Chapter 14

14 0 0
                                    


Pagkagising ko,dumiretso kaagad ako sa CR para maligo. Although 12pm pa naman ang check-out namin sa hotel,gusto ko muna maglakad lakad sa garden dahil medyo makulimlim naman ang panahon.

I wore a longsleeves crop top, high waist shorts and boots. Naglagay na rin ako ng mascara at lip gloss para mamaya bago mag check-out ay wala na akong gagawin.

Pagkalabas ko sa room,nakita kong nagu-usap sila mom and dad sa isang kubo. Kumaway ako pero hindi nila ako napansin. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Naglakad ako papunta sa room ni Kiel at nakita kong bukas iyon. Pumasok ako at nagulat sa aking nakita.

Magulo ang higaan at halos natanggal na ang mga cover ng unan at bedsheets! May nakita rin akong walis at dustpan. Meron ring mga disinfectant sprays at bagong sabon at shampoo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ako.

"Anong kailangan natin ma'am?"

Lumingon ako sa likod at nakita ang isang helper na may hawak na mop.

"Ahh, Kuya,asan na po yung family na naka-check in dito?"

"Uhm,yung Olimberio po ba ma'am?"

Tumango ako.

"Ay wala na po sila ma'am, nag-check out nap o kaninang 6:30am."

Tinignan ko ang relo ko 8:34am na. Dalawang oras na ang nakalipas.

Tumabi ako kasi pumasok yung helper na kausap ko kanina. Nilapag niya ang hawak niyang mop at may kinuha sa kanyang bulsa. Inabot niya sa akin ang isang kulay pink na papel, nakatupi ito sa gitna. Nagtaas ako ng kilay.

"Ma'am pinabibigay po iyan nung anak ata nung nag-stay dito sa room. Yung matangkad, maputi, Medyo matipuno. Nakalimutan ko na po yung pangalan."

Kinuha ko sa helper yung inaabot niyang papel sa akin.

"Kiel Olimberio po ba kuya?" tanong ko.

"Siguro po ma'am."

"Sige kuya salamat po dito." Paalam ko. Tumango ang helper at lumabas na ako sa room.

Binuksan ko ang note at binasa.

Good Morning Summer!

Sorry I have to leave early. 10am kasi ang flight naming.

Thanks again for tonight! Promise I'll take you to our farm sometime.

But in the mean time,treat yourself to some watermelon shake, I already paid for it.

Regards,

Kiel O.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now