Chapter 1

60 1 3
                                    

Grade 7 ako nung nagkagusto ako sa kanya. Transferee ako sa Cachapero Learning School inc.. First time ko nun sa Cavite kasi taga-Makati talaga ako.

Sa sobrang excited ko pumasok,maaga ako pumunta sa bago kong school. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagtanong na ako.

"Dito ka muna." Nilahad nung teacher na nag-assist sa akin ang isang pintuan na may template na 7-Topaz. Hmm, ganito pala sections dito? Gems. I wonder kung may Jade dito? Yun kasi ang favorite ko.

Pinihit ko ang doorknob at nakita ang isang katamtamang laki na room at air-conditioned din. Naramdaman ko kaagad ang lamig. Hindi ata bagay ang suot ko dito. I'm wearing a black long sleeves dress and studded ankle boots. Wala pa kasing uniform kaya napilitan ako mag-sevillian.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong room para maghanap ng mauupuan. May ilang estudyanteng nakatingin sa akin, but I ignored them. Yung iba naman nagdadaldalan

Ang upuan na nakita ko ay malapit sa mga bookshelves. Okay na ito kahit nasa corner. Wala pa akong katabi kaya nilabas ko ang aking phone at earphones para making ng music.

Ilang sandal, bumukas yung pintuan,pumasok ang isang lalaking medyo matangkad,maputi,slightly messy hair at masculado. Mas lalong nag-define yung biceps niya sa suot niyang dark green v-neck shirt, just like me, naka-sevillian lang at may dalang bag, pero parang wala ng laman, nasa locker na siguro?

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Jose! Long time no see pre!" Umiwas agad ako ng tingin nung may tumawag sa kanya. Siguro tropa niya yung bumati sa kanya. Sa gilid ng aking mata, nakita kong niyakap niya si Jose.

"Pre saan ako pwede umupo?" tanong ni Jose. Naglakas loob akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Wala nga pala akong katabi! Tumingin rin sa akin yung bumati sa kanya.

Tinapik niya sa balikat si Jose. "Okay." Natatawang sabi ni Jose.

Nung palapit na siya sa akin, umiwas agad ako ng tingin.

Lumingon ako sa upuang nasa tabi ko at nagulat ako nung naka-upo na siya doon at naglahad ng kamay sa akin.

"Kiel Jose N. Olimberio. You can call me Kiel."

Sandali kong tinignan ang kamay niyang nasa harap ko. Ano magpapakilala ba ako? I have second thoughts but I took his hands and gave it a little shake...

"Hi Kiel! I'm Summer Anne D. Monteverde. You can call me Summer"

Agad akong bumitaw nang may naramdaman akong kuryente. Weird. I never felt that before. He gave me an assuring smile. Ibinalik ko ang aking tingin sa phone na hawak ko.

"So Summer, transferee?" tanong niya.

"Yes. And you? Are you an old student?"

Tumango siya. "Yup since grade 1 pa ako dito Summer. You have an accent, may lahi ka ba?"

Umiling ako at hinarap siya. "Wala."

"Oh. Okay. Pero paano ka napadpad dit-"

Hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil may pumasok na dalawang teacher. Tumahimik ang lahat at tumayo, pati si Kiel. Kaya nag-aanlinlangan akong tumayo.

"Good Morning Sirs! Welcome to Cachapero Learning School!" bati nila. Hindi ako nakasabay kasi hindi ko alam na ganito ang pagbati dito. Sa dati ko kasing school iba.

Umupo na kami at tumahimik dahil binibilang kami ng teachers. May hawak silang papel at mukhang nag-iiscan ng mga pangalan ng mga estudyanteng nandidito.

"Ilan ba ang section dito?" tanong ko kay Kiel.

"Dalawa"

"Ano yung isa?"

"Dalawa yung sections dito sa highschool. Topaz and Jade kahit sa higher levels Topaz and Jade din ang sections."

Okay. Ngumiti ako na-excite. Pwede ako malipat sa isang section! Nilingon ako ni Kiel.

"Why are you suddenly happy?" tanong niya

"Wala lang."

"Gusto mo malipat sa kabilang section noh?" aniya

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin sure. I mean, you're here. I already made a friend. Mahirap mag-adjust lalo na dahil ikaw pa lang naman kilala ko."

Tumango siya. "Wag ka na lumipat. I need you. Mukhang matalino ka eh. Need some help in acads."

It's true, parang nagdadalawang isip pa ako kung gusto ko ba talaga lumipat. Pero kasi like I said, may nakilala na ako dito. And masyado naman sigurong malungkot kung hindi ko magiging ka-classmate ang first friend ko. Itinuon ko ang aking pansin sa mga gurong nasa harap.

"Ordonez Lance, Sastre John Angelo, and Monteverde Summer Anne. Please stand."

Eto na yon. Wala na akong choice kundi tumayo. I want to help Kiel sa acads pero magkaiba ata ang schedule ng dalawang section.

"Sa 7-Jade kayo. I'll be your adviser, Mr. Esmail Guro. But you can call me Sir Val. Eto naman si Sir Paulo. Adviser ng 7-topaz."

Halos mapatayo si Kiel sa kanyang narinig.

"No! You can't go! I just met you! And I need help in acads!" Pabulong niyang sabi sa akin.

Umupo ako sandali para maayos ang gamit ko. Itinago ko sa bag ang aking cellphone at hinarap siya.

"It's okay Kiel! Besides, we got to know each other! It's, better than nothing."

Umayos siya ng upo at walang magawa kundi tumango. It's the teacher's decision, nothing can change it.

"Okay. But don't you dare forget me!"

Bumuntong hininga ako at tumango. "Take care Kiel, I have to go." Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya bigla ang aking kamay.

"You too Summer. Just be safe." Binitawan niya ang aking kamay. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

"See you when I see you Kiel. Cachapero isn't that big for me not to see you."

As I head for the door, I didn't dare look back. Kasi alam ko na kaagad na hindi kumpleto ang school year ko dito sa CLSi kapag walang Kiel Jose N. Olimberio sa tabi ko. Walang Kiel na magpapaturo sana sa akin sa acads.

I will always remember that name.

I sighed and went out of the room refusing to look back at Kiel.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now