Chapter 15

12 1 0
                                    


So it is Kiel! Kinikilig ako shit! May ididikit na naman ako sa locker! Tumakbo kaagad ako sa bar. Thankfully wala na sila mommy sa kubo.

Dumiretso kaagad ako sa claim area at nakita ko doon ang babaeng nag-abot ng order naming ni Kiel kagabi.

"Miss may binayaran po ba dito si Mr.Kiel Olimberio na watermelon shake?" Kabado kong tanong sa babae

"Hmm,oo. Miss Summer Monteverde?"

Tumango ako at ngumiti. "Opo!"

"Oo may binarayan nga siya. Sabi niya kapag kukunin mo na daw tsaka ko lang gagawin. Sandali lang gagawan na kita."

Umalis yung waiter para gawan ako ng watermelon shake. To be honest, I don't deserve to be treated like this by Kiel. I mean, she has Arianne. Ano, paaasahin na naman ba niya ako?

Tatawagan ko ba siya or itetext man lang para magpasalamat? Kaya lang wala akong number niya. Eh kung sa messenger kaya? Pero hindi ko pa siya ina-add friend tsaka baka nasa flight na rin iyon. Nagkibit-balikat na lang ako. Sa pasukan ko na lang siya pasasalamatan.

Inabot na sa akin nung babae yung watermelon shake. "Boyfriend mo ba yun ma'am?" tanong nung babae.

Gusto ko sabihin na SANA pero umiling na lang ako at ngumiti.

"Sayang naman po ma'am. Bagay pa naman kayo. Ang gwapo kaya ni Sir Kiel!"

Bahagya akong tumawa. "Oo nga po eh. Salamat po dito!"

Tumango ang babae at naglakad na ako papuntang room. Naroon sila mom sa labas para magbreakfast.

Umupo ako sa tabi ni dad. Mom eyed me suspiciously.

"What are you drinking?"

"It's just watermelon shake mom." Sabi ko.

Umiling lamang si mommy at umiwas ng tingin. Si daddy ay busy sa pagbabasa ng newspaper. Habang ako ay patuloy lang sa pagsimsim ng watermelon shake. Ang Sarap! I should really thank Kiel for this.

Nung dumating na ang aming breakfast,nagsimula na kaming kumain.

In-explain ni mom kung bakit wala daw munang next vacations after this. Ililipat na raw ang aking mga gamit sa bago kong bahay para kapag pasukan na hindi ko na kaliangang bumayahe ng malayo. Fully furnished na raw ang bahay at mga gamit ko na lang ang kulang. Private village naman ang PTC kaya hindi daw ako dapat matakot sa mga kidnappers,magnanakaw, and things such as like that. But still, I need to keep myself safe.

Bibisita naman daw sila mommy sa akin every month pero for the mean time, sa Bahay muna namin sa Manila sila titira para maayos daw ang pagha-handle ng business. Anila'y pauuwin muna ang mga katulong. Wala akong problema doon kasi marunong naman ako sa mga gawaing bahay.

Ang Mazda 3 namin ang ipapark sa bahay ko sa PTC para gamiting service ko. May driver naman daw kami na nakatira sa PTC kaya pupuntahan na lang daw niya ako sa bahay.

I just kept nodding until breakfast was done. Wala akong karapatang sumuway kay mommy and daddy kasi sila ang nagpalaki sa akin.

Pumasok na kami sa loob para mag-ayos ng gamit bago mag check-out.

Nung paalis na kami,hawak ko lang iyong phone at note ni Kiel sa akin habang ang headphones ko ay nakasabit sa aking leeg.

Dumating na ang shuttle service na maghahatid sa amin sa airport. Naunang pumasok sila daddy. Tinulungan naman ako ng isang helper sa pagdala ng aking gamit.

Pagkapasok ko, nakalahad sa akin ang kamay ng driver. May inaabot siya na pink na papel, again, it's folded in half.

"Ma'am Summer Monteverde po?" Tanong ng driver.

Tumango ako. "Yes po bakit?"

"May nagpapabigay po."

Kinuha ko sa driver ang papel at nagpasalamat.

Umupo ako at binasa ang note na panigurado ay galling na naman kay Kiel.

Watermelon Shake tastes good right?

Have a safe trip.

Kiel

He made me smile again for the nth time.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now