Chapter 27

9 1 0
                                    


"O! Yan na..." hinagis ko kila Miguel ang fully answered worksheets ko.

"Bat ganyan suot mo?" tawa ni Miguel.

Kakapasok ko lang sa room na naka-assign sa amin. Nagpaalam ako kay mommy kung pwede ako ang mag-drive papunta sa school para ma-experience ko naman ang buhay na maging driver ng sarili kong kotse.

"It's none of your business." Sipat ko kay Miguel.

"Nasagutan mo lahat yan?" gulat na tanong ni Alexis.

Hinagis ko rin sa kanila ang MSA books at kumon worksheets ko. "Nandiyan lahat ng sagot. Solusyunan niyo na lang kung paano ko nasagutan."

Pinag-agawan nilang dalawa ang worksheet ko. Hays boys.

Pumasok si Kiel sa loob room. He's wearing denim pants and a maroon v-neck shirt with matching top sider shoes.

"Sasayaw ka ganyan suot mo?" giit ko.

Pinasadahn niya ako ng tingin. "Yung jogging pants ko at rubber shoes nasa locker. Eh ikaw bat ganyan suot mo?"

Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot. "Wala. Nakita mo naman yung walk-in closet ko diba? Walang jeans? So ano gusto magg-gown ako?" sarkastiko kong tanong.

Ngumisi si Kiel. "Ayan ang suot mo nung first day of school nung grade 7."

Tumango ako at binalewala ang kanyang komento. Nakita kong hinagis ni Miguel ang isa kong MSA book kay Kiel. Binasa ito ni Kiel at umupo sa upuang nasa tabi ko.

Kinuha ko sa bag ko ang aking whiteboard marker at inagaw kay Kiel ang aking MSA book. "Akin na."

Pumuwesto ako sa harap at may sinulat sa whiteboard. Hinarap ko ang tatlong mokong na ngayon ay masuri akong tinitignan.

"Makinig kayo." Maldita kong sabi. I need to look and sound serious kundi ay this boys would not take me seriously.

"Dala mo ang kotse mo diba?" ani Kiel

Nagtaas ako ng kilay. "Oo bakit?"

"Woah! Pinayagan ka?" Manghang tanong ni Miguel.

Tumango ako.

Nagtaas ng kamay si Alexis. "Ako ang sasabay sayo mamaya."

"No way dude! Ako sasabay! Gusto ko ma-experience driving skills ni Sums!" Depensa naman ni Miguel.

"Walang sasabay sa inyo!" ani Kiel. "Sa akin kayo sasabay mamaya. Let her drive in peace."

Natahimik kaming tatlo. Bakit ayaw ni Kiel na may sumbay sa akin mamaya?

Umirap ako at lumapit kay Miguel at Alexis para kunin ang aking worksheets at ibang MSA books. Pumunta ulit ako sa harapan.

I crossed my arms. Maldita slash Masungit mode on. They should take me seriously.

"Humarap kayo dito." Sabi ko. "Makining rin kayo kung pwede lang."

Pinakita ko sa kanila ang aking math notebook at MTAP worksheets. "Tuturuan ko kayo kung paano toh i-solve. Ako na magsasagot sa araw-araw na worksheets. Ituturo ko na lang sa inyo kung paano."

Tumango na lang sila Alexis. Buti naman at naintindihan rin nila kahit papaano. I'm making them a deal here.

Sinumulan ko ang pagsusulat sa whiteboard. Nagturo na rin ako just like a real math teacher. Masuri akong tinitignan ni Kiel. It's like he's admiring my teaching skills. Sanay na ako. Kahit si ma'am Jadg na teacher namin sa AP ay china-challenge ako.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now