Chapter 33

4 1 0
                                    


"Excited na ako!" tawa ko sa kay Kiel. Inaayos namin ang upuan namin in a form of the letter U. Ganon kasi ang sitting arrangement namin tuwing AP time. And ever since, lagi kami magkatabi ni Kiel. Kaya heto siya ngayon at inaayos ang upuan ko sa tabi niya.

"Bakit na naman?" tanong ni Kiel.

Umupo kami sa kanya-kanyang upuan nung tapos na niya itong ayusin.

"Syempre kasi next topic natin ay World War 1! Hay kung alam mo lang...." Nilabas ko sa aking bag ang long green folder at binuksan ito. Inside it were piles of yellow pad paper na naka-fastener. Puro graph iyon simula sa Humansim and Renaissance hanggang sa World War 2. Ipinakita ko iyon kay Kiel.

"I compiled all the ideas. Binago ko yung reviewer ko dati. I made it more specific and more informative. May mga isinulat ako dito na info na wala naman sa libro." Naka-ngiting utas ko.

Ginulo ni Kiel ang buhok ko at kinuha ang aking newly written na reviewer. "Ang swerte ng magiging mga ka-group mo Summer."

Inayos ko ang ginulo niyang buhok ko. And then I eyed him suspiciously. "Mga ka-grupo? What are you talking about Kiel?"

Tumawa siya at masinsinang binabasa ang aking reviewer. "Haven't you heard? Igo-group tayo ni Ma'am Jadg para sa reportings."

Okay na rin siguro yun. I let him read my reviewer for a while, with matching turo ko pa. Pero nung biglang bumukas ang pintuan,pinatong na niya sa table ko ang reviewer. We greeted Ma'am Jadg. But something caught my attention.

Walang dalang laptop si Ma'am Jadg.Ang hawak hawak niya lang ay large strips of bond paper na mukhang may nakasulat at tape. Nagkatinginan kami ni Kiel. We already know what will happen. It's Recitation time.

"Remain standing please." Sabi ni Ma'am Jadg habang shinu-shuffle niya ang large strips of short bond paper. "Siguro naman alam niyo na ang mangyayari dito... Okay! Recitation tayo. Lahat kayo may 10 buhay, tig-iisa. Kapag ipinakita ko sa inyo ang nakasulat dito sa papel, you will say something about him or it. Don't worry! Mga tao lang naman ito sa panahon ng Humanism at Renaisance. And other terms."

Yung iba sa mga classmates ko nag-chant ng 'Hala hindi ako nakapag-review'.

"Nag-review ka?" bulong ni Kiel

Nilingon ko siya. "No... Pero nagbasa ako. So no need to worry about. Eh ikaw?"

Suminghap siya. "Onti lang. Kung ano yung nabasa ko sa reviewer mo kanina yun lang alam ko."

"Okay start na tayo!" natatawang sabi ni Ma'am Jadg. Siguro nae-enjoy niya ang anticipation sa mga mukha ng classmates ko. I just smiled confidently.

Nagstart mag-flash si Ma'am ng papel kay Miguel na sa pagkakataong ito ay katabi ko. Kaya no doubt ay ako ang susunod. Nabasa ko ang nakasulat sa papel.

Martin Luther

Nilingon ako ni Miguel. Halatang kinakabahan pero naka-ngiti pa rin. I just smiled at him. Nilingon ulit ni Miguel si Ma'am Jadg. Ako naman nilingon si Kiel. Nakita kong nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Di ko alam kung kinakabahan ba siya. Mukha kasing hindi.

Unti-unting umiling si Miguel! Ibig sabihin hindi niya alam ang sagot? Binigyan siya ni ma'am ng disappointed look. Lumipat siya sa akin.

Sinagot ko ng complete and right answers si maam dahilan para hindi ako mami-nusan at maupo na lang.

Bagong papel ang pinakita ni Ma'am Jadg kay Kiel. May nakasulat roong: Niccolo Machiavelli.

Lumunok si Kiel at Umiling. "Hindi ko po alam."

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now