MAX'S P.O.V
Pagdating namin sa Blazer Room...
"Oh!..." sabay hagis niya ng damit. "...magpalit ka ng damit mo. May shower room diyan sa kanan mo. Ang baho mo na."
Hindi na ako nag-inarte pa, nababahuan na din naman na kasi talaga ko sa sarili ko. I took a shower for 20minutes. Jersey shirt ang binigay sakin ng Unggoy. Buti na lang at may extra pants akong dala. Paglabas ko ng shower room, "Nasaan ang Unggoy niyong kaibigan?"
Tumawa sila Blaster, Adrianne, at Eithan at samantalang si Calvin ngumisi lang. "Unggoy talaga?" Sabay tawa uli ni Blaster. "By the way, he is with Lucas. Practice nila ngayon ng basketball. Anyway, totoo ba yung sinabi ni Jeron na fiancee ka niya?"
"Sa kasamaang palad, oo."
"But, how?" Seyosong tanong ni Calvin.
Umupo muna ko sa tabi ni Chachi, na titig na titig kay Calvin, "Our parents are good friends in business. Since malapit na mabankrupt ang isang business nila, his Dad ask for help to my father."
"So kilala niyo na ang isa't isa?" Tanong ni Adrianne habang kumakain ng chips
"Nope..." then I smile, "...hindi ko talaga kilala ang Unggoy na yon. Since nag-High School ako nasa Australia na ako. Habang nasa Australia ako at nag-aaral, my 3 brothers are here in the Philippines to manage our business, while my Mom and Dad are in Hong Kong and sometimes in Singapore."
"Same pala kayo ni Calvin. Parehas independent sa buhay." Sabi ni Eithan.
"Dapat Baks, kayo na lang ni papa Calvin." Pagbibiro ni Chachi.
"Oo nga Baks." Sabay tawa naman ni Ashley.
-----------------------------------
JERON'S P.O.V
Kakatapos lang ng practice namin, habang nagpapalipas pa kami ng oras ni Lucas, he open the topic about me and Madrigal. "Bro, totoo ba?"
"Sa issue na kung fiance ko si Madrigal? Oo." Sabay inom ko ng tubig. "Anak siya ni Zandro Madrigal, ang CEO ng ZMM Tower."
"Kung ganon edi isa siya sa mga taga pagmana...at kung hindi ako nagkakamali, sila ang bagong ka-business partner nila Calvin sa Hong Kong."
Napaisip ako sa sinabi ni Lucas sa akin. "Ka-business partner?" Tanong ko kay Lucas.
"Oo, remember during vacation nagpunta ng Hong Kong sila Calvin due to their business with Madrigal. So for sure na-meet na niya si Max before, kaya may alam siya about kay Max nun time na nagtanong ka samin."
"Sorry to say Bro, but I have to go. May kailangan pa pala kong tapusin." - Lucas.
"Ingat na lang. Mamaya uuwi na din ako."
Kaya ba niya tinulungan si Madrigal before kasi magkakilala na sila. Pero bakit hindi sinabi ni Calvin yon. So matagal na talaga nila kilala ang isa't isa. Teka nga ba't ko ba iniisip yon? I played basketball para lang mawala ang inis ko at stress dahil sa mga iniisip ko. Even though it's too late, tinatamad pa din akong umuwi sa amin.
--------------------------------
MAX'S P.O.V
From: Dihia
Shobe, if may masasabayan ka pauwi sumabay ka na. Pero kung wala, just wait for me, nasiraan lang ako dito sa may Makati.Kapag minamalas ka nga naman oh. Habang nag-aantay kay Dihia, nagawa ko pang umorder ng Mcdo. 20 minutes lang ako nag-antay, at nag-ikot ikot muna ko sa campus para makahanap ng puwesto. Dahil bukas pa ang ilaw sa gym, inakala ko na isang basketball team ang nagpapractice doon. When I checked, isang lalaking nakatayo sa center ang nakita ko, kitang kita ang hubog ng katawan niya. And when he started to play and shoot the ball, bigla siyang nagkamali ng bagsak sa floor.
"May dugo..." I said, I get my first aid kit on my bag, at tsaka umupo sa harapan niya. Bahala na kung malinis yung floor o hindi. Inilapag ko din ang gamit ko sa sahig ng oras na yon. "...sa susunod mag-ingat ka." Binibigkas ko ang salitang yon habang nililinis ko ang sugat niya. "Ayan tapos na. Dahil nawalan na ko ng ganang kumain sayo na lang to." Sabay abot ko sa kanya ng inorder kong Mcdo.
"Salamat pero hindi pa ko gutom..." sabay tumunog naman ang tiyan niyang nag-aalboroto na sa gutom, at dahil don nagkatinginan kaming bigla.
"Hindi pala gutom ha. Sige na kunin mo na yan. Wag ka mag-alala hindi kita sisingilin jan."
"Oo na." Sabay kuha niya nun burger. "Bakit ka nga pala nandito pa? 10:30 na ah."
"Nasiraan kasi ng sasakyan si Dihia. Kaya no choice ako kundi antayin siya. Wala naman ako masasabayan pag-uwi e."
"Anong Dihia? Sino yon?" Umiral na naman katangahan ng Unggoy na to.
"Dihia second brother yon. Ang second brother ko ay si Zach. So alam mo na ha?"
"Ok. Can I have your phone?"
"For what?"
"I will call him. Sige na! Ako na maghahatid sayo."
Binigay ko na lang ang phone ko ng walang away. He call my brother immediately, at sinabi niya agad na siya na lang ang maghahatid sa akin. After niyang kainin yung burger, we went to the parking area of the campus.
"Exact address?" He said.
"Huh?"
"Exact address niyo para maihatid kita."
---------------------------------------------------
Please do read my new work of imagination, Complete Opposite, still on-going.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...