Chapter 3

25 1 0
                                    

Yun na ang huling pag-uusap namin ni Kiel. Hindi na ulit siya nagparamdam. No sticky notes, no recess visitations, no Kiel.

Nakikita ko siya tuwing lunch sa canteen at nginingitian ko siya pero parang hindi niya ako nakikita. Isang mischievous smile lang ang pinapakita niya sa akin.

Something's up and I knew it.

Madalas niya na rin ako iniiwasan kapag nakakasalubong ko siya sa hallway.

Ito na ba yung sinasabi niya na someday, I'll know the reason why?

The answer came to me- in Araling Panlipunan time.

Nag-aayos ako ng visual aids para sa report ko. Pinili kong mag-isa na lang at huwag na pumili ng partner kasi magtuturuan lang kami kung sino ang gagawa nito niyan.

Tini-tape ko na yung huli kong cartolina sa board nang may kumatok sa pintuan. Pinirmi ko ang titig ko Doon, kasi, alam ko, na si Kiel iyon.

Bumukas iyon at nakita ko nga si Kiel. May dala siyang red ribbon na box. Hmm, cake siguro? Inabot niya ito kay Sir Cruz.

"Ay! Birthday mo?" Tanong ni Sir Cruz na may ngiti sa labi niya.

Tumango si Kiel.

Nagulat ako kaya tinignan ko yung relos ko at na kitang Jan.14 ang petsa!

Itinigil ko yung pagti-tape ko at umupo. Pumasok si Kiel sa room at nilapag sa teacher's table ang cake.
Laking gulat ko nang nakita nasa likod ni Kiel si Arianne.

Umiwas agad ako ng tingin. Paasa!

"Ay!" Tumili na naman yung teacher namin. "Kayo na?!"

Pati yung Mga classmates ko kinantsawan na sila, at hindi ako sumabay.

Hindi ko magawang ipagkanulo sa iba ang taong mahal ko at pinaramdam na mahal ako.

Matipid na Ngumiti si Kiel at marahang tumango.

"Ay!" Tili na naman ni Sir Cruz. "Mabuhay ang bagong mag-jowa!"

Nag-kantsawan na naman ang Mga classmates ko. Nakita kong nakayuko lang si Arianna at namumula.

Ako? Lumaki ang Mga mata ko sa gulat! Hindi. Hindi ito pwede! Parang kelan lang nung Binigay niya sa akin yung papemelroti na journal, nung tinawag niya akong 'my girl.'!

Nginisian ako ni Kiel dahil sa gulat kong reaction. The heck, Kiel?! Anong akala mo sa akin?!

"Sige na tsupi!" Natutuwang sabi ni Sir Cruz. "Magrereport pa si Summer oh!"

Mabilis kong hinanap ang cue card ko, at pag-angat ko ng tingin, inakbayan ni Kiel si Arianne papalabas ng room dahilan para kantsawan ulit sila.

Napatayo ako.... Nakita iyon ni Kiel kaya nag-smirk lang siya sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang dumaan siya sa glass windows ng room namin, kasabay nito, hinalikan niya si Arianne sa buhok.

Yung Mga ka-classmate kong babae kinikilig, yung iba naman na mag gusto ko kay Kiel ay  nabigo, kasi finally, nakahanap na si Kiel ng babaeng mamahalin niya. At Hindi sila iyon. Hindi ako iyon.

Yung Mga Lalaki ko na naman na classmates tuwang tuwa sa kaibigan nila kasi may shota na.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Onti-unti nang namumuo ang Mga luha sa mata ko.

"Summer" Tawag sa akin ni sir Cruz, "start your report." Tumango ako at lumapit na sa harapan.

Maayos kong nadeliver ang report ko sa Mga classmates ko na tahimik na nakikinig. Kaya pagkatapos kong mag-report, walang questions ang Mga kamag-aral ko tungkol sa topic, they gave me a round of applause, pati si Sir Cruz!

Hindi porket heartbroken ako dahil kay Kiel, hindi ko na gagawin ang best ko. Yung iba kasi, bigla na lang matutulala at mawawalan ng gana sa Mga gagawin nila.

Ginawa kong inspirasyon ang ginawa sa akin ni Kiel para matauhan ako na wala pala siyang kwenta at paasa siya.

Tumunog na ang bell at nagpaalam na si Sir Cruz. Kinuha niya sa teacher's table yung cake na bigay ni Kiel.

"Thank you Sir!" Sabi ko habang tinutupi ang cartolina.

"Thank you din. You did a great job." Sabi ni Sir at tinapik ako sa balikat.

Nung naglakad na si Sir Cruz palabas, Doon ko lang napansin na wala na ang classmates ko. Bumaba na sila sa canteen para mag-lunch. At day may baon ako, dito na lang ako kakain para tahimik at hindi crowded.

Lumabas muna ako para malagay ang notebook at libro ko sa AP sa locker.

Pagkabukas ko ng locker ko, nakita kong nakadikit yung sticky note na bigay sa akin ni Kiel. Inayos ko ng paglagay ang libro at notebook ko at tsaka tinanggap sa pagkakadikit sa pinto ng locket ang note.

Umupo ako sa bench na Malapit sa lockers. At hindi ko na napigilan! Umiyak na ako! May mga munang pumatak sa note na hawak ko pero wala na akong pakialam.

"Gago ka Kiel!" Pangiti-ngiti kong sabi sa sarili ko habang umiiyak pa din at hawak ang note. Para akong baliw dito, kinakausap ang sarili habang umiiyak na tumatawa!

"Sinungaling ka! Alam mo bang ikaw ang unang lalaking sinaktan ako?! Never pa akong nagmahal kasi sabi ko sa sarili ko, mahahanap ko rin yung lalaking para sa akin. I thought it was you Kiel. Pero nagkamali ako! Pinaramdam mo lang pala. Pinaramdam mo lang sa akin na mahal mo ako."

Pinunasan ko ang Mga luhang lumalandas sa mukha ko. Mga luhang para kay Kiel.

"May pa 'my girl' 'my girl' ka pang malalaman." Pagpapatuloy ko sa sarili ko. "May pa journal ka pa, may pa sticky note ka pa! Yun pala, sasaktan mo lang ako! Paasahin mo lang ako! Yun pala yung my girl mo hindi ako si Arianne!"

"Gwapo ka sana Kiel! Ang daming babae na nagkakagusto sayo, syempre kasama na ako dun obviously. Ang lalalim ng Mga mata mo, yung tipong malulunod ako kapag tumitig ako sayo ng matagal. Masculado din, halatang may abs!" Napangiti ako sa naiisip ko.

"Mayaman, table tennis player. You're every girls dream! Maputi, magulo buhok, pinadala ka ata ni Lord para saktan ako eh." Tumawa ako habang naiiyak pa rin.

"Salamat. Salamat Kiel kasi natutunan ko na kaya siguro ako nagmahal ng taong sasaktan lang ako para matuto ako na hindi lahat ng tao pwede mong mahalin at hindi lahat deserve mahalin."

Dinikit ko yung note sa pinto ng locker ko at pumasok sa room. Kinuha ko yung papemelroti na journal na bigay ni Kiel. Lagi ko kasing dala ito, for inspiration, alam niyo na mahal ko eh.

Lumabas ako at Nilagay ang journal sa locker.

"Tama na muna." Sabi ko sabay Sara sa locker. "Tsaka ko na isusulat yung story natin kapag may nangyari ng maganda. Kapag minahal mo na ako."

Pinadlock ko na ang locker ko at pumasok sa loob ng room para Kumain.

Habang kumakain, natigilan ako kasi may dumaan sa bintana na nagtatawanan. Nang nilingon ko kung sino yun, for Pete's sake! Its Kiel and Arianne! Give me a break!

Naka-akbay na naman si Kiel kay Arianne habang may kinukwento si Arianne. Dahilan para ngumisi si Kiel at halikan siya sa noo!

He used to do it to me before... Nag-expect ako. Nagpaka-tanga ako. Yun ang Mali ko.

Ano nga ba ako kumpara sa Mga babaeng nagkakandarapa kay Kiel?

Ano nga ba ang laban ko kay Arianne?

Ano nga ba ang role ko sa buhay ng isang Kiel Jose Olimberio?

I'm just an average nerd girl. And a shitty Introvert.

And then I thought:

"Ang swerte ni Arianne."

At bumalik na ako sa pagkain ko.





A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now