sila Ashley at Chachi. I parked the motorcycle bike at the V.I.P Parking Area.
"Di ba kay Jeron yan?" Tanong sa akin ni Ashley.
"Yup." Matipid kong sagot sa kanya habang inaalis ang helmet sa ulo ko.
"Kaya naman pala di nagrereply tong bakla na to." Sabi naman ni Chachi sa akin.
"Ay nako mga bakla bilisan na lang natin at baka ma-late pa tayo, tara na." We went directly to our room.
--------------------------------
JERON'S P.O.V
Paalis na sana ko ng Sky House, pero hindi ko makita yung susi ng motorcycle bike ko, at teka nga, pati yung helmet ko nawawala din. Hindi naman ako uminom kagabi, kaya for sure hindi ko un na-misplace. I went to the kitchen area to find Ms. Shine "Did you see my key?" I asked to Ms. Shine.
"Ano pong key Young Master?" Yung tanong ko sa kanya sinagot din niya ng tanong. BWISET!
"The key that I always put on the vase. The key of my motorcycle bike." Nag-iinit na ang ulo ko dahil alam ko na pwede na kong ma-late dahil sa bwiset na susi na yon. Ayaw pa kasing magpakita.
"Nako Young Master, hindi niyo po ba natatandaan pinahiram niyo po yung motorcycle bike niyo kay Ms. Max. Ang sabi po niya nagkausap po kayo kagabi at pumayag daw po kayo na iyon muna ang gagamitin niya sa pagpasok at kayo daw po muna ang gagamit ng kotse." Napakamot na lang ako sa ulo ko, dahil sa narinig ko kay Ms. Shine. Umalis na lang ako sa harapan niya dahil ayokong masabihan siya ng hindi maganda.
"Ipahanda mo yung kotse ngayon na!" Sabi ko kay Ms. Shine habang naglalakad. "The f*ck! Bwiset talaga yung babaeng yon. Inuubos niya pasensya ko!"
12:30 start ng class ko. 12pm na ng makaalis ako sa Sky House. I used my sportscar going to the University. At dahil sobrang trapik one in the afternoon na ako nakarating ng Univeristy. Malilintikan talaga sa akin yang babae na yan. Bwiset talaga.
I went to the registrar office just to know what is the schedule of Madrigal. "Give me the schedule of Zeinelle Maxine Madrigal, now!"
"But Mr. Hwang!" The Registrar Officer says.
"Would you give it to me or you will be fired?" Ibibigay din naman pala, kailangan pang tinatakot e. Pumunta agad ako ng Room 321, patapos na din naman ang klase niya kaya nag-antay na lang ako sa labas ng Room nila.
"Nakakakilig naman si Jeron sinusundo niya pa si Max after class."
"Ang swerte naman talaga ni Max."
"Omg he's really handsome."
Those are the words that I've heard to my co-students.Paglabas ng room ni Madrigal humarang na agad ako sa dadaanan niya. "Anong problema mo?"
"Wag ka magpakainosente na para bang wala kang alam. Why you use my motorcycle bike ha?" Kunot noo kong sinabi sa kanya.
"Wala akong alam jan no." Nagmamaang maangan pa niyang sagot, sabay alis niya sa harapan ko ngunit napinigilan ko siya
"Sinabi na ni Ms. Shine ang totoo. Nagsinungaling ka pa sa kanila. At alam mo ba dahil sayo hindi ako nakapasok sa major ko, practical exam pa naman namin doon. Ngayon, anong sasabihin kong excuse kay Mr. Joselito Ocampo para makapag take ng practical exam kahit late na. Sige nga ha!"
Bigla na lang siyang umalis sa harapan ko at hindi man lang sumagot sa bawat salitang binitawan ko sa kanya.
------------------------------------
MAX'S P.O.V
"Hello Mr. Jerwin, may you please investigate Mr. Joselito Ocampo of Linden High University?"
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...