Chapter 13

17 1 2
                                    


Nung nasa pinto na kami ng room ko wala akong magawa kundi magpaalam kahit gusto ko pa siyang makasama. Now I don't regret seeing him here at Palawan.

"Sige Kiel, Good night! Sana magka-ayos na kayo ni Arianne."

Tumango siya. "Salamat din! Good night!" At naglakad na siya sa kanilang room na dalawang kwarto lang ang pagitan sa amin.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng room namin. Nakita kong nanonood pa rin sila dad ng TV.

"Well you're happy?" giit ni mom

"Opo nandito rin po kasi yung friend ko."

"Sino?"

"Si Kiel Olimberio ho." Sabi ko habang kinukuha ang pangtulog ko sa maleta.

"Olimberio? Yung family ba niya ay yung may farm?"

Tumango ako. "Uh, opo! Siya po yung nagbigay ng strawberries sa akin nung recognition."

"Malaki ang business nila 'nak just like us. Sa kanila tayo kumukuha ng mga fruits and dairy products para sa bakery." Explain ni mom.

May lima kasi kaming branch ng bakery sa iba't ibang mall sa manila. Si mom ang naghahandle. May pinatayo rin kaming school sa Makati for highschool students. Public iyon dahil wala masyadong private school sa Makati.

Tumango na lamang ako at pumasok sa CR para magbihis. Ayaw ko malaman ng parents ko na may something kami ni Kiel. Well, I wouldn't call it something kasi sa aming dalawa, ako lang naman ang nagmamahal.

So doon pala kami kumukuha ng ingredients? Parang ang sarap tuloy mag fruit picking sa farm nila Kiel. Saan kaya iyon?

Pagkalabas ko ng CR tulog na sila mommy. Hindi pa ako inaantok kaya kinuha ko ang brush at dahan dahan kong sinuklay ang aking buhok.

Lumabas ako ng room at naupo sa isang upuan. May table kasi at mga upuan sa bawat room kasi dito ka kakain.

Ilang sandali lang ay may bumukas na pintuan. Nilingon ko kung anong room iyon at nakita ko siyang lumabas two doors away from me .

Ngayon ko lang naalala na nakalimutan ko siyang tanungin bago kami bumalik dito.

Lumapit ako sa kanya still brushing my hair. Kumunot ang kanyang noo nung nakita niya akong palapit, habang ako ay nginitian lang siya. Sanay na ako. He's that arrogant!

He's topless kaya kita ko na naman ang magandang hubog ng kanyang katawan. May hawak rin siyang mug. Maybe coffee? Curse his abs!

"Hi!" bati ko.

"What are you doing here?" aniya

"I came to ask my last question."

Tumango siya. "Go on."

Ngumiti ako. "Ano itsura nung farm niyo?"

"Of course malawak! We also have fruits and vegetables, but mostly fruits. We also have cows and goats. Tapos may factory kami kung saan ginagawa ang mga dairy products." Sabi ni Kiel. Sumimsim siya doon sa hawak niyang mug. "Can I ask you a question?"

Tumango ako. "Sure!"

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Tinatamad akong matulog at hindi pa ako inaantok." Walang gana kong sagot.

Tumawa siya at nilapag sa mesa ang hawak niyang mug. "Really Summer? Tinatamad matulog? First time ko marinig yang excuse na yan! Sino tatamarin matulog?"

Umirap ako. He's annoying me again! "Ako obviously." Maarte kong sagot. "Saan located ang farm niyo?"

"Akala ko ba last question na Summer?"

"Sagutin mo na Kiel! Curious ako eh."

Bumuntong hininga siya. I know he can't resist me. Wait! What I am thinking?

"Sa Pangasinan. Natividad Pangasinan to be specific. Do you want me to take you there sometime?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kiel Jose N. Olimberio, is asking to take me on a journey with him? No Freaking Way!

"S-Sure!"

Tumango siya. "Okay then, matulog ka na muna."

Walang gana akong tumango at naglakad na lang ulit ako pabalik sa room. Nakalimutan ko na tuloy mag-brush ng buhok!

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now