36

2.1K 42 3
                                    

A/N: Sorry kung hindi ako makapag-update agad. Medyo busy lang sana maunawaan niyo po. Salamat.


----------------------------

MAX'S P.O.V

"Did you already put the device in the board room?" I said to Secretary Jerwin. Maaga kaming nakabalik sa Pilipinas. Jeron and I went to ZMM Tower para makausap ang isa sa mga kasabwat ng nagnakaw ng nawawalang pera ng kumpanya. "And na-make sure niyo din ba na pwede natin marinig lahat ng usapan doon???"

"Yes Ms. Max, we make sure na maayos pong lahat. According din po kay Ms. Ji Ah na kasama na po niya ang isa sa mga taga-Finance Department." as Secretary Jerwin.

Matatapos na din ang kalokohan na ito. Mababawasan na din ang mga taong walang ginawa kundi manguha ng perang pinaghirapan ng kumpanya. I already called a police para magaganap na pagdakip sa kanya mamaya.


"Kumpleto na ba ang lahat ng Board Members sa Board Room?" tanong Jeron sa secretary ko.

"Yes Mr. Hwang. Gusto niyo na po bang simulan ang meeting?" tanong ni Secretary Jerwin.

"Oo, simulan na natin..." he looked at me at tsaka niya sinabi ang mga salitang, "...tapusin na natin ang kaganapan na to. Hindi dapat hinahayaan ang isang magnanakaw na manatili sa ZMM Tower."

Habang sinasabi niya yon sa akin, kitang kita sa mga mata ni Jeron ang determination na pabagsakin ang taong minamaliit siya noong unang araw niya bilang Acting Chairman ng ZMM Tower. Ngayon magsisimula na ang lahat. Magsisimula ng magbago ang lahat sa loob ng ZMM Tower.

----------------------------------

JERON'S P.O.V

"Good morning Mr. Chairman." bati sa akin ng mga Board Members maliban sa isa  na para bang kulang na lang magkaroon ng ipo-ipo sa loob ng Board Room dahil sa kahanginan.

"Kumusta naman ang bakasyon niyo Mr. ACTING CHAIRMAN?..." sa pananalita pa lang niya halata naman na nang-aasar siya. Sige pa sagarin mo pa ng todo todo ang pasensya ko. "...mukhang nagagawa mo pang magsaya habang may nawawalang pera ang kumpanya niyo. Hindi mo man lang ba naisip na dahil sa nangyaring ito, pwede mawalan ng tiwala ang mga taong may share sa ZMM Tower Mr. ACTING CHAIRMAN!"

"Bakit ba sa akin mo sinisisi ang kasalanan na ginagawa mo ngayon?" everyone started to murmured. "Tama kayo ng naririnig, kasalanan na ginagawa niya ngayon. Hindi ako nagkamali sa paghihinala sayo."

"Teka nga lang Mr. Hwang, bakit ako ang iyong sinisisi? Hindi ba dapat ikaw ang sisihin dito sa kapabayaan mo? Habang may nawawalang pera dito nagagawa mo pang mamasyal sa Taiwan kasama yung fiancèe mo." dahil sa sinabi ni Mr. Lim naging hati ang bawat komento ng Board Members. Magaling siyang umarte, ngunit huli na ang lahat alam na namin ng asawa ko ang katotohanan.

Nagulat ang lahat ng biglang pumasok ng Board Room ang asawa kong si Max. "I am not just only a fiancèe. I am already his wife Mr. Lim." lalong hindi makapaniwala ang mga Board Members dahil sa nalaman nila. "Alam mo Best Actor ka ng taon, kulang na lang magpagawa ako ng trophy para ibigay sayo. Muntik mo na sana akong mapaniwala na wala kang kaalam alam o kinalaman sa nawawalang Five Million Pesos ng ZMM Tower. Pero sumamblay ka, hindi naging malinis ang pagkilos ninyo ni Mrs. Cruz."

Si Mrs. Cruz ang VP for Finance. Siya ang may alam ng lahat pagdating sa pagtransact ng pera ng ZMM Tower. Everyone was lookig at Mrs. Cruz ng sabihin ni Max, na isa rin siya sa nagnanakaw ng pera. "Teka lang Ms. Madigral, wala akong kaalam alam jan." Itinatanggi niyang maigi na hindi siya kasama sa kalokohan na ginagawa ni Mr. Lim.

"FYI, Mrs. Hwang!" pagmamasungit ni Max sa kanya.

"Kung wala kang  kinalaman sa nawawalang pera ng ZMM Tower, then bakit kayo magkausap ni Mr. Lim around 8:30 in the evening sa loob ng safety room ng ZMM Tower?" pina-play ko kay Secretary Jerwin ang CCTV Video. "Mrs. Cruz, nalimutan mo ba na my secret camera sa loob ng safety room?"

"We are just only there dahil nasabi niya sa akin na may nagli-leak doon. Kaya minabuti ko ng tingnan yung sinasabi niya." pagpapaliwanag ni Mr. Lim.

Natatawa na lang si Max dahil sa sinabi ni Mr. Lim. "Huwag na tayong maglokohan dito. Hindi po kami ipinanganak kahapon. Kung talagang may nagleak doon, bakit ikaw ang kailangan magcheck? We have Maintenance Department here. Tsaka utang na loob huwag na tayong maglokohan dito. Umamin na ang staff niyo Mrs. Cruz na magkasabwat kayo ni Mr. Lim!" bigla na lang tumaas ang boses ni Max ng oras na yon.

"Hey, magrelax ka lang. Ipaubaya mo na sa akin ito." I said to her. "Papasukin niyo na siya." I said to Secretary Ji Ah. Si Clarisse ang assistant ni Mrs. Cruz. "Please tell kung ano ba ang nalalaman mo sa nawawalang Five Million Pesos ng ZMM Tower."

"I am very sorry Mam, kung kailangan ko itong gawin, pero sobra na po akong nakokonsensya sa pinapapagawa niyo sa akin. Totoo pong magkasabwat sa pagkuha ng pera si Mrs. Cruz at Mr. Lim. Every end of the month po kumukuha po sila ng Two Hundred to Three Hundred Thousand para po hindi po gaanong mahalta na may nawawalang pera. Pagkatapos pong makaltas yun sa account, idedeposit naman po yun sa ibang account. Kaya lang naman po ako pumayag na gawin yon kasi po inofferan po nila ako ng malaki, na once daw po enough na yung pera bibigyan daw po nila ako ng kalahating milyon piso." pagkukwento ni Clarisse.

"How dare you ha?" sinaktan ni Mrs. Cruz si Clarisse matapos niyang sabihin sa lahat ng tao sa Board Room ang nalalaman niya. Agad naman siyang pinigilan ng mga guard

"Mam, hindi na po kasi tama yug pinagagawa niyo sa akin. Alam kong lahat naman tayo dito pinaghihirapan yung kinikita ng ZMM pero hindi pa rin tama na magnakaw tayo ng hindi naman sa atin." naiiyak na lang siya habang sinasabi niya yon.

"Ngayon paano niyo sasabihin sa akin na ako ang dapat sisihin? Sige na, kunin niyo na yang dalawang yan." I said to the policemen. "Huwag niyong hayaan na makawala yan."

"Yes Mr. Hwang." sagot naman ng isang police.

Nakita ko na lang si Max na kinocomfort niya si Clarisse. "Maraming salamat kasi nakipagtulungan ka sa amin. Kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon clueless pa din kami."

"Sorry po talaga Ms. Max. Alam kong malaki na yung naitutulong niyo sa akin pero gumawa pa din ako ng hindi maganda. Sorry po talaga." - Clarisse.

"Basta sa susunod huwag na sanang mauulit. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo." sabi ko sa kanya. Napayakap na lang din ako kay Max, matapos ang lahat gumaan na din ang pakiramdam ko. "Ok ka lang ba? Masyado atang naging mainit yang ulo mo kanina." natatawa na oang ako habang sinasabi ko yun sa kanya. "I love you, Babe."

"I love you too, Babe." sagot niya sa akin.

"Alam mo ba pinaka-favorite part ko kanina habang nagsasalita ka?"

"Ano naman???" pagmamataas kilay niya pa sa akin.

"Yung I am not just only fiancèe, I am already his wife." talagang ginaya ko pa yung way niya ng pagsasalita.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FOLLOW.
VOTE.
SUGGEST.
COMMENT.
THANK YOU.
-MISS TAHO

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon