JERON'S P.O.V
"Totoo ba yun Vhia? Totoo bang ginagawa mo to dahil lang sa kagustuhan ng Papa mo?" Gusto kong malaman ang katotohanan. Totoo ba ang sinabi ni Max??? "ANSWER ME? TOTOO BA?"
"N-no. No Jeron. Hindi ko yun gagawin sayo." Halatang halata ang takot sa mukha niya ng tanungin ko siya at pagtaasan ng boses. "Si-sige na. Aantayin na lang kita sa labas."
Nagmamadaling lumabas si Vhia ng ZMM Tower, habang ako nasa counter to pay the bills. Pinagmamasdan ko lang siya habang nasa counter ako. Nang makalabas na ako ng ZMM Tower tsaka ko lang napansin na may kausap siya sa phone. Hindi muna ako lumapit basta sa kanya. Pinakiramdaman at pinakinggan ko muna ang pinaguusapan nila.
"Dad enough na...they already know our plan. Masyadong madaming alam ang fiancee ni Jeron. Buti na nga lang napaniwala ko siya hindi totoo un sinasabi ng Max na yon...konti na lang talaga malalaman na niya yung sikreto natin. Dad ayoko na talaga. Ayokong masira yung friendship namin dalawa at ayoko din makasira ng relasyon ng iba.." after those words, napalingon na lang si Vhia mula sa kinatatayuan ko. "...Jeron..." so ang ibig sabihin totoo nga.
"Tama nga si Max." Then I immediately went to my car para sundan si Max sa Sky House.
"Jeron let me explain first. Pakinggan mo muna ko oh." nagmamakaawa siya ng oras na yon para lang pakinggan ko ang mga nonsense explanation niya.
"Explain??? Pakinggan??? Hindi pa ba sapat yung oras at araw na inilaan ko sayo??? Yung araw na dapat magkasama kami ng fiance ko pero ano? Inagaw mo Vhia. Yung mga oras na dapat ibinibigay ko sa kanya, mas ibinigay ko sayo. Iniwanan ko siya sa mga oras na kailangan niya ko gawa mo."
Nagmadali na akong pumunta ng Sky House. Sobra ang galit ko sa sarili ko. Alam ko kasalanan ko dahil sa tuwing magsasabi ako sa kanya na kasama ko si Vhia pumapayag lang siya at ako walang ginagawa, hindi ko man lang naturuan ang sarili ko na pigilan ang bawat desisyon niya. Ang tanga ko. Napakagago ko. Wala akong kwentang tao.
I tried to call Max ngunit hindi niya sinasagot. Siguro nga malaki talaga ang galit niya sa akin. I know it is not right to text while I am driving, pero ginawa ko pa din. Dahil sa kagustuhan kong magsorry sa bawat pagkukulang ko sa kanya.
To: My Fiance
I am very sorry for everything. I hope you'll forgive me. Always remember that I love you so much...When suddenly became black out.
--------------------------------
MAX'S P.O.V
I am already at Sky House. Kausap ko ngayon si Secretary Jerwin. Nasa private room kami ngayon. "Tell to Dad that I am going to accept his offer regarding ZMM Tower. Patuloy mo pa rin na imbestigahan si Vhia. Sundan niyo pa rin siya kahit saan man siya magpunta. If you already done talking with Dad regarding the offer, subukan mong kausapin si Mr. Lazaro Montes if he is willing to sell the VM Jewelry Line sa London."
"Noted Ms. Max."
"Oh I forgot, kung sakaling hindi siya pumayag, doblehin o triplehin mo ang offer sa kanya." Sabay kaming lumabas ng private room. "Kumain ka na din dito nagpahanda ako ng pagkain kay Ms. Shine."
"Thank you Ms. Max."
Dumeretso na agad siya sa dining area ng Sky House, samantalang ako umupo na muna saglit sa sofa at nanood ng News. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi na ako mapakinali. "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko.
I tried to call him pero hindi niya sinasagot. Sinubukan ko na din tawagan sila Calvin at Lucas pero sabi nila hindi daw pumupunta si Jeron sa secret hideout ng BLAZER. Napatingin na lang ako bigla sa TV because of the FlashNews.
"Isang kotse ang nabangga sa may South Luzon Expressway. Hindi pa malaman ang dahilan ng pagkakabangga ngunit ang isa sa mga hinihinalang dahilan ng mga pulis ay baka nakainom daw ang driver nito..." - TV Announcer
"Bakit hindi namin yun nakita pag-uwi? Parang familiar pati yung sasakyan." Nakakunot ang noo ko habang sinasabi yun sa sarili ko at iniisip ko kung saan ko ba nakita yung red sportscar na yon.
"Ms. Max..." tawag sa akin ni Ms. Shine, "...si Young Master daw po nasa Asian Hospital."
"Huh?" Sobrang tagal magload ng utak ko. Ang tagal magsink in sa utak ko na nasa ospital si Zhaun.
"Naaksidente daw po si Young Master. Nasa Asian Hospital po siya ngayon." Muling sabi ni Ms. Shine sa akin.
Nagmadali akong pumunta ng hospital ngayon. Ang kaninang kumakain na si Secretary Jerwin, ngayon ay driver ko naman. Pagdating namin ng hospital pumunta agad ako sa information desk.
"I am looking for the guy who have been involved in the car accident at South Luzon Expressway lately."
"Mam, pwede ko po ba malaman kung kaano ano po kayo ng pasyente"
"I am the fiancee of the victim. Pwede bang pakibilisan?" Hindi ko alam, pero nanginginig ako sa kaba, natatakot ako na baka kung ano ang nangyari sa kanya.
"He is already at the recovery room Mam. 4th floor Room 256."
"Ok thank you."
Pumunta na agad kami ni Secretary Jerwin sa recovery room. "Call Secretary Lou regarding what happened to Jeron." sabi ko naman sa secretary ko.
Saktong dating namin lumabas naman yung Doctor na nakaassign sa kanya. "Maybe you are the relative of the patient, right?"
"Yes Doc, kamusta po si Zhaun?"
"He is now ok. Buti na lang at hindi ganon kalala ang natamo niyang mga sugat. Wala naman bone fracture sa katawan niya kaya wala ka dapat ipagalala hija. Sa ngayon antayin lang natin na magising yung pasyente."
"Thanks Doc." Nagmadali agad ako na makapasok sa recovery room to check his condition. I talk to him even though hindi pa siya gising.
"Sabi ng Doctor hindi naman daw malala yung natamo mong sugat...kaya sige na gumising ka na agad. Hindi ako sanay na tahimik ka lang. Kahit na hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko sayo kanina, kahit na mas kinakampihan mo yung Vhia na yon, tatanggapin pa din naman kita. Yun nga lang I need to do something. Something na kailangan niyang pagbayaran."
Habang binubulong ko naman yun sa kanya, bigla naman dumating si Zammy, ang ate ni Zhaun. I already told to her naman kung ano yung sinabi ng Doctor.
I decided na lumabas muna ng recovery room and talk to Secretary Jerwin and to the other bodyguards. "Double check the security here at the hospital and also at Sky House. If this person..." sabay pakita ko ng picture, "...will be here or at Sky House, call me immediately. Kahit family pa ng Hwang ang kasama niya, huwag na huwag niyo siyang papapasukin hangga't hindi ko sinasabi maliwanag ba???"
Lahat naman sila ay sumang-ayon sa sinabi ko. "Ms. Max, phone po ata to ni Mr. Zhaun." Sabay abot sa akin ni Secretary Jerwin ng phone.
I opened the cellphone of Zhaun, and when I checked it I read a text message which became failed on sending, "I am very sorry for everything. I hope you'll forgive me. Always remember that I love you so much. I'm officially yours and no one can take me from you. Again I love you."
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...