Chapter 30

17 1 0
                                    


"So Renaissannce... Mula siya sa salitang pranses na ibig sabihin ay muling pagsilang." Explain ko.

It's Tuesday at medyo maayos na ang pakiramdam ko. Dumating na ang pinaka favorite kong topic sa Araling Panlipunan! Humanism and Renaissance! Katabi ko ngayon si Kiel at ine-explain ko sa kanya ang lesson namin. This time,medyo nahirapan na siya kasi maraming pangalan ang kailangan i-memorize.

Ine-explain ko kay Kiel ang drinawing kong graph para mas maintindihan niya ang mga ginawa ng mga bihasang tao noon sa Humanism.

Tinuro ko sa kanya ang pangalan ni Baldassare Castiglione.

"Isinulat niya ang 'The Courtier'." Sabi ko.

"Ano naman yon?" tanong niya.

"Isinasaad ng The Courtier na ang isang lalaki ay magigng bihasa at maalam sa akdang Klasikal at mahusay sa musika,panulaan,palakasan at pakikipag-laban."

"Ok..." Basa ni Kiel sa reviewer ko. "Baldassare Castiglione, The Courtier,Dapat ang mga lalaki ay may alam sa akdang klasikal at mahusay sa musika... Got it."

In-explain ko sa kanya si Francesco Petrach, ama ng Humanismo. At marami pang iba.

Huminga siya ng malalim. "Quiz na natin sa Thursday. I need to study."

Ngumiti ako. "Okay lang yan. I'm here to teach you anyway. Kung may tanong ka, feel free to approach me."

Tumawa siya. "I'll always approach you anyway. Let me guess, pinag-aralan mo toh during summer vacation noh?"

Namula ako. "Uh-huh. Lagi naman akong ganon. That's my hobby na eh. To advance study."

***

"Bakit daw absent si Kiel?" nag-aalala kong tanong kay Miguel at Alexis.

Wednesday na ngayon and we're eating lunch. First time umabsent ni Kiel at hindi ko alam ang reason! I'm suddenly worried.

Naupo sa tabi ko si Alexis na may dalang dalawang plato. Nilapag niya ang isa sa harap ko. Tinignan ko lang ito.

"Family prob." Simpleng sagot ni Alexis.

I heaved a deep sigh. "Since kelan? He didn't even bother to chat me?"

"Ok lang yan." Miguel assured me. "Yun lang din naman ang sabi niya sa amin. Na aabsent siya ngayon dahil may family prob sila. He also told us na i-libre ka ng lunch.Wala ng iba."

"Eat now... You'll get hungry." Ani Alexis.

Sumubo ako kahit wala talaga akong gana. Sayang naman kasi yung pagkain.

***

"Sasabay ba kayo sa akin?" tanong ko. Pinayagan na kasi ako nila mommy at daddy mag-drive tutal sa school lang naman at hindi na lalayo.

Tumango sila.

"Syempre wala si Kiel." Ani Alexis. "Wait lang lagay ko lang toh sa locker baba ka na Summer."

Sabay kami ni Miguel bumaba. Nung nakarating na kami sa kotse,pinatunong ko ito at nilagay namin ni Miguel yung bag namin sa backseat. Pagkatapos,sumandal ako sa aking kotse. Binuksan ko ang messenger ko. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong may message si Kiel sa akin. Online siya kaya mare-replyan ko siya.

Kiel: Summer,sorry absent ako. Family prob.

Ako: Okay lang. May exams kami kanina sa math, Filipino, and computer. Assignments sa Filipino book lang.

Kiel: Uh-huh... sige pupunta ako sa park ng PTC mamaya. Sabay na tayo gumawa ng assignment.

"Oy Summer tara na!" ani Alexis. Nakarating na pala siya.

"Sandali lang!"

Chinat ko si Kiel na paalis na kami ng school.

Kiel: Sige see you later! ;) Ingat sa pag-drive! 4pm nandoon ako sa park.

In-off ko na ang aking phone at pumasok na sa loob ng kotse. Nasa front seat si Alexis. Pina-andar ko na ang kotse.

"You think Kiel will be fine?" nag-aalala kong tanong.

"Of course..." Miguel said.

"Nothing to worry about." Alexis assured.

I just sighed at nag-focus na lang sa pagda-drive.

Nung nahatid ko na si Alexis at Miguel,sa bahay muna ako dumiretso para makapag-bihis. Nagpalit lang ako ng t-shirt,masyado kasing mainit yung long-sleeves polo namin. Kinuha ko lahat ng notebook at libro kung saan kami may assignment at exam, nagdala rin ako ng ballpen at papel.

Naglakad lang ako papunta roon dahil malapit lang naman. Nakita ko kaagad si Kiel nung malapit na ako. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya.

Umupo ako sa damuhan sa tabi niya. Binuklat ko ang mga libro at nagsimula kaming magsagot ng assignment. He listened to me attentively. Nakapag-concentrate naman ako kahit ngiti siya ng ngiti sa akin tuwing nage-explain ako sa kanya.

May mga oras na nauuwi sa kwentuhan at kulitan ang 'study session' namin. Pero nagawa naman namin lahat ng kailangang gawin. Nagawa ko pa siyang turuan sa Araling Panlipunan at math dahil marami siyang ita-take na exam bukas.

Niligpit namin ang mga gamit namin. Color orange na ang langit.

"Nood tayo sa Sunset?" yaya ni Kiel.

"Uhm... Sure." Sabi ko.

Umayos kami ng upo at tinignan ang malawak na palayan sa tabi ng PTC. Umihip ang malakas na hangin.

"So what happened?" Tanong ko.

"Nag-away sila mom at dad... Hindi ako pumasok kasi natatakot ako na baka habang wala ako ay magkasakitan sila. At least kapag nandoon ako,mababantayan ko sila." Aniya.

Napakabuti naman niyang anak...

"Ako,hindi ko pa nakikitang nag-aaway si mommy at daddy. Oo,nagkakaroon sila ng misunderstandings. Pero yung talagang away?" umiling ako. "Hindi ko pa sila nakikita."

"I don't want separated parents. I don't want a broken family." Ani Kiel. "Parang hindi ko kaya."

"Eventually,magkaka-ayos rin sila Kiel. I'll pray for you then. May balak ka bang sabihin kila Migs at 'Lex bukas?"

Tumango siya. "Of course... Papasok na ako bukas, I have a lot of catching up to do"

We spent the remaining time watching the sun going down.

"This sembreak,do you have any plans?" Tanong ni Kiel.

Umiling ako. "Mom and dad will be busy handling our business. Dito lang ako."

"Pupunta ako sa Pangasinan kung nasaan yung farm. Hindi sasama sila mom at dad kasi may mga taga-pangalaga naman doon. Ako lang mag-isa bibisita."

Ngumiti ako. "Good for you then."

Tumawa siya. "I want you to come with me. Diba gusto mo Makita yung farm? Naalala mo nung nasa Palawan tayo? I invited you to come."

Tumawa ako. "Sure. Balitaan mo na lang ako kung kelan."

This will be exciting!

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now