MAX'S P.O.V
Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ko siya biglang niyakap. Nagulat na lang ako sa ginawa kong yon. Matapos namin malaman ang result, pumunta kami sa isang fast food restaurant. Itinuloy namin yung naudlot na date namin noon sa McDo, kung saan malapit lang sa Sky House. Dahil naipasa niya yung mga exams niya, syempre kailangan treat niya. Ibinili niya ako ng fries and ice cream, at ganon din siya. Ginaya na din niya yung trip ko sa buhay.
Matapos namin kumain, umuwi din agad kami. Kinabukasan, sabay kaming pumasok sa L.H.U., at habang naglalakad, narinig ko ang mga salitang, "Finally, I'm back." mula sa kanya.
At dahil mamaya pa ang klase ko, pumunta muna kami sa BLAZER Room, ang secret hideout nila. Habang busy ang lahat sa kanilang mga phone, bigla kong binasag ang katahimikan nila, "Hi everyone, he's back." sabay tingin nila sa akin.
Mula sa pagiging busy, naging sobrang saya naman sila ng biglang makita si Jeron. Sobra nilang namiss ang isa't isa. Hindi mapigilan ang tuwang nadarama nila ngayon. Habang nagkukwentuhan sila nagpaalam na akong aalis para pumunta sa klase. "I'll go ahead."
Nagmadali na akong pumunta sa classroom at nakita ko agad ang dalawang taong sobrang lapit sa akin. Inakbayan ko silang parehas. "Hi Ashley and Chachi." sabay ngiti ko sa kanila.
"We've heard that he's back." sabi ni Chachi.
"Yup." maikli kong sagot sa kanya.
"Did he know already?" tanong naman ni Ashley sa akin, tungkol ito sa ginawa ko kay Vhia.
"Hindi pa. But don't worry, sasabihin ko rin sa kanya soon." sabay ngiti ko kay Ashley. "Ayan na si Prof."
Matapos ang klase ko ng mahigit 4 hours, nagkita kami ni Jeron. "Pupunta lang ako ng ZMM Tower." paalam ko sa kanya.
"Ihahatid na kita." he said.
"Huwag na. You still need to rest. Si Secretary Jerwin na ang bahala sa akin. Mag-ingat ka pauwi."
Umalis na agad ako at dumeretso na sa ZMM Tower. Pagdating ko sa office, isang tambak na paper works ang bumungad sa akin. Napakarami ng for sign na papel. Nakakatuyo din pala ng mga brain cells to. Bago ako pumirma ng mga papers sinusuri at binabasa ko muna itong mabuti. Baka mamaya paaalisin na pala ako dito sa ZMM Tower.
Maaga dapat akong makakauwi, ngunit biglang dumating si Ahia."Ano to Max?!" Alam kong galit siya, sapagkat Max ang tawag niya sa akin imbis na Shobe. Bigla niyang nilagay sa table ko ang papers ng VM Jewelry Line. "Ilalagay mo ba sa peligro ang ZMM Tower?"
Kinuha ko ang folder ng VM Jewelry Line. "Before I signed that fucking shit contract, minake sure ko na binasa kong mabuti yon. And nakalagay jan once na nagsign sila jan sa kontratang yan, hindi na nila pwedeng bawiin yon, unless triple yung ibabalik nilang bayad. So what's the problem with that???"
"Alam mo bang magpa-file sila ng case regarding that matter?" pasigaw niyang sinabi sa akin.
Vhia, ikaw ba ang may kasalanan nito??? Hindi hindi ka magtatagumpay. "Who send this to you??? Is it Vhia Montes? If she wants to file a case then go. Gusto mo siyang kampihan??? Hindi kita pipigilan Ahia. If you just only know kung anong ginawa niyan sa akin, sigurado ganito din naman ang gagawin mo."
"What do you mean Max?" seryosong tanong niya.
"Di ba magaling mag-imbestiga? Why you don't find it on your own way?" kinuha ko ang gamit ko at umalis na agad sa ZMM Tower.
Habang nasa biyahe ako pauwi ng Sky House, ang daming gumugulo sa isip ko. Paano kung matalo ang ZMM Tower sa kaso laban sa Vhia na yon? Paano ko sasabihin kay Jeron yung ginawa ko? Paano ko maipapanalo ang ZMM Tower? Paano Max? Paano???
"Ms. Max, nandito na po tayo sa Sky House." sabi ni Secretary Jerwin.
Bumaba na ako ng sasakyan, sinalubong agad ako ni Jeron sa may pintuan. "Are you ok?" I just smiled at him as a respond. "Kumain ka muna. Nagluto ako ng sinigang na hipon."
Pinaupo niya muna ako at ipinaghanda ng pagkain. Habang kumakain kami, he opened the topic regarding ZMM, "I've heard that you are now the President of ZMM Tower Corporation Philippines." sabay ngiti niya.
"How did you know that?"
"Nalaman ko lang yon kay Secretary Lou. I'm so proud of you."
Natigilan ako mula sa pagkain ko. Sasabihin ko na ba sa kanya yung ginawa ko??? "Ah, pero paano kung..." oras na ba talaga para sabibin ko ang katotohanan? "...paano kung sabihin ko sayo na binili ko ang VM Jewelry Line? Would you still accept me? I know na sobra mong minahal si Vhia, at alam kong pwede kang magalit sa ginawa ko."
Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan niya ako sa mga mata at sabay ngumiti, "No matter what happened, I will still accept and love you. Hahayaan kita sa kung anong gusto mo, ang ayoko lang ay masasaktan kang muli."
"Natatakot ako, natatakot ako na baka mamaya masira ang ZMM Tower dahil sa akin." naging malungkot ang tono ng boses ko ng oras na yon. "Nag-file ng case si Vhia regarding ZMM Tower. Paano kung manalo siya laban sa akin? Ayokong masira yung tiwala nila Mom and Dad sa akin. Bakit ko ba ito sinasabi sayo, ayokong nakikita mo ko na namomroblema dahil sa ginawa kong to."
Umalis ako mula sa dining area, ngunit may isang taong pumigil sa akin sa pamamagitan ng pagyakap sa akin mula sa aking likuran. "Sasamahan kita, sasamahan kita sa kahit na ano mang laban na dumating sayo." bulong niya sa akin. "I just make sure also, na hindi mananalo si Vhia sa kaso. Ano bang nakalagay sa kontrata?"
"Nakasaad don, na hindi na nila pwedeng bawiin ang VM Jewelry Line once na nagsign na sila ng contract, pwede lang nilang bawiin yon kapag binalik nila yung payment ngunit dapat triple ito."
"Yun naman pala e." matipid na sagot ni Jeron. "At sa tingin ko hindi na maibabalik ang pera na binayad mo sa kania, dahil ang alam ko, baon sa utang sila Vhia. Nalulong sa sugal si Mr. Laz."
"Ang masaklap kasi dito, pinaalam pa ng Vhia na yon yung plano ko kay Ahia. Si Vhia lang naman ang may gusto na magfile ng case laban sa akin."
Humarap siya sa akin at kinausap ng masinsinan. "Don't worry, I will help you." at sabay halik niya sa noo ko. "Magpahinga ka na muna at bukas, sasamahan kita sa office. Parehas nating haharapin at lulutasin to."
Napayakap na lang ako bigla sa kanya. Para kong nakukuryente habang niyayakap siya. Ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng ganito. Sa pagyakap kong yun, nalanghap ko ang mabangong amoy ng taong tumutulong sa akin ngayon. Habang nalalanghap ko ang mabangong amoy na yon, nararamdaman ko ang sarap sa pakiramdam na yon. "Sasamahan kita bukas sa trabaho mo, pero pupunta muna tayo ng L.H.U saglit, may icoconfirm lang ako, tsaka tayo pupunta ng ZMM Tower. Ok ba?" tumango lang ako sa sinabi niya.
Dumeretso na ako sa kwarto ko, nakangiti ako habang nakahiga sa kama ko. Salamat at naging sa akin kang muli, Zhaun Jeron Hwang.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...