Chapter 9

13 1 0
                                    

No offense pero bulag naman talaga siya eh! And manhid din!

"Wala!" sigaw ko. Yung gwapo niyang mukha talaga! Nakaka-distract1 Seriously, umi-itim ba tong nilalang na toh?

Ni-head to foot niya ako at umiwas ng tingin.

Oo nga pala! Naka crop top lang ako at skater skirt! Hindi naman masyadong sexy yung suot ko ha?

Pinasadahan ko rin siya tingin. Yung katawan niya hindi pang grade 8! Kasi toned ito!

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niyang sobrang gwapo. Nakita kong nakatingin siya sa akin at naka-kagat labi. Wait, ganon ba ako katagal na nakatingin sa kanya? Ngumisi siya.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming tanong.

"Nagbabakasyon bakit?" maarte kong sagot.

Tumango siya. "Ganon din ako."

Iginala ko ang paningin ko para hanapin sila mom. Nakita kong nagje-jetski si dad while mom's enjoying the heat of the sun. Okay, so hindi pa naman nila ako hinahanap.

"Uhh, si Arianne?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin. "Wala. Cool off"

Ahh so may pag-asa na ba ako sayo Kiel? Wait, ano ba tong iniisip ko? Imbes na itanong ko kung anong nangyari at bakit sila cool-off ay tumango na lamang ako.

"Kelan ka dumating dito Kiel?"

"Ngayon lang. Ikaw?" tanong niya.

"Ngayon lang din,galling kami sa underground river."

Tumango lamang siya. "Okay. Mamaya pa ata kami pupunta doon."

"Sa Casa Fuerte kayo naka check in noh?" natatawa kong tanong.

Tumango siya. "How did you know. Nandoon ka ba? Doon rin ba kayo naka check in?"

I smiled and nodded. "Yup! I saw you kanina na bumaba sa shuttle service. Akala ko nga hindi ikaw. Akala ko namamalik-mata lang ako."

Napaisip ako. Kung ganon,magkasabay kaya kami ni Kiel sa eroplano? Pareho kaya ang flight namin? Destiny nga naman oh!

Sinoot niya na ang kanyang sunglasses. Ganon din ang ginawa ko.

"Sige,uhm,Kiel,una na ako." Nagsimula na akong maglakad palayo.

"Sandali lang." tawag ni Kiel at hinawakan niya ang aking kamay.

Sumunod siguro siya kaya niya nagawa iyon. Binitiwan niya agad ang aking kamay at hinarap ako ng maayos.

"Ano yung binaon mo sa sand?"

"Wala!" Pa-maldita kong sabi. "And it's none of your business!"

Napaawang ang kanyang bibig at kumunot ang kanyang noo sa sagot ko. You haven't seen thise side of me Kiel Olimberio.

"Eh ikaw? What happened to you and Arianne?"

Nagseryoso ang kanyang mukha. "Wala. And it's none of your business either." At naglakad na siya palayo.

Aba'y gago yun ah! Marunong rin pala mag-inarteang isang iyon?    

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now