Chapter 24

9 1 0
                                    



Nung natapos ang dalawang exams namin ay bumaba muna kami nila Kiel sa canteen.

"Oy Kiel akala ko ba titignan natin yung teams sa intrams?" tanong ko. Gesturing at the bulletin board na dinaanan namin. Maraming students doon na nakatingin.

"Mamaya na gutom na ako eh."

Biglang tumabi sa akin si Alexis at inakbayan ako. "Sana magka-team tayong apat."

Inalis ni Kiel yung kamay ni Alexis na naka-akbay sa akin. "Bro! Hands off!"

Tumawa si Alexis. Si Kiel naman ngayon ang umakbay sa akin.

"Pabayaan mo na lang." bulong ko kay Alexis.

"Psh. Alright. Pero hindi pa naman kayo ah."

Tumango ako. "And never will be."

Oo mahal ko si Kiel pero may part sa akin na ayaw ko siyang magiging boyfriend. Okay na yung ganito. No labels. No certainties. Yun nga lang. Di namin alam kung friends ba kami or more than that.

Habang papunta kami sa canteen, nakita kong maraming nakatingin sa amin. Especially yung mga fans or admirers ni Kiel. Kasama ko rin kasi si Miguel at Alexis.

Of course yung tatlong lalaki na kasama ko ay heartthrobs. Mga nagga-gwapuhang kaibigan ko. Sila lang ang pinagsabihan namin ni Kiel ng mga nangyari. Ever since then kami na lagi ang magkasama. Silang tatlo ang kumu-kumpleto sa table tennis varsity team ng CLS.

Pumasok na kami sa canteen. Maraming bumati sa kila Kiel, Alexis, at Miguel. Mga kaibigan nila sa ibang section. Sheezz para akong outcast! Dumiretso na lang ako sa counter at tinignan ang mga pwedeng kainin. Parang may nakalimutan ako.

Tumabi sa akin si Kiel at hinawakan ang baywang ko. Shit! Ano ba toh?

"Hooo! Kiel Shota-in mo na!" sigaw nung isa.

Narinig ko ang mga singhap ng ilang babae na naka-upo at tinitignan kami.

Like duhh! Hindi ako shota type! I'm more than that! Hindi akong pangmadalian!

"Hindi siya shota type pre! Tsaka na! Hard to get eh!" sigaw ni Kiel.

Argh! Hanggang kelan ba niya ako aasarin ng ganito?

"What do you want for recess?" tanong ni Kiel.

Ngayon alam ko na kung ano yung nakalimutan ko.

"Hmmm. Wala hindi ako kakain. I left my fruits at my locker! Hays aakyat na naman ako."

"Ako na lang kukuha. Asan ang susi ng locker mo?"

Kinuha ko yung susi ko sa bulsa ng palda ko at ibinigay iyon sa kanya. "Yung buong lunch bag ha?"

Tumango si Kiel. "Sure thing!" at lumabas na siya sa canteen.

Umalis na ako sa counter at dumiretso na lang sa upuan na nakita nila Alexis. Tumabi ako sa kanya.

"So Summer. What's the real deal with you and Kiel?" tanong ni Alexis.

"Oo nga." Miguel butted in. "Naalala ko after that incident with Arianne,hindi kayo masyadong nakihalubilo sa amin."

I sighed. "Wala naman kami eh. We are note actually a 'thing'. We're just friends."

"Psh. Friends? Hinahayaan mo yung 'friend' mo na buhatin ka sa classroom tapos halikan ka sa cheeks just to shut you up?" Alexis said sarcastically.

"You let your friend hold your waist in public?" sabi naman ni Miguel.

"Hinahayaan mo yung kaibigan mo na angkinin ka kahit hindi naman talaga? Ako nga madalas ko naman hinahawakan yung balikat mo pero ngayon ko lang nakita na ganito umasta si Jose." Nag-aalalang utas ni Alexis.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now