Chapter 34

5 1 0
                                    



Ngayon ang third day namin ng reporting sa History. Which means kaming dalawa ni Kiel ang magrereport. Recess ngayon at naka-upo kami ni Kiel sa Cafeteria. Umiinom siya ng zesto habang ako naman ay kumakain ng ice cream.

"Nakapag-research ka ba?" tanong ko.

"Syempre... Hindi!" tawa niya.

"Wag ka tumawa!" sigaw ko. "Hindi nakakatuwa! Alam mong magrereport ka tapos di ka gumawa man lang ng teaching aids or nag-research?"

Humigop siya doon sa hawak niyang zesto "Well, I was hoping you could help me?"

I rolled my eyes at him. "Yeah, sure!" Saractic kong utas. "Mamaya sa lunch. Bago mag AP time. Sa library tayo."

Sabay rin kaming umakyat ni Kiel pabalik sa room. Kinuwento ko rin sa kanya ang mga nalalaman ko tungkol sa report niya. Buti naman masinsinan siyang nakikinig.

***

Kinuha ko ang folder ko na puro yellow paper, libro, notebook, pink highlighter at syempre ballpen.

"Ready to go?" Kinuha niya sa akin ang mga dadalhin kong gamit.

Tumango ako. "You better listen Kiel! I'll be doing my best here. And so should you. Aim for the stars."

"Yes Ma'am!" nakangiti niya utas.

***

Marami-rami rin akong nakitang libro na may kinalaman sa World War 1 at sa History ng mundo. May gusto pa akong makuha na isa pang libro na sobrang helpful. Pero, langhiya! Ang taas ng shelf! At sobra akong nahiya dahil 5'1 lang ang height ko.

Frustrated na ako kaya umapak na ako sa bookshelf. Onti na lang. Pero nung malapit ko na maabot, nakita kong ang pamilyar na right arm na may black rolex watch. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang inaabot ang librong gusto kong makuha. Nanatili siyang nakatingin sa akin kahit ibinigay na niya ang libro.

Ngumiti ako. "Thank You!"

Naglakad kami papunta sa mga computers para mag-research. Nag-scan kami roon ang kung saan-saang website kami napunta. Nasa tabi ko lamang si Kiel na nakatingin sa screen habang ako ay nagsusulat. Bigla niya akong kinalabit.

"Hmm? Bakit?" I looked at him, confused.

Ngumiti siya at tinuro ang screen. "Read it."

Sabay namin iyon binasa ng medyo may kalakasan at sumigaw ng:

"STORMTROOPERS!"

Tumawa kami dahil may nabasa kami na stormtroopers! Mahilig kasi ako sa Star Wars at siguro siya rin kaya natuwa kami nung nalaman namin na may stormtroopers rin pala noong Battle of Caporetto. Naramdaman kong nilagay ni Kiel ang kanyang kamay sa likod ng aking upuan at nginitian ako. I smiled back.

Shinutdown ko ang computer at bumalik sa pagbabasa ng libro. May nakita rin akong mga infos roon na mas makatotohanan.

Naramdaman kong nakatingin sa akin si Kiel kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

Umiling si Kiel. "Wala. I was just wondering, may nanliligaw ba sayo?"

Halos mahagis ko yung libro na binabasa ko dahil sa tanong niya.

"Sino naman manliligaw sa akin? Wala noh! Hindi ko sila ine-entertain."

"Bakit hindi?" curious niyang tanong.

"Kasi wala naman akong dapat i-entertain. Wala naman akong close na lalaki. Wala ring nanligaw,nanliligaw at manliligaw sa akin. Kayo lang tatlo ni Alexis at Miguel. At saka wala naman nagkakagusto sa akin, so why bother?"

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now