MAX'S P.O.V
And don't worry Shoti, may isa pang tutulong sa kanya..." hindi pa tapos si Dad ng umeksena agad ang isang taong malapit din sa puso ko.
"And it's me." Nagulat kaming lahat ng biglang dumating ang pinsan ko. Ang makulit at pasaway kong pinsan na kasing edad ni Ahia, but he's good when it comes to business.
"Si G?!" Seryoso ba to? Si Ahia Gio ang tutulong sa akin? Sa bagay magaling naman talaga siya. Makulit man seryoso naman pagdating sa business.
"Naturuan ko na siya pagdating sa nga kailangan niyang gawin. He just needs to review the marketing strategy of ZMM Cafe and other affiliates."
"As uncle says, wala ka dapat ipag-alala. You know that I will do anything just for the company."
Maraming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod, oo tama kayo ng nababasa, nakakapagod ang mga bawat salitang narinig ko kanina. Ang daming revelations ni Dad. Nakauwi na din sila Mr. Z at Calvin. Since bukas na rin aalis si Dad going to Singapore dito ko na lang siya pinagpahinga sa Sky House para makasama ko pa din siya kahit bilang na lang ang oras na makakasama ko ulit siya. Bukas na din aalis si Shoti, kasama si Dad. Kailangan na niyang simulang pag-aralan ang bawat kaganapan sa ZMM Tower Singapore. Simula din ngayon, dito na muna magstay si G hangga't hindi pa naayos ang Rest House niya dito sa South Wong Estate, nasa Guest Room siya. Pinaubaya na muna ni Jeron ang room niya sa Dad ko at kay Shoti. Si Dihia naman balik na din bukas sa Hong Kong nasa guest room din siya kasama ni G.
Kakatapos ko lang magtoothbrush. Pumunta ko saglit sa kitchen area para kumuha ng maiinom. I saw Jeron in the sofa, na halatang hindi komportable. "Hoy!" Nagult na lang siya ng tawagin ko siya. "...ok ka lang ba?"
"Ang hilig mo din manggulat no? Aatakihin ako sayo eh."
"Sa ganda kong to talaga bang aatakihin ka ha?" pagbibiro ko sa kanya. "Sanay ka bang matulog sa sofa ha??? Gusto mo magshare na lang tayo sa room ko?" ok alam ko babae ako at alam ko hindi dapat ako ang nag-iinsist or nagsasabi nito. E kasi naman nakakaawa siyang tingnan sa sofa.
"Seryoso ka? Baka naman mas lalo akong hindi makatulog don gawa mo?"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?" nako Maxine wag madumi isip.
"What I mean is, baka malakas ka humilik." sabay tawa niya.
"Bwiset ka! Bahala ka nga jan."
"Huy biro lang." sumunod siya sakin sa kwarto dala dala ang kumot at unan niya.
Nilatag niya ang dala niyang kumot at unan. Nasa kama ako at siya ang nasa sahig. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog ng ayos. Sinubukan ko siyang silipin. Nakapikit na ang mata niya. "Natutulog ka na ba?"
"Matutulog na sana kaso ang ingay mo." sinasabi niya yon habang nakapikit.
"Sa palagay mo ba mapapatakbo namin ni Shoti ng ayos ang ZMM Tower? Alam ko kasing si Ahia ang mas magaling sa aming apat." patuloy pa din akong nakatingin sa kanya.
"Lahat tayo magaling pagdating sa pagpapatakbo ng kumpanya, but we have our own style in running business. We just only need to help each other. Di ko nga alam kay Dad mo bakit kailangan pang isali si Zian."
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...