Chapter 26

7 1 0
                                    


"And now for first place! Table tennis, singles, girls! Monteverde Summer Anne of Green Vipers!"

Tumayo ako nung tinawag ng emcee ang aking pangalan. Yes! I won first place! Napanalo ko ang tatlong laro. All thanks to Kiel!

"Wooooo! Go Summer!" sigaw sa malayo ni Kiel.

"Go Summer!" nakisigaw na rin si Alexis at Miguel!

Sinuot sa akin ng coach ang gold medal. Pumwesto ako sa gitna ng stage at kumaway. Marami ring nag-cheer para sa akin! Grabe hindi ko aakalain na maipapanalo ko ang ganitong laro! To think na wala pa akong masyadong karanasan!

Bumaba kaming mga nanalo. Nag-congrats sa akin ang 3rd at 2nd placer. Grade 10 sila pareho.

Nagsalita ulit ang emcee para awardan ang mga nanalo for table tennis girls. Doubles naman this time.

Ako rin ang first place sa doubles. Magkasama kami ni Franzine na aakyat kasi siya ang naging ka-double ko sa paglalaro.

Kaya nung narinig namin ang aming pangalan,naglakad ulit kami at sinuotan ng medal. Narinig ko na naman ang sigaw ng tatlo kong kaibigan. Pero mas rinig ko ang cheer ni Kiel.

Umakyat kami ni Franzine sa gitna ulit ng stage at kumaway. I should really get use to this.

Pagkatapos in-awardan din ang boys. Syempre 1st si Kiel. Both singles and doubles. 3rd naman si Christian at si Alexis naman ay 2nd. I really learned from the best.

"Woooo! Go Kiel!" sigaw ko.

Napalingon si Kiel sa akin at kumaway. Umiling na lang ako at tumawa.

Pagkatapos ng awarding,pumunta kami ni Alexis at Miguel kay ma'am Kristine. Siya kasi ang trainer namin for MTAP competition.

Technically,kaming apat nila Kiel ang sumama sa MTAP. Kaming apat lang din ang sumama sa buong grade 8. Pero nung nag-exam na para mapili kung sino ang makakasama sa division level, hindi nakasama si Kiel. Aniya'y nahirapan raw siya at ang dahilan lang daw ng kanyang pagsama ay dahil para kaming apat ng mag-tropa ay magkakasama tuwing Saturday sessions. Hindi daw niya habol ang mapasama sa division level.

Binigyan kami ni ma'am Kristine ng mga worksheets.

"Reviewhin niyo yan! Tulong-tulong kayo sa pagsagot... Hindi pwedeng si Summer lang ang magsasagot tapos kokopya kayo sa kanya!" sabi ni Ma'am Kristine.

Tumango kaming tatlo.

Niyaya kami ni Ma'am Kristine sa loob ng faculty. Aniya'y ie-explain niya ang mangyayari sa contest.

"Hindi kayo sasali sa cheerleading competition for intrams kasi pareho ang araw ng cheerleading at ang MTAP contest!"

Hindi pa kasi nare-recognize kung sinong team ang nanalo sa buong intrams. May magaganap pang cheerleading competition at doon papangalanan ang mananalo. Pero kung mga sports sa intrams ang pag-uusapan. Mas lamang kaming green vipers kasi nanalo ang volleyball at basketball players namin sa lahat ng game!

So that means? Makakasama si Kiel sa cheerleading! Sayang hindi ko siya mapapanood! Pero magiging excuse sa akin itong MTAP kasi ayaw ko at hindi ako sumasayaw!

"3pm to Four ang ating meeting. Simula bukas walang Classes kasi busy ang lahat ng teams sa pagpa-practice! Ibig sabihin pagpasok niyo ng 6am hanggang 3pm ay sasagutan niyo yang worksheets niyo. Sinabi ko na rin sa principal na ang isang room sa third floor ay gagamitin niyo,pwedeng buksan ang aircon pero bawal magpapasok ng hindi kasama sa MTAP. Ang mga grade 9 ay may sariling room din."

Na-excite kami nila Alexis sa narinig! We have our own room! Walang iistorbo sa amin!

Umubo ako ng kunwari. "Ma'am Kristine? Pwede po ba si Kiel sa loob ng room?"

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now