22

2.2K 40 4
                                    

JERON'S P.O.V

Habang nagpapahinga ako, naramdaman ko ng may biglang bumisita sa akin sa ospital. 7:00 pm na ng dumating ang isang taong muntik ko ng pakawalan noon. Nakita ko siya na nag-aayos ng bulaklak, narinig ko din mula sa kanya ang pag-aalok niya ng pagkain kay Secretary Lou.

"Ako ba, hindi mo aalukin kumain? Akala ko hindi mo na ko dadalawin dito ulit." pagbibiro ko sa kanya.

"Adik ka ba??? Hindi pa nga natin nakikita yun mga lab result mo tpos gusto mo na agad kumain ng kung ano ano. Magtiyaga ka na muna jan sa pagkain ng ospital niyo ok? Tsaka wag ka ngang magdrama hindi bagay." naging masungit ang sagot niya.

"Pag ako nakalabas na dito, humanda ka sakin." sabay kindat ko sa kanya.

Halatang hindi maipinta yung reaction niya tungkol sa sinabi ko. "Tigilan mo nga ako. Pero anong kaartehan yung dapat isesend mo sa akin pero nagfailed naman."

"Sus, kinilig ka naman don." muli kong pang-aasar sa kanya.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at pabulong na binigkas ang mga salitang, "Matagal na naman na kong sayo, yun nga lang tumingin ka pa sa iba." sabay kurot niya sa ilong ko.

Napakasarap pakinggan at napakagandang tingnan ng ngiti niya. Ang mga mata niyang kumikinang habang nakatingin sa akin1. Habang tinititigan ko siya, dumating naman si Mams.

"Good eve po Tita." bati ni Max kay Mams. Nasanay na din si Max na tawaging tita si Mams.

"Good evening din hija. Kaya pala nakangiti itong si Jeron ay gawa ng nakita niya ang pinakamaganda niyang nurse." Hindi ko alam kung nagbibiro si Mams, pero totoo naman e, kung sakaling siya ang maging nurse ko, siya na ang pinakamaganda sa kanilang lahat. "By the way Jeron, your Paps will not be here na muna gawa ni Zammy. Both of them are in the business trip, so no choice ka kundi sa akin ka makikinig ngayon. Bawal ang pasaway ok?" kailan ba ako naging pasaway Mams???

Habang nagkukwentuhan kami, bigla naman dumating si Doctor Kim. "Good evening Mrs. Hwang, and Jeron. I have a good news for all of you. Pwede ka ng madischarged tomorrow morning. Ok na naman yung mga lab results, wala naman kaming nakita na hindi maganda. Hopefully continuous ang paggaling mo." sabay ngiti niya sa akin, at umalis din agad.

"At dahil makakauwi kana may first task ka agad." sabi ni Max na tila sobrang saya sa narinig niya. Pinakita niya sa akin ang isang notebook, "You have to review all your notes for your special exam tomorrow, afternoon. Hiniram ko lang naman yan kay Calvin, alam ko kasing super late ka na sa discussion. Midterm pa naman ngayon. And gumawa na rin ako ng fake exam para mareview ka ng ayos ngayon. Don't worry 2pm pa naman yung schedule mo sa lahat ng subjects mo."

"Grabe ka naman sa akin. Tomorrow pa ako madidischarge may ipapagawa ka na agad sa akin. Mahal na mahal mo talaga ako no?" pang-aasar ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako na para bang nang-aasar. "I'm just concerned. Ayoko kasi na yung fiancee ko umulit ng 4th year college due to the accident. Hello last semester ko na ngayon and gagraduate na ako. E ikaw? Maiiwanan sa L.H.U!"

Natatawa lang sila Mams, Secretary Lou at Secretary Jerwin dahil sa sagutan naming dalawa ni Max.

Sa kadahilanan na gusto ni Max na makapasa ko sa special exam ko for Midterm, nagsimula na akong magbasa ng mga notes ko. Sinigurado ko na alam at saulado ko ang bawat details ng mga topic. Almost 12 na ng matapos ako magreview. Around 2:30am na ng matapos ko naman sagutan yung fake exam na ginawa ni Max.

"I'm done." sabi ko sa taong pinakamamahal ko.

Dahil sa sobrang busy ko sa pagsagot ng fake exam, hindi ko na namalayan na ang kaninang fully charged na si Max, ay nakatulog na pala sa sofa. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilagyan ko siya ng unan at kumot.

KINABUKASAN...

Alas siete na ng umaga ako nagising. Hindi ko alam, pero bakit ganon parang busy ang lahat. Tanggal na ang dextrose sa kamay ko. Nag-aayos na sila ng gamit. Para bang excited lang silang umuwing lahat sa Sky House.

"Change your clothes." masungit na sabi ng fiance ko sabay hagis ng damit ko. "You have a mistake in test 3. Kailangan mo pang magreview ulit pagdating sa Sky House."

Sobrang strict naman ng teacher na to. Kailangan ba maperfect ko yung exam.

"Kailangan mong maperfect yung exam." muli niyang sabi sa akin. Teka nga naririnig ba niya yung sinasabi ko???

Pumunta na agad ako ng comfort room at nagshower na din ako don. Pwede naman kasi maligo dito. Siguro 20minutes lang at tapos na din ako. Paglabas ko ng comfort room, ready to go na sila, samantalang ako hindi pa ready. Ang sarap kayang magpahinga at pagsilbihan.

Fifteen minutes naman ang naging biyahe namin going to Sky House. Si Mams naman dumeretso na papuntang Hwang Mansion. Pagdating sa Sky House, hindi ko alam pero parang nakakapanibago. Double security. May mga nadagdag na CCTV Cameras.

Habang papunta ng kitchen area si Max nag-open naman siya ng isang topic. "Before I forgot. After the accident nagpa-install ako ng additional CCTV Cameras and pinadouble ko yung security dito. Anyway, magstart ka na ulit magreview. Dito ka na lang din siguro magreview, this is your snack..." sabay lagay niya ng nuts at chocolate sa table.

Gusto niya ba talaga kong makapasa sa exam o gusto niya akong magLBM??? "Nuts and chocolate? Is it really a good combination?"

"Hindi ko naman sinabi na kainin mo yan parehas. Sayo yung nuts, sa akin yung chocolate. Aba eengot engot ka talaga pag parehas mong kinain yan no. Kaloka. Bilisan mo, magreview ka na."

"Sabi ko nga." sabay ngiti ko sa kanya.

Halos four hours akong nagrereview at sa halos na apat na oras na yon, malapit ko na din maubos yung mani. Nakakaumay pero sige lang para sa mataas na grades. 1pm pa lang lumakad na agad kami going to L.H.U. Naalala ko nga pala thursday ngayon at wala siyang pasok kaya ang lakas ng loob niya na samahan ako sa special exam ko.

Pagdating sa L.H.U, pumunta agad kami sa Department of Architecture, at nagtake agad ng exam. Apat na oras din akong kumuha ng exam ko. Kulang na lang maflat ng todo yung puwet ko sa sobrang tagal. Nakakainip, nakakasakit ng batok, nakakatuyo ng utak.

Within that day inantay ko din ang result ng exams. Ang sarap sa feeling na maghapon ko siyang kasama. Ang sarap sa feeling na walang istorbo. Ang sarap sa feeling na walang umaagaw sa atensyon, sa oras. Ang sarap sa feeling na nakikita ko siyang nakangiti, at ang dahilan pa ay ako.

Sa bawat pagbukas ng pinto sa departamento namin, ay bigla naman lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "Mr. Zhaun Jeron Hwang..." sabi ng department secretary, nakakakaba, nakapasa kaya ako? Nagawa ko kayang makakuha ng passing grades? "...you passed all the exams."

Totoo ba? Nagawa ko ba talaga? "You made it." sabay yakap niya sa akin.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon