Chapter 29

24 1 8
                                    


"May scouting ba ngayon?" nanghihina kong tanong kay Miguel. Katabi ko siya ngayon, wala kasi iyong seatmate niya kaya lumipat ako sa tabi niya. Hindi na rin kami magkatabi ni Kiel dahil iba na ang seating arrangement dahil 3rd grading na.

Friday ngayon at meron kaming scouting. Para siyang C.A.T noon. Imbes na girl scouts,kaming highschool student girls ay boy scouts na rin.

Yumuko at pumikit. Kanina pa masama ang pakiramdam ko pagpasok. Pero dahil may karamihan ng quiz ay sa Friday tina-take ay hindi ko magawang umabsent.

"Meron syempre." Ani Miguel. "Kelan ba tayo nawalan ng scouting tuwing Friday? Eh kahit umuulan may scouting tayo."

I groaned... Ayoko muna umatend! Ang sama ng pakiramdam ko! Kaya lang hindi nagpapalabas ang school kapag may scouting para walang tumakas. Kaya wala akong choice.

Magpapaalam na lang muna ako kay Sir Cruz na absent muna ako sa scouting. Hindi ko talaga kaya. Magii-stay na lang muna ako sa clinic. Wala pa yung English teacher namin kaya iidlip muna ako.

"Migs,gisingin mo ako pag dumating na si Sir ha?" utas ko kay Miguel. Tumango lamang siya at nagbasa ulit.

Pinikit ko ang aking mga mata. Mas mabuti ng magkasakit kesa hindi makapag-exam at mag-habol sa teachers.

Naramdaman ko na may nagsuot ng jacket sa akin. I'm too tired to look kung sino man iyon. Pero sa boses pa lang kilala ko na.

"Bro Anong nangyari?" tanong niya kay Miguel.

"Masama pakiramdam bro. Kanina pa yan nanghihina." Sagot naman ni Miguel.

Hindi ko inangat ang ulo ko. Masyadong masakit ang ulo ko at nahihilo na rin ako. Naramdaman kong lumapit si Kiel sa akin.

"Summer ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako. "Ang sama ng pakiramdam ko. Sumasakit rin yung ulo ko at nahihilo ako."

"Aatend ka pa scouting?" aniya.

Umiling ako. "Hindi na muna. Magpapaalam na lang muna ako kay Sir Cruz tapos sa clinic ang magii-stay."

Lumayo siya sa akin. "Ako na magpapaalam para sayo."

Inangat ko ang ulo ko sa bigla. Hindi ko alam kung ano itsura ko.

"Wag na ako na..." Sabi ko.

Umiling naman si Kiel. "Ako na. Hindi rin ako aatend ng scouting kasi nagpa-injection ako kahapon. Hindi ako pwede magalawa masyado."

Well that's convincing... Tumango na lang ako at nagsimula na ulit umidlip. Inayos ni Kiel ang jacket na nakapatong sa likod at balikat ko.

"Bro. Patingin muna si Summer ha? Hahanapin ko lang muna sa Sir Cruz. Ipapaalam ko si Summer." Sabi ni Kiel kay Miguel.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan hudyat na nakalabas na si Kiel.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan.

***

"Summer... Sums,gising na."

Napaayos kaagad ako ng upo nung nakita ko si Kiel na nakaluhod sa gilid ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong room. Si Sir Fhern na ang naka-upo sa teacher's table. Yung iba kong ka-classmates naka neckerchief na at scouting uniform. Kami na lang ni Kiel ang naka PE.

Tinignan ko ang aking relos.

"Hindi nagturo si Sir Val?" nanghihina kong tanong kay Kiel.

Umiling lang siya. "One hour ka ng tulog,ginising kita kasi pinayagan ka ni Sir Cruz na wag muna umatend ng scouting. Dadalhin na kita sa clinic."

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now