17

2.2K 41 3
                                    

MAX'S P.O.V

Around 5:30pm na ako nakarating sa Sky House. Sinubukan ko pa rin na pagaanin yung pakiramdam ko. I checked the kitchen kung ano ang available na ingredients. I just cooked chicken adobo for dinner. Around 9:30pm na wala pa din siya. Hindi pa din nauwi yung fiancee ko. Hanggang sa nawalan na ako ng gana. I just went to my room and take some rest.

--------------------------------

Maaga akong gumising at nag-ayos ng sarili. May event kasi ang ZMM Cafe ngayon. Magbubukas kami ng another branch sa may BGC Taguig, plus ZMM Tower Condominium. Paglabas ko ng room si Ms. Shine agad ang bumungad sa akin.

"Good morning Ms. Max." sabay ngiti niya sa akin. "Kayo po ba ang nagluto ng adobo kahapon?"

I just only nod. Wala pa din kasi akong gana hanggang ngayon. "Pero mukhang hindi niyo po ata nagalaw yung pagkain niyo kagabi."

"Medyo sumama po kasi yung pakiramdam ko kaya po nawalan ako ng ganang kumain. Kung gusto niyo po pwede niyo naman po yun i-microwave yung adobo and gawing fried rice yung kanin. Aalis po muna ko, pupunta po ako ng BGC for the grand opening of ZMM Cafe and ZMM Tower Condominium. Sasaglit lang po ako don tapos babalik na din po ako. Pagbalik ko, I will be with Ashley and Chachi. Sige po mauuna na ako."

Nagmadali na akong umalis ng oras na yon.

--------------------------------

JERON'S P.O.V

9:30am na ako nagising. 1am na kasi ako nakauwi. Naghilamos at toothbrush lang ako at pumunta na agad ako sa kitchen area. Nakakaamoy kasi ako ng Adobo ngayon at inatake agad ako ng gutom.

"Wow Ms. Shine, mukhang masarap yang niluluto mo ah."

"Nako Young Master, hindi po ako ang nagluto niyan. Si Ms. Max po ang nagluto ng Adobo. Mukha nga pong masama ang pakiramdam niya kasi po nakausap ko siya kanina bago umalis medyo matamlay. Tsaka sabi niya pa niluto daw niya yan kagabi kaso di naman niya nakain gawa bigla nga daw sumama pakiramdam niya at nawalan ng gana."

Napaisip ako dahil sa sinabi ni Ms. Shine. Nalimutan ko, sinabi nga pala niya sa akin na dapat umuwi ako ng maaga para sabay kaming kumain ng dinner. "Sinabi niya sa akin na i-microwave ko daw yung ulam at gawing fried rice ang kanin."

"Hay ang tanga ko, saan daw po ba siya pupunta ngayon?"

"Eh ang sabi po niya sa akin sa BGC daw po grand opening daw po ng ZMM Cafe."

Matapos sabihin sa akin yun ni Ms. Shine ay nagshower na agad ako at nag-ayos ng sarili. Ipinahanda ko na agad yung kotse ko para sundan siya. I tried to call her pero walang nangyayari. She did not pick up her phone. Masyado ko ata siyang nadisappoint. Hay Jeron, ang engot mo talaga. Pinabayaan mong mag-isang umuwi ang fiance mo tapos pinaasa mo pa siya na uuwi ka ng maaga para makasabay siya sa dinner.

Nasa expressway pa lang ako sobra ng traffic. For the last time, tinawagan ko ulit siya at finally sumagot din.

"Nasaan kana?"

----------------------------

MAX'S P.O.V

Naging successful ang grand opening ng another branch ng ZMM Cafe, and may bago akong kabusiness partner sa Cafe, sila Ashley, Chachi, Lucas at Calvin. Pagdating ko naman sa Sky House, isang impokrita naman ang bumungad sa akin. I am with Ashley today, hindi kasi nakasama si Chachi gawa ng may kailangan pa siyang puntahan. Derederetso lang kami ni Ashley ng biglang nagsalita si Vhia.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon