Chapter 17

14 1 0
                                    

Parang hindi ko muna kayang Makita siya.

Parang kelan lang since nung nagkita kayo sa Palawan Summer ha? Anong nangyari?

Ang dami kong naiisip.

Ano? Hihintayin ko ba munang makaalis yung sasakyan niya bago ako lumabas?

"Ma'am ano po problema? Baba na po kayo." Sabi ng driver sa akin habang sinisilip ako.

"Uhm,ano, mamaya na po manong. Hintayin ko lang pong umalis yung ranger na nasa harap. Tsaka po ako baba."

Tumango na lang ang driver at hinayaan ako sa kung anong gusto kong gawin. Sumilip ako sa bintana para bantayan yung Ranger kung kelan aalis.

I know it's weird that I don't want to see him.

Parang Kelan lang nung magkasama kami dati sa Palawan. We were so close that time! Tapos ngayon hindi ko kayang Makita siya.

I don't regret seeing him in Palawan. I would never regret the time I had with him in Palawan.

Pero bakit ngayon hindi ko siya magawang harapin? Diba kailangan ko siyang pasalamatan doon sa mga notes niya pati sa binili niyang watermelon shake para sa akin.

Siguro kasi gusto ko na sa susunod na Makita ko siya ay sa first day of school na?

I can't really describe what I'm feelling right now!

Napatigil ako sa pag-iisip nung Makita ko kung sino yung lumabas sa gate ng office.

She was there.

Arianne Ramos.

Holding hands with Kiel Olimberio.

Bati na sila? It's... Good.

It's actually a good feeling. Yung Makita mo yung taong mahal mo na Masaya. Kahit hindi naman ikaw yung dahilan kung bakit siya Masaya. Kung bakit siya ngumingiti. The important thing is that he's happy.

Nakita kong pinagbuksan siya ni Kiel ng pinto sa backseat para makaupo na si Arianne. May driver siguro. Pero I doubt na hindi marunong si Kiel mag-drive. Marunong ako pero hindi pa ako pinapayagan ni dad.

Hinayaan kong umalis ang mga luha sa aking mata.

After the time I spent with him sa Palawan, ito ang makikita ko?

I just sat there. Buti na lang at tinted ang kotse.

Nakita kong nilingon ni Kiel ang kotse ko na nakaparada lang sa Ranger niya. Nagkibit-balikat lang siya at pumasok na sa loob para tabihan si Arianne.

I hate him so much.

I really do.

But then again,

Love is when you run out of excuses for hating someone.

Oo, naubusan na akong mga rason para magalit kay Kiel. Kasi siguro nabulag na ako sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Which is wrong.

Hindi ako makpaniwala na nagmahal ako ng tao na may mahal na iba.

Umalis na yung Ranger ni Kiel. Mabuti naman para makalabas na ako.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha. I need to be presentable in front of the teachers. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas na.

Pumasok ako sa loob ng office. At nakita ko roon si Ma'am Subang.

"Oh Summer! Ano ginagawa mo dito?"

"Uhm,bibili lang po ako ng locker." Sabi ko. Kinuha ko yung 500 pesos sa wallet ko at binigay iyon kay Ma'am Subang.

"Ah sige. 400 na ang locker ha?"

Tumango ako. Kinuha ni Ma'am Subang yung 500 pesos.

"Naabutan mo ba si Kiel? Nandito rin iyon ngayon ngayon lang. Bumili rin siya ng locker."

Umiling ako. "Hindi po ma'am. Kararating ko lang din po. Bakit niyo po natanong?"

"Tinanong niya kasi ako kung nag-enroll ka na daw ba. Sabi ko sagot na naming ang tuition fee mo pero hindi ko binanggit na dito ka pa rin mag-aaral. Dito ka rin pa ba mag-aaral?"

Tumango ako. "Opo. Nasabi na po ni mommy kay Ma'am Dang."

Binigay sa akin ni Ma'am ang sukli kong 100 pesos. Nagsusulat pa siya ng resibo.

"May kasama po ba siya nung pumunta siya dito?" nagdududa kong tanong.

"Ay oo! Yung Ramos ba yun?"

Tumango na lamang ako. Okay lang yan Summer. Just... Try to calm down.

Binigay na sa akin ni Ma'am Subang yung resibo.

"Salamat po Ma'am!"

"Okay sige. Basta ngayong grade 8 ka na Summer, galingan mo! Para libre pa rin ang tuition mo!"

Bahagya akong tumawa at tumango. Lumabas na ako ng office.

Nung nakita ni Manong na nakalabas na ako ay ini-start niya kaagad ang engine ng kotse. Pumasok ako sa loob. Agad rin namang umalis ang kotse.

I need to rest. Malapit na ang pasukan and I shouldn't worry about lovelife. Marami pang pagkakataon para diyan. Right now, I need to study.

***

Nung nakarating ako sa bahay, kumain lang ako ng gabihan na niluto ni mommy para sa akin at umakyat na ako sa kwarto ko.

I cried my eyes out.

Umasa na naman ba ako?

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now