Chapter 21

13 1 0
                                    


Mabilis na kumalat ang balita. Siguro maraming nakarinig sa sigaw ni Kiel noon.

Alam na rin ng karamihan na break na sila Kiel at Arianne. Marami na ring may alam na nililigawan ni Millard si Arianne.

Kapag tinatanong kami ni Kiel kung ano ba talaga ang tunay na nangyari ay idi-deny namin iyon at sasabihing wala kaming alam.

Ilang buwan rin kaming hindi nagpapansinan ni Kiel kahit magkatabi pa rin kami ng upuan. Kung ano kasi ang upuan mo nung first day ay yun ang upuan mo hanggang sa 2nd grading.

Nung una ayaw ko talaga muna magpakita sa school kasi may kumakalat rin na chismis na inagaw ko si Kiel kay Arianne at napilitan lang din na magpaubaya si Arianne. Pero naisip ko yung grades ko at ang aking reputation pagdating sa acads.

Hindi na rin ako masyadong nakikihalubilo sa mga classmates ko. I just find it so hard! Si Kiel rin ganon ang ginagawa, hindi na siya masyado nakikisama sa mga barkada niya. Minsan after class ay umuuwi na rin siya.

But... Everything changed.

Nung dumating ang results noong sa first grading period ay nakapasok ako sa overall honors. Ako pa rin ang pang-una. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.

Bumaba si Kiel sa acads. Lalo na sa Araling Panlipunan. Halatang malungkot siya dahil sa nangyari pero hindi niya pinapahalata.

Gusto ko na bumalik sa dati. Gusto ko na bumalik yung dating pakikitungo ni Kiel sa akin.

Nung nakarating na ako sa school, tinap ko yung ID ko para makapag-login. Ganito kasi ang pag-check ng attendance dito.

Bumuntong-hininga ako bago ako pumasok sa room. Bukas na ang ilaw at alam kong nasa loob na si Kiel. Maaga kasi lagi siya pumapasok. Buo na ang desisyon ko sa gagawin ko.

Pinihit ko ang doorknob at mabilis na naglakad papunta sa aking upuan. Nilapag ko ang aking bag sa sahig. Kinuha ko ang libro ko sa math at AP. Kinuha ko rin yung solusyon notebook ko sa math,mismong math notebook, at notebook sa AP. Tulala pa rin si Kiel.

Tinapik ko sa balikat si Kiel. Nilingon niya ako at nagulat.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Umupo siya ng maayos. "Wala. Nandito ka na pala. Hindi ko napansin."

"Well you were too busy with your thoughts." Sarkastikong sagot.

Kinuha ko yung ballpen ko sa bulsa.

"What's with the books?" tanong ni Kiel.

"Tuturuan kita sa mga subject na nahihirapan ka. Napansin kong madalas kang nanga-ngamote sa math at AP kaya dito tayo magfo-focus."

Tumaas ang kanyang kilay at kinuha na niya sa kanyang bag ang notebook sa at AP.

"I'm so sorry the way I behaved the last two months." Singit ni Kiel.

Umiwas ako ng tingin. "I-It's nothing. What's done is done. Let Arianne be."

Tumango si Kiel. "So let's start?" tanong niya.

"Sure. Okay sa AP tayo. Malapit na mag 2nd periodical kaya kailangan mo mag-aral ng maigi. And I will help you para hindi ka masyado mahirapan."

"How about you?"

"I'll be fine." Sabi ko.

Sinumulan ko ang pag-eexplain sa kanya tungkol sa Sinaunang Rome.

In-explain ko sa kanya na ang Italy ay galing sa salitang "italus" na ngangahulugang bota. Kasi may hugis itong bota.

"Ano ang republik-" tanong ko pero bigla akong pinutol ni Kiel

"isang gobyerno kung saan ang mga mamayanan ay may karapatang bumoto at maghalal ng mga opisyal. Nagmula sa mga patrician ang mga naging pinuno nito kasi tinaboy ng mga Romano ang kanilang haring Etruscan. Ang mga patrician ay mga mayayamang may-ari ng lupa."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang naging sagot. "Marunong ka na man pala eh!"

"May alam naman talaga ako Summer, bumaba lang naman siguro ako dahil sa nangyari. Tsaka na-explain na sa atin yan ni Ma'am Jadg."

May point siya.

"Okay last question. Sino si Julius Caesar?"

"Si Caesar ay isang mahusay na pinuno sa larangan ng digmaan at sa larangan ng pamamahala. Diktador siya pero pinatawad niya ang kanyang mga kaaway." Walang gana niyang sinabi.

"Okay. You got me!" Natatawa kong sabi. "Ano ba ang gusto mong reviewhin natin?"

"Yung mga ituturo pa lang. Like,advance study?"

Lumunok ako. "Matalino ka naman pala. Bakit ka bumaba noong first grading?"

"Dahil sa nga sa nangyari. And because you kept avoiding me. Hindi na tayo nagpapansinan simula nung nangyari. I'm used to talking to you. And then bigla na lang mawawala yung communication natin just because of some stupid girl!" natatawang sabi ni Kiel.

Kumunot ang noo ko. "Arianne's not just 'some' girl. She's your ex!"

"Yeah and the hell I care!"

"Nakamove-on ka na ba?" May ilang classmates na kaming pumasok sa loob at medyo marami na kami. Pero buti na lang at may kanya-kanya silang ginagawa.

Nagkibit-balikat siya. "Maybe. Pero parang naging manhid na lang yung buong sistema ko. I forgot about Arianne."

Bumuntong Hininga ako.

"Pero nung nakipag-usap ka ulit sa akin ngayon. Parang lahat ng pinag-aralan natin ay bumalik lahat sa utak ko." Seryosong sabi ni Kiel.

"Okay. I'll leave you to your thoughts then. Kung gusto mong magpaturo or mag-advance study,just approach me."

Tumayo ako at kinuha sa bag ang susi ng locker ko. Pagkalingon ko,nakita kong nakatayo si Kiel at dala ang aking mga libro.

"Tutulungan na kita. "

And he didn't even asked for my opinion! Pero kailangan pa ba nun?

Lumabas na siya kaya sinundan ko siya tulala pa rin. At dahil wala ako sa sarili ko, hindi ko namalayang sarado yung pinto nung lumabas si Kiel kaya nauntog ako doon

"Aray! Ang sakit puta!" Hinawakan ko yung ulo ko at hinilot ito.

Bumalik si Kiel sa loob. "What happened?" nataranta siya nung nakita niya akong ganon.

"Yieee! Oy Kiel nasa school kayo!" natatawang sabi ni Seth.

"Yiee!" Inaasar na rin kami ng iba naming classmates.

Nairita si Kiel "tss. Anong nangyari Summer?" Hinawakan niya ang parte ng aking noo na nauntog.

"Nauntog ako eh!" nahihiya kong sabi.

Tumawa si Kiel. "Hindi mo kasi tinigtignan yung dinadaan mo!"

"Sorry po!" sarkastiko kong utas.

Hinalikan ni Kiel yung parte ng noo ko na nauntog.

"Yan na gagaling na yan."

Nanlamig ako sa ginawa niya. Summer, wag ka na naman umasa ha! Hindi porket wala na sila ni Arianne ay may pag-asa ka na! Baka pinapaasa ka na naman niyang Olimberio na yan.

Naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko iyon at lumabas na kami sa room para makapunta sa locker ko.

Damn it Kiel Olimberio!

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now