Chapter 16

10 1 0
                                    


I tied my hair in a bun para hindi ako mainitan habang nagbubuhat ng boxes na ilalagay sa truck.

2 days na ang nagdaan since we went to Palawan. And mom was true to her words. Hindi na ulit kami nagkaroon ng summer outings. It's actually okay for me. Nagkaroon ako ng maraming oras para mag-advance study.

Next week na ang pasukan kaya naglilipat na ako ng mga gamit sa bago kong bahay. Isang truck lang ang binaryan ni mommy para malipat sa PTC ang mga gamit ko. Nasa box lahat ng gamit ko,even my clothes.

The house was already fully furnished kaya wala ng problema. Ang mga malalaking bagay na lang na dadalhin doon ay ang aking bookshelves, my queen size bed, TV, and vanity drawer.

Marami ring kinuha si mommy na helpers para tulungan ako sa pagliligpit kapag nakarating na kami.

Ang sasakay lamang sa malaking truck ay ang driver at ang isang helper. Magdadala kami ng dalawang kotse papunta sa PTC. Ang Mazda 3 kasi namin ay iiwan na roon sa PTC para magamit ko as service papunta at pabalik sa school. Ang isa ay para kay mommy at daddy pabalik dito sa Antel.

I will miss my room. My window seat, especially my walk-in closet. Sana lang ay may walk-in closet ako doon.

"That's the last of it." Sabi ko sa helper na nagbuhat ng panghuling box ng mga damit ko.

I have exactly 56 boxes full of books. At ayaw ko isama iyon sa loob ng truck kasi baka magkaroon ng spine damage or anything. Nagalit nga sa akin si mommy dahil sa dahilan ko. Sealed naman daw lahat ng boxes kaya imposible daw na mabalibag iyon sa loob ng truck.

In the end pumayag ako na ilagay na lang lahat sa truck. I promised myself na kapag nakarating kami sa PTC, yun ang una kong bubuksan.

"Are you sure you're gonna be okay there sweetheart?" nag-aalalang tanong ni mommy.

Nandito na kami sa loob ng sasakyan. Naunang ng umalis ang truck dahil alam naman daw ng driver ang daan.

Tumango lamang ako. "Mom, I'm already in highschool. I'm sure I can handle myself. I know the rights and wrongs, I know how to commute, I know how to clean or to cook. You don't have to worry about me. And besides, bibisita naman kayo ni dad diba?"

Tumango si dad na nasa tabi lamang ni mommy. "Of course. Pero every month lang iyon. Ibigay mo sa driver ang mga house bills mo. Ibibigay niya sa amin iyon at kami na ang magbabayad. As for your allowance,10'500 per month. Wag mo ubusin yun sa pagsho-shopping mo Summer. Doon mo kukunin ang baon mo para sa school."

Tumango na lang ako sa sinabi ni daddy. Binayaran na nila mommy at daddy ang bahay ko ng buo kaya wala ng problema sa lupa. Mga bills na lang talaga. So I'm allowed to go shopping? Wag lang lagi? It's fine with me basta makapag-shop. Yun ang importante.

***

Naayos na lahat ng gamit ko by 3pm ng hapon. Umalis na rin ang lahat ng helpers at ang truck.

Tatlong kwarto ang meron sa taas. Ang pinili kong kwarto ay yung may balcony. Ang isang kwarto ay ginawa kong walk-in closet. Ang isa naman ay library.

Sinabi k okay mommy na tawagan ang CLS para makabili ako ng locker. Hindi kasi kasama iyon sa mga ginastos ng CLS sa akin.

"Bukas pa raw naman sila anak." Sabi ni mommy nung binaba niya ang telepono.

Tumango ako. "Okay po mom. Pupunta po ako doon baka maubusan pa po ako ng locker."

Kinuha na ni mommy ang kanyang hand bag na nakapatong sa dining table. "Are you sure you're gonna be fine here? Magpahatid ka sa driver kapag pupunta kang school mo."

Pupunta muna kasi sila sa Manila. Hayyss of course, business as usual.

Hinalikan ko siya sa pisngi bago siya lumabas ng bahay. "Of course mom. Bye ingat kayo ni dad!"

Nung nakaalis na ang kotse nila mommy,kinuha ko kaagad ang wallet ko sa kwarto. Hayyss maganda naman dito kahit papaano. Nag-aabang na sa kotse yung driver kaya hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit.

Ni-lock ko ang bahay at pumasok na sa loob ng kotse.

"Manong sa Cachapero po."

Tumango ang driver at nagsimula ng umalis ang sasakyan ko.

New house New life. At least malapit sa school diba? Saan kaya nakatira si Kiel? Panigurado sa isang private village din na malapit sa school. He can also afford this kind of house.

Gusto ko gumala kaya lang sabi ni dad ay wag ko daw ubusin yung pera ko. Binigay na nila sa akin yung 10'500 na allowance ko kanina.

Aayusin ko na lang muna siguro yung books ko. Some of them are not in order.

Nung nakarating na kami sa elementary building kung nasaan ang cashier or office ng school, I saw a familiar orange Ford Ranger. 

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now