Chapter 5

17 1 0
                                    

Tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Bakit ganito ang epekto mo sa akin Kiel? Binitiwan niya ang baba ko at hinarap ako ng maayos. Ininom ko ang tubig na hawak ko at umayos sa pagtayo.

"What do you want Kiel?"

"I just wanted to say sorry." aniya. "Sorry Summer kasi after ng ilang months malalaman mo na lang na may girlfriend na ako."

Umiling ako. "Ano yung sabi mo kanina? Sorry kasi hindi mo ako kayang mahalin pabalik,Kiel?"

Nakatingin lang sa akin si Kiel. Hindi niya ako sinagot kaya ipagpapatuloy ko na lang yung mga gusto kong sabihin sa kanya.

"Sorry rin." panimula ko. "Sorry kasi nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin pabalik. Sorry kasi umasa ako. Sorry kasi nagpaka-tanga ako. Ano nga ba ako sayo? You're famous,gwapo,mga babae nagkakandarapa sayo. Eh ako? Anong laban ko kay Arianne, Kiel?!"

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Habang siya tinignan lang ako. Nagpunas siya ng luha niya.

"Akala ko ikaw na Kiel." pagpapatuloy ko. "Kasi nung una tayong nagkakilala nung first day ayaw mo ako paalisin sa 7-topaz."

Minsan,naiisip ko kung nasasaktan ba ang isang tulad niya. Kasi ako sobra sobra. Nakita kong may luha na lumandas sa mukha niya. Pinunasan niya iyon. Hahayaan ko muna siyang magsalita ngayon.

"Si Arianne." panimula ni Kiel. "Siya yung nandiyan nung umalis ka sa tabi ko. Siya yung napagku-kwentuhan ko ng problema. And minsan sumagi sa isip ko na sana si Summer yung nandito ngayon. Si Summer sana yung kausap ko ngayon."

Tinignan ko siya ng matalim.

"So ano tingin mo sa akin Kiel? Laruan? Laruan na kapag pinagsawaan mo na,ilalagay mo sa isang tabi tsaka ka hahanap ng bagong kapalit? Ganon ba Kiel?"

Umiling siya. "I'm sory if I made you feel that way."

Shit! Ang gulo! Ganon ba ako kadaling palitan?

"At syempre nafall ka kay Arianne? Ganon naman halos lahat ng love stories eh. May nakasama lang na iba,yun na kaagad ang mahal? At bakit nga ba hindi ako naniniwala sa mga chismis na may gusto ka kay Arianne? Na may relasyon na kayo ni Arianne Ramos? At sa mismong birthday mo pa,nalaman ko na may something na kayo ni Arianne?"

Wala pa ring tigil yung luha ko. Wala na akong pakialam kung masira yung make-up ko dito sa paguusap namin.

It's true. Kilala si Kiel sa school namin kasi napanalo niya ang mga cluster meet sa table tennis. Varsity rin siya.

Totoo ring may kumakalat na chismis na may gusto si Kiel kay Arianne,naka-abot nga ito sa mga grade 9 students. Ewan ko kung may nagkaka-gusto rin sa kanya sa higher levels. Ipapaputol ko darili ko kung wala.

"At hindi ko magawang maniwala Kiel!" bigo kong utas sa kanya.

"Kasi pinaramdam mo sa akin! Pinaramdam mo sa akin na may gusto ka sa akin alam mo yun? Pinaramdam mo na that I deserve to be loved!"

"Kaya kung magso-sorry ka Kiel. You are forgiven. Mahal kita kaya madali kitang mapatawad. Kasi someday,I believe,na may mas makakahigit pa sayo."

Nakatingin lang siya sa kin. I hope I made him speechless.

"I'm Sorry." Was all he can say.

Niyakap niya ako. To think na hanngang balikat niya lang ako,amoy ko yung mabango niyang amoy. Niyakap ko siya. Truly,Arianne is lucky to have Kiel beside her.

"So." sabi ni Kiel. "Are we good? Ayaw kong may alitan kami ng best friend ko?"

Tumango ako at pinunasan ang mga natitirang luha. "Yes. Were good."

"Nasaan nga pala si Arianne?" tanong ko. "Hindi ba kayo nakasama sa recog?"

Umiling siya, "Hindi eh. Nasa bahay nila si Arianne,may sakit."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Aray!"

"Gago ka ba Kiel?! May sakit yung girlfriend mo tapos nag-abala ka pang pumunta dito."

Nagsimula na kaming maglakad papuntang hagdanan pabalik sa Auditorium.

"Eh sa nagi-guilty ako." tawa niya.

"Sige akyat na ako. Salamat sa tubig Kiel." Binigay ko sa kanya yung 10 pesos ko kanina.

"Wag na! Recognition gift ko na yan sayo."

Nagkibit-balikat na lang ako at binalik sa bulsa yung 10 pesos ko.

"Puntahan mo si Arianne sa bahay nila ha? She needs you." nakangiti kong sambit.

Tumango siya. "Congrats nga pala. Ay wait."

Tumakbo siya sa sasakyan na dala niya at binuksan ang backseat nito. Tumakbo kaagad siya sa akin nung nakuha niya na yung ipinunta niya sa kotse.

Inabot niya sa akin ang isang plastic ng strawberries.

"Peace offering ko sayo yan! Ayaw kasi ni Arianne ng strawberries eh. Kinuha ko yan doon sa farm namin."

Kinuha ko ito at binuksan. Kumuha ako ng isa at tinikman iyon. Masarap.

"May farm kayo?"

Tumango siya, "Oo. Yun kasi ang negosyo namin."

"Salamat dito sa strawberries ha? Sige Akyat na ako Kiel." paalam ko.

"Sige una na rin ako." aniya.

Tumakbo na siya papunta sa sasakyan niya habang ako ay umakyat na.

Pagbukas ko ng pinto,nakita kong tapos na ang event at nagpi-picture na lang ang mga tao doon. Agad kong pinuntahan sila mom. Napansin kong may kausap si dad sa telepono. Nung nakita ako ni mom,agad niya akong niyakap.

"Oh my God! Summer! Saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong ni mommy

"Relax mom! Bumili lang po ako ng tubig at saka nakita ko po yung friend ko,binigyan niya pa nga ho ako ng strawberries oh!" Bumitaw ako sa yakap ni mom at ipinakita sa kanya sa plastic ng strawberries.

Bumuntong Hininga si mommy "okay."

Nakita kong binaba na ni dad ang phone at nilapitan na kami.

"Congrats again sweetheart!" naka-ngiting sabi ni dad sa akin.

"Thanks daddy!"

Bumaba na kami at sumakay sa sasakyan.

"Were just having a dinner at SM Bacoor sa Mary Grace's. Kung gusto niyo ring magshopping tayo at mamasyal okay lang din!" sabi ni daddy.

"I like the idea dad!" Excited kong sagot. Shopping sounds fun!

Bago ako pumasok sa sasakyan,nakita ko na nandoon pa rin ang Ford Ranger ni Kiel. Hindi pa rin siya umaalis?

Nakita ko rin na nakasandal siyasa pinto ng kotse niya,arms crossed at diretso ang tingin sa akin habang naka-ngisi.

Nag-smile ako sa kanya. Hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin.

So that's it huh? Just Friends....

"Honey,what's wrong?" tawag ni mommy. Kanina pa pala nila ako hinihintay na pumasok.

"Nothing mom." tawa ko at pumasok na sa backseat ng kotse.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now