Chapter 11

17 1 0
                                    

May nasabi na naman ata akong mali? Napansin kong kanina niya pa naubos yung burger niya. Ubusin ko na nga tong fries ko para makapaglakad-lakad na ako. Pero, hindi ako pwede umalis ng galit sa akin si Kiel.

Nagi-guilty tuloy ako. Wala kasing preno tong bibig ko eh. I know I have to say sorry.

Sinubo ko na yung huling fries na nasa plato ko at inubos ko na rin ang milktea. Bahala na.

Tinignan ko si Kiel na ngayon ay tulala sa isa pa niyang bote ng tanduay na hindi pa niya nababawasan.

"Kiel, I'm sorry." Panimula ko. "Ano,syempre, concern ako sayo kasi,uhm, kaibigan kita. There's no doubt about that."

Tinignan niya ako gamit ang kanyang mga mapupungay na mata.

"Okay lang. Tsaka hindi ko naman matanong si Arianne ng mga ganyang bagay. Basta mahal naming ang isa't isa, ok na."

Ah. Edi sige kayo na nagmamahalan!

Lumabas si Kiel sa kubo dala ang tanduay ice niya. Sinundan ko siya papunta sa garden. Hmm, maglalakad rin siguro siya?

"Ano ba kasi nangyari at bakit kayo cool-off ni Arianne?"

Uminom siya sa kanyang tanduay. "Nothing happened. She asked me to give her some space. So I gave her what she wanted."

"As in wala talaga Kiel? Parang imposible naman ata iyon?"

Tumango si Kiel. "It's not impossible. Nagawa nga niya diba? One day, Arianne just approached me, and she says that she needs space."

Buti naman at nakalimutan na niya ang tungkol sa letter na binaon ko sa sand.

"Sayang naman. Ilang months pa lang kayo tapos ganito na nangyari." Nanghihinayang kong sagot.

Tumango lamang si Kiel. "Oo nga eh. It's been two months."

Nasa bridge na kami. May mga tao pa naman doon kahit paano kaya dire-diretso ang lakad namin.

Inubos na ni Kiel yung tanduay niya. Nung nakalagpas na kami sa bridge,nahiga siya sa damuhan. Tinignan ko lang at ngumisi.

Tinapik niya ang kanyang tabi. Ano, gusto niya akong humiga sa kanyang tabi?

Tumawa siya. "Come on! Wag ka na mahiya!"

Umupo ako sa tabi niya at inayos muna ang aking dress bago tuluyang mahiga. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana'y nag shorts na lang ako.

Nung nakahiga na kami pareho, nagkatitigan kami. It's like were memorizing each other's features... Umiwas agad ako ng tingin at tumingin na lang ako sa langit. Ang daming stars!

"Ang ganda noh?" giit ko. Hindi ko inaalis ang aking tingin sa kalangitan. Kita ko ang orion's belt constellation.

"Oo nga eh ang ganda!" sabi ni Kiel. For Pete's sake! Nakatingin siya sa akin!

"Don't get me wrong Summer! Maganda ka naman talaga!" Tumawa siya at tumingin na rin sa langit. Ganon din ang ginawa ko.

"Magtanungan tayo Summer." Aya ni Kiel.

Tumango ako. "Sige Kiel ako muna. Lasing ka na ba?"

Tumawa lamang siya. "Hindi! Ako naman!"

Tumango ako. Sa gilid ng aking paningin alam kong nakangiti siya.

"Bakit ako Summer? Bakit sa lahat ng lalaki na pwede mong mahalin, bakit ako?"

There's no point of denying it now. Alam ko na balang araw ay itatanong niya rin sa akin yan. And I guess that day is tonight.

"Baka kasi naisip mo nung una kitang nakilala mahal na kita or may gusto na ako agad sayo. No! Actually because of the simply gestures you showed me. Like I said, pinaramdam mo. Ako naman ito. Nag-assume kaagad. Which is wrong. Very wrong. We create our own heartbreaks through expectations. At saka..."

I laughed to make it sound normal. Lalo na tuwing naiisip ko yung nangyari noon kinakilabutan ako.

"At tsaka?" curious na tanong ni Kiel.

"Remember when we shook hands? First day of school? Nung nahawakan ko yung kamay mo, I felt something. Parang kuryente kaya napabitaw agad ako." Natatawa kong sabi.

Tumawa siya onti kaya napalingon ako sa kanya. "Naramdaman mo rin pala iyon Summer?"

Tumango ako at ngumiti.

Tinignan niya ako. "Ako rin! Though it felt weird. Di ko yun naramdaman nung nagshake hands kami ni Arianne."

"Oo nga eh weird. But you know Kiel, if you lost someone, it means that someone needed him more than you did." Sabi ko.

Kumislap ang kanyang mga mata dahil sa soft light na bigay ng mga bituin.

"Ako naman magtatanong?"

Tumango siya bilang sagot at sabay naming ibinalik ang aming paningin sa langit.

"Kiel, bakit si Arianne?"

Sa gilid ng paningin ko napansin kong nagkibit-balikat lang siya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kasi baka madistract lang ako sa kagwapuhan niya.

"To be honest, I don't really know! Arianne's great, she's funny, has sense of humor, fun to be with, maganda. She's not like you, She's not that smart kaya sa school niya ginagawa mga assignments niya. She gets me you know?"

Sheezz, nanliit ako bigla. Arianne gets him? She's not like me she's not that smart just like me. I can live with that.

"But love needs no reason to be true." Aniya.

Marunong rin pa lang humugot ang isang toh ha?

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now