MAX'S P.O.V
Nandito na kami sa The Pantry, ZMM Tower. He opened the door of the car for me, sabay na rin kami pumasok sa loob ng restaurant.
"Ms. Zeinelle Maxine Madrigal?" tanong sa akin ng isang staff.
"Yes." sabay ngiti ko sa staff.
"This way Mam, Sir."
While choosing some food to order, biglang binasag ni Jeron ang katahimikang namumuo sa aming dalawa. "I'm so happy na nagkasama tayo ulit."
"Ikaw lang naman ang laging busy e." Bulong ko sa sarili ko.
"What?" he asked.
"Nothing. Let's order?"
"Sure." sabay ngiti niya sa akin. Kahit na nasasaktan ako nahuhulog pa din ako sa bawat ngiti niya sa akin.
"Hey Jeron!" Bungad ni Vhia. Sabi na nga ba e nandito siya sinusundan niya kami.
At that moment, hindi na talaga ko nagdalawang isip. I texted Secretary Jerwin regarding this matter. Pinasunod ko siya sa ZMM Tower to investigate. Habang nandito kami sa loob ng Restaurant, nag-aantay naman ng go signal sila Calvin at Lucas.
"What a coincident, nandito pala kayo. Siguro naman pwede akong magjoin sa inyo no?" Bigla na lang siyang umupo sa tabi ng fiancè ko. Hindi ko akalaing makapal pala talaga ang mukha niya.
"Pinapunta mo ba siya dito?" Seryosong tanong ko kay Jeron. Medyo naiirita na kasi ko sa pagmumukha niya.
"Hindi ba pwedeng nagkataon lang..." sabi ng bruhang impokritang to. Dahil sa sobrang inis ko hindi na ko nakapagpigil.
"I'm not talking to you! I'm talking with my fiancee..." hindi nagsasalita si Jeron ng oras na yon. Hindi ko alam kung naging pipe na ba siya dahil sa Vhia na yon! "...sa susunod na sumabat ka pa sa usapan namin, I will make your life more miserable!"
"Stop Max!" Dalawang salita lang ang narinig ko kay Jeron, stop Max, bakit ako? Why not Vhia???
"Why Max should stop?" isang boses mula sa aking likuran.
Calvin??? Bakit? Bakit ka agad pumasok sa eksena??? Pero salamat. kung nanjan ka para iligtas ako. Salamat at may kakampi na ako ngayon.
"Why don't you join us? Tutal naman may kasama na din naman tayo na iba, bakit hindi mo rin kami samahan. What a coincident also to have a double date." binabanggit ko ang bawat salitang yon habang nakatingin sa fiancee ko. "Excuse me."
Hindi ko na kaya yung bawat pangyayaring nakikita ko. Pumunta na muna ko sa washroom para i-comfort yung sarili ko. Gusto kong umiyak ngayon pero hindi pwede. I need to be strong, kailangan ko yung Zeinelle Maxine na kayang pataubin ang lahat ng taong bumabangga sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...