MAX'S P.O.V
"I want to talk to you and your two brothers later. Marami kayong dapat malaman. I want also Jeron to be there and the rest of your team" sabay tingin niya kay Jeron.
"The Sky House is free, di ba Jeron?" sabay ngiti ko sa kanya.
"Yes, pwede po muna kayong mag-stay sa Sky House hanggang kailan niyo man gusto Mr. Madrigal."
Nagset ng meeting si Dad sa Sky House. Exactly 6 in the evening, nakarating agad kami sa Sky House. Nagpahanda na rin ako ng dinner kay Ms. Shine. Habang nag-aantay sa mga ibang bisita, I opened a conversation to my Dad, unexpected kasi ang pagbisita niya dito sa Pilipinas.
"When did you arrived? Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka dito, Dad?"
"After your engagement party we immediately go back to Hong Kong. After a week, narinig ko from Mr. Hwang na may dine-date daw ang Ahia mo. Tinanong ko naman ang dalawa mo pang kapatid pero wala silang alam. Wala daw sinasabi ang Ahia mo tungkol dito. That's why I decided to go back here just to investigate that woman, nang malaman kong nandito siya."
"So ibig sabihin Dad matagal ka ng nandito? And matagal ng magkakilala sila Ahia at si Vhia??" Kaya pala iba ang aura niya kay Ahia. Kaya pala todo ang pagtatanggol ni Ahia kay Vhia.
"One month na akong nandito. Lahat ng nangyayari sa inyo ni Jeron ay alam ko. Alam ko din na muntik kayong maghiwalay because of that woman. At buti naman at nagka-ayos kayong dalawa..." sabay tingin niya kay Jeron "...you know that I will do everything once na sinaktan mo ang unica hija ko."
Grabe pala talaga si Vhia. Habang sila ni Ahia, umuwi siya dito para kay Jeron at para lang maiahon sila sa hirap. And I know that she will going to do everything para makuha ang gusto niya.
Dumating na ang mga bisita ni Dad. Dumating sila Dihia at Shoti. Dumating din sila Blaster, Addrianne, Eithan at Calvin. Sumunod naman Dumating si ate Zammy, si Mr. And Mrs. Hwang, si Yassi na pinsan naman nila Jeron, at si Mr. Z, ang tinatawag na "Monster of Asia". Ang kulang na lang ay si Mom, na nasa Taiwan ngayon at si Ahia na hindi ko alam kung nasaan ngayon.
(Top left to right: Dihia Zach, Shoti Zander, Blaster, and Lucas. Middle left to right: Addrianne, Eithan, Calvin and Zammy. Bottom left to right: Mr. Hwang, Mrs. Hwang, Yassi and Mr. Z.)
"Thank you everyone for accepting my invitation. Alam kong biglaan ito ngunit hindi niyo ako tinanggihan." sabay ngiti ni Dad sa kanila. "Before we go to the best part of the meeting, I would like everyone to meet Mr. Z of Connexial. Isa siya sa mga pwedeng tumulong sa atin sa negosyo at sa plano ko."
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Teen FictionPaano kung yung kinaiinisan mo sa University ninyo ang maging fiancè mo? Ano kayang gagawin mo? Mamahalin mo ba siya dahil kailangan? O mamahalin mo siya dahil ayun ang sinasabi ng puso mo? Masasabi kaya nila sa isa't isa ang "I'M OFFICIALLY YOURS"...