30

2K 41 1
                                    

JERON'S P.O.V


"Oh bakit nandito ka?" tanong ko kay Zammy.


"Hindi ka ba nainform ni Max? I will be the one who will attend your recognition day. Nagtext sa akin si Max kanina lang na may urgent meeting siya with the board members." pagmamasungit ma sabi ni Zammy sa akin. "Bilisan mo nga! Napakabagal mong kumilos para kang hindi lalaki." Sabay hagis niya ng throw pillow.


"Bakit kas kasi pumayag?" inis na sabi ko sa kanya.


"No choice din naman ako. Ano ba mas gusto mo makasama ko kahit no choice ka na din o wala kang makasama ha?" pagmamataas kilay pa niya ng oras na yon.


Bakit ba kasi hindi man lang sinabi ni Max na hindi siya makakaattend ng isa sa mga huling mahahalagang araw ko sa university. Mas mahalaga pa ata ang mga board members na yon kesa sa akin.  Mula Sky House hanggang Linden High University, mahigit thirty minutes ang naging biyahe namin.

Pagdating sa Linden High University, dumeretso na agad kami sa Performing Arts Theater. Nasa unahan kami ngayon kasama ang ibang BLAZER. Mahigit isang oras ang itinagal ng event.


"So pwede na ba tayong umalis? Let's go to ZMM Cafe, treat me a Green Tea frappuccino." seryosong sabi ni Zammy.


"Ang sabi lang ni Max, samahan mo ako hindi samahan mo ko at ililibre ka ni Jeron!" pang-aasar ko sa kanya.


Dahil sa sinabi kong yon, binatukan lang naman niya ako. Napakabrutal talaga ng babaeng ito. Hindi ko alam kung kanino ba nagmana to. "Fine! I'll treat you. May choice pa ba ko e nananakit ka na!"


Natawa na lang sila Blaster dahil sa sinabi ko at sa ginawa ni Zammy. "That's what we like about your sister. Natatauhan ka." pang-aasar pa ni Blaster.


Pagdating namin sa ZMM Cafe, isang malaking sign ang bumungad sa amin. "Under renovation?" I said.


"Let's go inside." Zammy says.


"Seryoso ka ba? Di mo ba nababasa? Un-der re-no-va-tion." Itinuro ko pa talaga sa kanya yung placard.


"Kapag sinabi kong go inside, go inside!" Sabay hatak niya ng damit ko na pwede ng mapunit sa sobrang lakat niyang manghatak.

"CONGRATULATIONS!" sabi ng mga employee ng ZMM Tower at sabay putok ng mga poppers.


Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung anong meron ngayon. Everyone was congratulating us. "Pinaclose ni Max ang ZMM Tower just for you and the rest of the gang." Napangiti na lang ak9 ng sabihin yun ni Zammy sa akin.


"Congratulations!" mula sa taong nasa likod ko, kaya naman humarap agad ako sa kanya. "Sorry kung hindi ako ang nakapunta sa recognition day mo. Mas naging busy kasi ako sa pag-aayos dito." sabay ngiti niya sa akin ng oras na yon.


Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko ngayon sapagkat, siya lang ang natatanging babae na gumawa sa akin nito. Napayakap na lang ako ng sabihin ko ang mga salitang ito, "Thank you..." sabah ngiti ko sa kanya. "Bukas, ikaw naman ang may mahalagang araw. Advance congratulations Ms. Summa Cum Laude ng buhay ko. I love you."


"I love you too." ang sarap pakinggan. Hinawakan niya ang kamay ko at isinuot ang bracelet na regalo niya. "Huwag mong iwawala yan, kundi sasapakin kita."


"Umiral na naman pagiging brutal mo. Pwedeng magrequest? Pwede bang pakiulit yung, I love you too mo?" talagang ginaya ko pa yung pagsabi niya ng I love you too.


"Ano ko uto uto?" sabay talikod niya sa akin na para bang aalis, "I love you too!"


Naghiyawan na lang sila Blaster, Eithan, Addrianne, Calvin, at Lucas dahil sa sinabi ni Max. Everyone was enjoying the party, nang mapansin ko si Zammy na para bang nagulat sa nabasa niya sa phone.


"What happened? May problema ba ate." I said to her.


"Nothing." sabay ngiti niya sa akin, na para bang walang problema.


"Are your sure? Give me your phone." ayaw niya pang ibigay sa akin ang phone niya, at dahil pasaway ako, kinuha ko na lang yun ng biglaan sa kanya. I opened her phone, at binasa ko ang text message sa kanya ni Moms. "You will be scheduled for an engagement party next week?"


"Like what they did to you."sabay ngiti niya uli sa akin. "I will be engage to Mr. Kim's son."


I hugged her, dahil alam kong hindi na din niya magiging hawak ang buhay niya bilang si Zammy. "Alam kong malungkot, pero dapat kayanin. Always remember that Max and I are always here for you. If magkaproblema ka, pwede mo kaming makausap ni Max."


"Kay Max, may tiwala pa ako, pero sayo? Hindi!" Bwiset na to! Tama ba na sabihin sa akin yon.


-------------------------------------


MAX'S P.O.V


Habang nagpapakabusy ang lahat sa party, biglang lumapit sa akin si Ate Zammy. "Thank you for what you have done good for my brother.


"You're always welcome ate Zammy."


"Max, I have a question. Di ba hindi kayo gaanong ok ni Jeron dati, bago kayo naengage? Paano mo nahandle yon." tanong sa akin ni ate Zammy.


Teka ano bang meron? Bakit siya nagtatanong ng ganon sa akin ngayon? "Sa totoo lang ate Zammy sobrang hirap ng sitwasyon namin. Para kaming aso't pusa ni Jeron dati. But since your Dad ang my Dad decided na pagsamahin kami sa Sky House, unti unti kong nakikita at nakikilala kung sino ba talaga si Jeron. It will really takes time for me para mahalin yung taong walang ginawa kundi pahirapan at awayin ako sa Linden. Teka nga ate Zammy, bakit mo pala natanong?"


"Wala lang." sabay ngiti niya sa akin.


"Sabihin na natin ang totoo." sabay akbay sa akin ni Jeron. "Sooner or later she will be part of our family. Ate Zammy, will be engage soon with Mr. Kim's son." Jeron says.


"Mr. Kim's son?" gulat na sabi ko. "Kay Mr. Z ba?"


"No, kay Dr. Y. The second child of Mr. Kim." Ate Zammy says. "Actually nagresearch na ako about sa kanya, siya ang President ng South Greenfield Medical Hospital and according also to some of his colleagues, masyado siyang malapit sa mga girls."


Hindi maipinta ang mukha ni ate Zammy ng oras na yon. Halatang hindi niya gusto ang pwedeng mangyari sa kanila ng fiancè niya.


"Sa totoo lang ate Zammy sobrang layo ng ugali niya kay Mr. Z." I said, at dahil din sa nalaman niya, Jeron and I needs her to cheer up during the party.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Sorry for late update.
Sorry for wrong grammar.
Follow.
Vote.
Suggest.
Comment.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon