JERON'S P.O.V
"Goodmorning Ms. Shine." masayang bati ko dito habang naghahanda ako ng pagkain. Nagluto ako ngayon ng garlic fried rice, hotdog, tocino, cheesy omelette, at chicken adobo.
"Young Master, nilalagnat po ba kayo at ang aga niyo pong gumising. 6:30 pa lang po ah, ano po bang meron at mukhang masaya po ata kayo." pagbibiro sa akin ni Ms. Shine.
Ipinaghanda ko ng kape si Ms. Shine habang pinapanood niya ako sa ginagawa ko. "Maganda lang po talaga ang umaga ko ngayon. Wala po kasing istorbo sa pagtulog ko...sumabay na din po kayo sa amin ni Max." sabay ngiti ko sa kanya.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng dining table. Nailagay ko na ang mga pagkain sa table. Naghanda din ako ng coffee at chocolate drink. Pumunta agad ako sa kwarto ni Max para gisingin siya.
"Good morning Ms. Madrigal!" bati ko sa kanya at sabay hawi ng kurtina para masinagan siya ng araw. "Bumangon ka na huy tanghali na. Let's go and eat." pilit kong paggising sa kanya.
"Ano ba inaantok pa ko!" sagot niya sa akin.
"Babangon ka o..." biglang may nagtext sa kanya. I get her phone, when I tried to open the text message may password pa na kailangan ilagay. "Ano password nito?" tanong ko sa kanya.
"0811" sagot niya.
When I opened it, unknown no. agad ang bumungad sa akin. Nang basahin kong mabuti si Zian pala ang nagtext. "Nagtext si Zian. Papunta daw sya ngayon dito gawa ng may kailangan siyang idiscuss sayo."
"Whaaat???" ang kaninang antok na antok pa, biglang nagising ang diwa niya. Nagmadali siyang pumunta ng c.r para maligo.
"Haaay nako, narinig lang na pupunta si Zian dito biglang nagmadaling bumangon." sabi ko sa sarili ko.
Habang nasa c.r siya nagstay na muna ako dito sa kwarto niya. Nakahiga ako ngayon sa kama niya. I started to scroll her phone. Pumunta ko sa gallery ng phone niya. Pinagmamasdan ko ang picture niya ngayon. Ang ganda niya talaga.
"Nandito ka pa din??" dahil sa sinabi niya nagulat ako at nabitawan ko ang cellphone niya. Buti na lang at sa kama lang niya nahulog.
"Huwag ka ngang manggugulat diyan. Bilisan mo magbihis at nagugutom na ako."
Tinaasan niya ako ng kilay, "Paano ako makakapagbihis kung nandito ka ha? Hindi porket hi..." hindi na niya itinuloy yung gusto niyang sabihin. Natatawa na lang tuloy ako. "Umalis ka na nga susunod na ako sayo na kumain."
"Ok. See you babe."
"Babe-in mo mukha mong tukmol ka!" inis na sabi niya.
Nakakatuwa talaga siya na makitang naiinis sa akin. Kakatapos lang namin kumain ngayon. Parehas kaming nasa living area at nagpapahinga. Nanonood kami ngayon, nang dumating si Zian.
They are now discussing about marketing strategy of ZMM Tower Philippines. Hindi ko alam kung anong meron pero nakakaramdam ako ng selos ngayon. Nag-uusap lang pero kailangan todo dikit??? Sa sobrang inis ko nilakasan ko ang volume ng T.V.
"Jeron ano ba?! Kanina ka pa ha, nananadya ka ba ha??? Nakikita mo naman siguro na nag-uusap kami ni Mr. Z di ba? Konting respeto naman sana."
Dahil sa sinabi niya pumunta na lang ako sa kwarto ko. At mula don pasimple ko silang pinagmamasdan, halata sa kanila na nagkakasundo sila sa mga ilang bagay. "Haaay Jeron! Ano baa?" sigaw ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...