Chapter 20

13 1 0
                                    


3pm ang usapan namin ni Arianne sa may kubo. Hindi na ako nag-abala pang sabihin kay Kiel na magkikita kami ng girlfriend niya. Baka mag-alala lang siya.

Tinext ko ang driver na 4pm na lang ako sunduin sa school dahil baka matagalan ang pag-uusap namin ni Arianne.

Nung dinismiss kami ni Sir Fhern hindi ko alam kung saan nagpunta si Kiel kasi nawala na siya sa paningin ko. Baka sumama lang sa mga kaibigan niya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Naglakad na ako papunta sa likod ng school. Nung nasa tapat na ako ng nagbabantay doon sa may kubo, sinabi ko lang na may kakausapin ako. Nung nakita ko na nandoon na si Arianne,tinuro ko siya sa nagbabantay at sinabing sandali lang ang aming pag-uusap.

Pumasok ako sa kubo kung nasaan si Arianne. Nakita kong namumula ang kanyang mga mata at umiiyak siya.

Kinabahan agad ako. "Arianne bakit?" nag-aalala kong tanong.

"Thank you Summer sa pagdating. I'll get straight to the point. This is about Kiel" naiiyak na sagot ni Arianne.

Tumabi ako sa kanya. Nilapag ko ang bag ko sa tabi ko at kinuha ang panyo ko sa aking bulsa. Pinunasan ko ang kanyang luha.

Nanlamig ako sa sinabi niya. "What about Kiel?"

"Kilala mo si Millard diba?" tanong ni Arianne.

Tumango ako. Si Millard yung classmate ni Kiel at Arianne nung grade 7 kami. Ngayon, si Millard ay nasa 8-Jade na.

"S-Summer, nililigawan ako ni Millard." Nanghihinayang na sinabi ni Arianne.

Nag-alab ang aking puso sa galit. Diba sila ni Kiel?

Nagawa niyang pagtaksilan yung taong walang ginawa kundi mahalin siya.

Yung taong mahal ko at hindi ako magawang mahalin dahil lang si Arianne ang mahal niya.

Lumayo ako kay Arianne.

"Bakit hindi mo nirespeto si Kiel? Alam mo ba Arianne,ikaw ang mahal niya? The only thing he cares about is you! Tapos nagawa mo siyang lokohin? Bakit mo pa siya sinagot kung magpapaligaw ka lang naman din pala sa iba? Anong meron kay Millard na wala kay Kiel? Ha?" tumaas ang boses ko kay Arianne. Buti na lang at wala ang nagbabantay.

Umiling si Arianne. "I'm sorry! Alam kong marami akong pagkukulang kay Kiel! Kaya nga ikaw ang una kong sinabihan dahil alam ko na mahal mo si Kiel. I can see it in your eyes! And there's this bond na meron kayo ni Kiel. And Kiel, yes Kiel! Kiel deserves someone like you."

Tumulo ang luha ko sa mga sinabi ni Arianne. "Oo Arianne,mahal ko si Kiel, pero kahit kelan hindi ko siya pagtataksilan. Oo gusto ko maging kami ni Kiel, but I never crossed the line. May narinig ka bang balita na inagaw ko sayo si Kiel? Na naging kami ni Kiel? Wala diba? Kasi kontento na ako sa kung anong meron kami ni Kiel!"

"At ikaw Arianne,hindi ka ba marunong makuntento?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nagsalita. Sa likod ng kubo nandoon si Kiel nakapamulsa.

Nilingon siya ni Arianne. Nagsimula na namang umiyak si Arianne. "Kiel I'm sorry!"

Tinignan ko lang sila. Bumaba si Arianne sa kubo at nilapitan niya si Kiel. Niyakap niya ito. "I'm sorry. I really am!"

Tinignan ako ni Kiel. Blanko ang kanyang expresyon. Bahagya niyang tinulak si Arianne palayo sa kanya.

"Don't you ever call me Kiel." Malamig na sabi ni Kiel kay Arianne. "Kaya ba nung bakasyon ay humingi ka ng space sa akin? You need time to think kung sino ang pipiliin mo sa amin ni Millard? And bullshit Arianne! Kaibigan ko pa talaga! Kaya pala medyo naging malamig na ang turing mo sa akin? Fuck! Nagsisi akong minahal kita bullshit!"

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now