JERON'S P.O.V
Around 9 o'clock in the morning nasa L.H.U na kami ni Max. May kailangan kasi akong iconfirm ngayon tungkol sa nalaman ko. "Just wait for me. Saglit lang ako dito." sabay ngiti ko sa kanya.
"Ok. Ingat ka." then she waved her hand.
Habang naglalakad ako, lahat ng co-students ko nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Palibhasa ngayon lang nila ko nakita na nakaformal.
"Oh bro! Anong meron at mukhang makikipag-JS prom ka?" tanong ni Lucas.
"Loko ka talaga. Pupunta ko sa Office of the President. May kailangan kasi kong itanong." Sagot ko s kanya.
"At tungkol naman saan?" pag-uusisa niya.
"Sumama ka na lang para malaman mo."
Hindi na nagdalawang isip pa si Lucas, sumama din siya sa akin. Tungkol ito kay Vhia, at gusto kong malaman ang katotohanan bilang isa sa mga share holders ng University na ito. Nang makarating kami sa office. Tanging secretary lang ni President Dy ang humarap sa amin sapagkat nasa business trip ito.
"Good morning Mr. Hwang. Have a seat." pagbati ni Ms. Jelly at sabay ngiti. "I've heard to the President that you want to know something about the Montes Family?"
"Yes Ma'am." at sabay ngiti ko sa kanya. Tinanong ko na din yung bagay na gusto kong malaman. "Is it true that Mr. Laz Montes sell his share to the other member of the board?"
Natigilan si Ms. Jelly sa ginagawa niya ng marinig niya ang tanong ko. Nagulat din si Lucas sa narinig niya. "Unfortunately, yes. Mr. Montes decided to sell his share to your sister." sabay ngiti niya "Ms. Zamantha buy the share of Mr. Montes for only Ten Million Pesos. According to Ms. Zamantha, pinilit siya ni Mr. Montes na bilhin yung share, because he needs to pay the debt in the bank. Pero ang alam namin ni President Dy, nalulong siya sa casino sa London, kaya pati yung VM Jewelry Line pinagbenta din niya."
Habang nagkukwento si Ms. Jelly, may nareceive naman akong text mula kay Max. "Sayang nga yung Jewelry Line nila, malaki pa naman ang kinikita nila don."
"Thank you so much Ms. Jelly. I'm sorry to say, but I have to go. May urgent lang po talaga." Nagmadali agad kami ni Lucas, going to the parking lot.
"Anong nangyari bakit siya nandon?" bungad ko kay Max, pagdating ko sa sasakyan.
MAX'S P.O.V
Habang nag-aantay kay Jeron, biglang may sinabi sa akin si Secretary Jerwin. "Ms. Max, bigla daw po sumugod si Ms. Vhia Montes sa ZMM Tower at nagwawala don."
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...