18

2.1K 35 2
                                    

MAX'S P.O.V

"Thanks...Calvin?" Nagulat na lang ako ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito?

"Ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin, ngunit hindi ko ito sinagot.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"We have Rest House here. And South Wong Estate is one of our property, and as one of Chief Operating Officer kailangan ko rin gawin ang trabaho ko. Anyway, I've heard napapadalas daw ang paglabas nila Jeron and Vhia."

"Marami ka rin palang alam."

"Tahimik man ako, marunong naman akong magmasid at makaramdam. After your engagement with Jeron, Lucas and I decided to move here dahil sa nalaman naming balita about Vhia. Three weeks ago, I saw Jeron na 1am ng umuwi sa Sky House and may sumusunod sa kanya na isang kotse. And I noticed na familiar yung driver, and that is Vhia."

Since nag-open up siya sa akin, nagsabi na rin ako sa kanya ng bigat ng nararamdaman ko. "Masama bang maging selfish? Sa totoo lang Calvin ako yung nagpush kay Jeron to meet Vhia. Kung hindi ko yun ginawa hindi naman to mangyayari e. Totoo yung sinabi mo, totoong napapadalas yung paglabas nila. Napapadalas na naiiwanan ako sa bahay at lagi ko lang nakakasama sa Sky House ay sila Ms. Shine, Manong Carlitos at yung ibang mga nagtatrabaho sa Sky House. Nakakaiyak lang, kasi nahuhulog na ko sa kaibigan niyo, pero ganito naman yung nangyayari. Aaminin ko, nasasaktan ako, nagseselos ako." Nang oras na yon, hindi ko na napigilan ang luha kong gusto ng bumuhos ng todo.

Calvin tried to comfort me during that time. "It is not your fault. Nagkataon lang na gusto mong maging maayos sila. Honestly, medyo nagtaka kami ni Lucas sa sobrang laki ng pinagbago ni Vhia. Dati siya mismo ang nagagalit kay Jeron sa tuwing lumalapit ito sa kanya. Ayaw niyang kinukulit siya ni Jeron, but now...siya ngayon yung lapit ng lapit kay Jeron. Tsaka noong umalis si Vhia ng walang rason at pumunta ng London, pinilit ni Jeron na kalimutan si Vhia. Lucas and I heard na nabankrupt daw ang business nila Vhia sa London kaya siya umuwi ng Pinas. And we think na yun ang reason kung bakit sobra niyang lapitan si Jeron."

"Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako."

"There is a posibility na ginagamit ni Vhia si Jeron. Na sinusubukan niyang mahulog ulit si Jeron sa kanya para maiahon ang business nila sa London. Alam lahat ng BLAZER kung gaano kasakim at katuso ang Dad ni Vhia."

"Hindi pwedeng mangyari yon Calvin. Hindi ako papayag. Please tulungan niyo ako ni Lucas."

"Oo naman, tutulungan ka namin ni Lucas. Remember, ang magbusiness partner nagtutulungan. Maybe we did not meet during the business trip of our family atleast dito nagkasundo tayo."

Oo nga pala bago ko malimutan, nakwento na nila Mom na si Calvin yung dapat imimeet ko sa Hong Kong during the business trip.

At sa sobrang dami naming napagkwentuhan hindi na namin namalayan ang oras. Since magkatapat lang ang Sky House at Wong Mansion, sabay na kaming naglakad pauwi.

-------------------------------

JERON'S P.O.V

"Nasaan po si Max?" Nakangiti ako habang tinatanong ko yun kay Ms. Shine.

May dala kasi akong Ice Cream para sa kanya. While on my way home going to Sky House, dumaan muna ko sa isang sikat na ice cream shop sa Nuvali. Naisip ko kasi siya kanina while I'm driving. Naalala ko lang yung araw na sobra siyang nagcrave sa ice cream.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon